15

2.2K 43 9
                                    

"Oh mga anak,andyan na pala kayo. Kumain na kayo dito." sabi ni Nanay Rosario ng makita si Vice at Ion. "Good morning Love Birdsss!" nakangiting sabi ni Negi. "Che." mataray na sagot ni Vice habang nakangiti. Umupo na sila at sumabay sa pagkain.

"Ano ba nangyari kagabi 'nak? May sinabi sakin sina Billy." alalang tanong ni Nanay Rosario sa kanyang anak. Nagtaka naman ang mga kaibigan ni Vice sa sinabi ni Nanay.

Tumingin naman si Ion sa katabi at tumingin kay Nanay Rosario,"Muntik na po kasing mabastos tong si Vice. Buti na lang at dumating po ako agad." sabi nito sabay tingin kay Vice na hawak ang kamay nito.

"Pero okay na ko Nay,buti na lang at nandon si Ion." nakangiting sabi ni Vice. "Si Benigno pa ba? Palaban yan." pangangantyaw ni Vhong. "Benigno? HAHAHA! Benigno? HAHAHA!" napatawa ng malakas si Vice habang tinuturo si Ion kapag binabanggit ang totoong pangalan nito.

"Tuktukan kita mamaya Vhong!" nanggigigil na sabi ni Ion sa kaibigan. Nagtawanan naman silang lahat. "Benigno? HAHAHA Benigno?" paulit-ulit na panunukso ni Vice. "Hala,kung makatawa si Jose Marie." hirit ni Buern. Napatigil naman si Vice sa sinabi ng kaibigan.

"Jose Marie? HAHAHA Jose Marie?" panggagaya ni Ion dito. "Nakakatawa yon ha? Nakakatawa yon?" mataray na sabi ni Vice kay Ion. Di naman maipinta ang mga ngiti sa mukha ng mga kasama nila dahil sa kakulitan ng mga ito.

Natapos na silang lahat kumain at umakyat na para magbihis dahil sila pupunta na sa beach para maligo.

"Magsswimming ka ba Benigno?" tanong ni Vice dito habang tumatawa. "Hindi po ako maliligo Jose Marie. Ikaw?" pabalik na sabi ni Ion.

"Hindi rin." maikling sagot ni Vice. Pumasok ito sa banyo,pagkalabas ay agad namang niyang nakuha ang atensyon ni Ion dahil sa suot nito. Kitang-kita ang hubog ng katawan lalo na ang mga balakang.

Inaayos naman ni Vice ang nagulong gamit nya,nakatalikod sya sa lalaki. Unti-unti namang lumapit si Ion at niyakap ito mula sa likod. "Napaka sexy naman ni Jose Marie." malambing na sabi nito.
Napangiti naman si Vice. "Kala ko ba hindi ka liligo? Bat ganyan suot mo?" tanong ni Ion at hinarap sa kanya si Vice. "Malamang nasa beach tayo,anong gusto mong suotin ko? Gown?" sagot ni Vice dito habang tumatawa.

"Halika nga dito." sabi ni Ion at hinila si Vice sa bewang. Ipinatong naman ni Vice ang kanyang mga kamay sa balikat ng kaharap habang hinahaplos ang buhok nito. Nakatitig lang sila sa mga mata ng isa't isa.

Nilapat nila ang pareho nilang noo sa bawat isa. Nakapikit ang mga mata habang dinadama ang hangin mula sa balcony. May tumulong luha sa mga mata ni Vice,iminulat ni Ion ang mata niya at nakita ito. "Love? Why are you crying?" tanong ni Ion at pinunasan ang luha. "I'm just so happy that I'm here with you." sinserong sabi ni Vice. They kissed.

"Tara na sa baba." nakangiting sabi ni Ion. Bumaba na sila parehas at nakita ang kanilang mga kasama.

"Ay oh laban ang suot ni Nanay! Tara na nga." nakangiting sabi ni Vice.

Pumunta na silang lahat sa beach,nagsimula na silang lahat maligo. Si Vice at Ion naman ay magkasamang nakaupo sa may ilalim ng malaking payong. Nakasandal si Vice sa harap ni Ion.

Bigla namang tumunog ang phone ni Ion. Sinagot niya ito,"Hello po Sir,good morning po. I'm sorry to inform you na tuluyan na pong bumagsak ang sales natin this week." sabi ng nasa kabilang linya. Natigilan naman si Ion sa narinig,"Lo-love? Dito ka muna." sabi nito kay Vice at mariing hinalikan sa noo. Umalis ito kaagad sa kanilang kinauupuan.

Nagtaka naman si Vice sa inakto ng lalaki,bigla namang dumating sina Buern na kakaahon lang mula sa dagat. "Meme? May nagvovolleyball dun oh. Bet?" yaya ni Chad. "Sige game!" sabi ni Vice at pilit ngumiti sa mga ito. Nagaalala siya kay Ion.

"Si Ion pala Meme? Kasama mo lang dito yun ah. Baka naglalaro din yon." tanong ni Negi dito,"May aasikasuhin daw muna siya." sagot naman ni Vice.

Naglaro na sila,hindi pa rin maalis ni Vice sa isip niya ang inakto ni Ion. Nagalala naman siya para dito.

12:07 pm

"Nasaan na ba si Ion 'nak? Pati sina Billy at Vhong. Kakain na tayo." tanong ni Nanay Rosario sa kanyang anak. Si Vice naman ay kanina pang tinatawagan ang phone ni Ion pero hindi ito sumasagot. Hindi naman niya nakuha ang phone number ni Billy at Vhong.

Hindi naman niya alam kung saan ito hahanapin. Ayaw naman niyang magalala ang kanyang Nanay,"A-ah Nay,ano daw ahhh,may pinuntahan daw silang tatlo. Mamaya na lang daw sila kakain." nauutal na sabi ni Vice dito.

"Ahh ganon ba? oh siya kumain na tayo." yaya ng kanyang ina. Hindi naman masyado nakakain si Vice dahil nagaalala pa rin ito kay Ion.

"Isama niyo na muna si Nanay sa taas,maligo na kayo. Hahanapin ko lang sina Ion."  bulong ni Vice kay Aaron. "Okay ka lang Meme?" alalang tanong ni Archie. "Oo okay lang ako." maikling sagot ni Vice. "Samahan ka na namin ni Budi. Tara na." yaya ni Buern.

Pumunta sila Vice sa may lobby ng resort,"Miss? Can I get Billy's phone number?" tanong ni Budi. "I'm sorry po pero we're not allowed to---" biglang nagring ang phone ni Vice,"Hello Ion? Asan ka ba?" tanong niya.

"Hello Vice? Si Billy to." sabi ng nasa kabilang linya. "Billy,asan ba kayo? Si Ion nasan?" alalang tanong ni Vice. "Ito na nga,kaya kita tinawagan. Lasing na lasing na tong si Ion. Ano ba nangyari dito?" tanong ni Billy.

"Ha? Saglit papunta na ko dyan." sabi ni Vice at ibababa na sana ang tawag ng biglang narinig si Vhong,"Ano na namang ginagawa mo dito?" bakas sa tono ng boses nito ang galit.

"Sino? Sinong nandyan?" tanong ni Vice. "Ahh a-ano kasi s-si ano--" naputol ang sasabihin ni Billy,"Babe? What happened?" irit ng babae. "Nandyan na naman yang haliparot na yan? Teka papunta na ko." nanggigigil na sabi ni Vice at binaba na ang tawag.

_______________________________________

Short Updateee. Later ulitttt :)

Falling for youWhere stories live. Discover now