17

2.1K 44 10
                                    

"Aahhhhh! Arayyyy!" sabi ni Ion na may halong sakit sabay hawak sa ulo. Hindi naman agad ito makatayo dahil may nakayakap sa kanya. Nagising naman ang katabi sa pagkabigla,"Uyy bakit Love? Okay ka lang? Anong nangyari?" alalang tanong ni Vice dito. "Sakit ng ulo ko Love." mahinang sabi ni Ion at yunakap ng mahigpit sa katabi.

"Ano ba yan. Kala ko naman kung ako ng nangyari sayo." alalang tanong ni Vice habang hinahaplos ang buhok ng lakaki na mahigpit na nakayakap sa kanya. "Inom pa Benigno. Pwede ka naman mag-inom kaso wag yung sobra. Tingnan mo ngayo oh. Masakit ulo mo." malambing na sabi ni Vice dito.

"I'm sorry." mahinang sagot ni Ion. Hinarap ni Vice ang lalaki at hinalikan sa noo. "MAGTITINO na ha?" nakangiting sabi ni Vice at hinalikan si Ion sa lips. "Opo. I love you." malambing na sagot ng lalaki. "I love you too." sagot ni Vice at niyakap ng mahigpit si Ion.

"Dito ka lang. Kukuha kita ng pagkain ha?" malambing na sabi ni Vice. "Sige po." nakapikit na sagot ni Ion. Hinalikan ni Vice ang lalaki at tumayo na. Kinuha niya ang phone niya at bumaba na. Dumiretso siya sa kusina at doon naabutan ang kanyang Ina,si Billy at Vhong na may kausap na isang lalaki na bago lamang sa kanyang paningin na tila titig na titig sa kanya simula nung siya ay dumating.

"Oh anak,good morning. Bat ngayon ka lanh bumaba? Tara na kumain." nakangiting yaya ng kanyang Ina. "Goodmorning." nakangiting sagot ni Vice at binati rin si Billy at Vhong. Tiningnan niya lang naman ang lalaki ngunit ngumiti naman ito.

Kukuha na sana si Vice ng plato ng biglang magsalit ang lalaki,"Vice? Good morning. Ahh Jhong nga pala." nakangiting bati ng lalaki sabay abot ng kamay. Nabigla naman si Vice ngunit agad na nakipagkamay sa lalaki. "Hello." nakangiting sagot naman nito.

"Vice si Jhong,kababata ko dito sa Batangas. Jhong si Vice,kaibigan namin." pagpapakilala ni Billy sa dalawa. Ngumiti lang naman si Vice sa lalaki.

"Hi. Kamusta?" tanong ni Jhong at nilapitan ang kausap. "Okay naman. Ikaw?" sagot ni Vice habang kumukuha siya ng plato na lalagyan  pagkain nila ni Ion. "Akyat muna ako Nak. Magliligpit na muna ako ng gamit." paalam ni Nanay Rosario. "Sige Nay." sagot ng anak ng nakangiti.

Busy naman si Billy at Vhong habang naguusap at kumakain. Habang si Vice naman ay naguumpisa ng maglagay ng pagkain sa plato. "Kailangan mo ba ng tulong?" nakangiting tanong ni Jhong. "Ha? Hindi na. Nakakahiya naman tsaka keri ko na to no." nakangiting sagot ni Vice. Madali naman niyang nakagaanan ng loob ang lalaki.

Naguumpisa naman na si Vice sa pagtitimpla ng kape,"Kailan pa kayo dito?" tanon ni Jhong at lumapit ng kaunti sa kausap. "Pangatlong araw na namin dito. Aalis na rin kami mamaya. Ikaw?" sagot ni Vice at natapos ng timplahin ang kape. Humarap siya sa kausap dahil hinihintay niyang sumagot ito,"Kanina lang. Nalaman ko kasing nandito si Billy kaya might as well bisitahin ko." nakangiting sagot naman ng lakaki. "May itatanong sana ako sayo,kung okay lang?" dagdag ni Jhong. "Oo naman. Ano yun?" nakangiting sagot ni Vice sa kausap. "May boyfr--" naputol ang sasabihin ni Jhong ng biglang may nagsalita.

"Love." singit ni Ion sa dalawang naguusap habang ang isang kamay ay nakalagay sa bewang at isa naman sa kanyang ulo dahil medyo namamanhid pa ito sa sakit. "Love?" bulong ni Jhong sa sarili.

"Oh Love? Bat bumangon ka na? Baka mahilo ka." alalang sabi ni Vice na ngayon ay nilapitan ang lalaki at hinaplos ang buhok. "Tagal mo kasi eh. Gutom na ko. Baka mamaya ikaw kainin ko." nakangiting sabi ni Ion at hinawakan sa bewang ang kaharap. "Huy! Pereng shira to!" malanding sagot ni Vice at pinatong ang dalawang braso sa balikat ng lalaki.

"Huy huy huy! Magtigil kayo diyan. Ang aga aga. Dun kayo sa kwarto." panunukso naman ni Vhong. Natauhan naman ang dalawa dahil tila nakakalimot sa paligid pag sila lang dalawa ang magkausap.

"Ewan ko sa inyo." natatawang sambit ni Ion. Napansin niya ang lakaking pamilyar ang mukha sa kanya. Lumapit si Vice at Ion sa lamesa,tumayo naman si Billy at sinabing,"Brad,naaalala mo pa ba si Jhong?" sabay hawak sa balikat ng tinutukoy niyang lalaki. "Parang pamilyar nga." maikling sagot ni Ion at hinila ang isang upuan,"Love oh." umupo naman si Vice.

Lumapit naman si Ion sa lalaki,"Ano nga ulit pangalan mo?" takang tanong ni Ion. "Di mo na ko naaalala ah? Hahaha. Jhong brad." sagot ng lalaki at nakipagkamay sa kausap. "Jhong? Jhong? Jho-- Jhong!! Langya Brad,long time no see!" napalakas naman ang boses ni Ion at niyakap ang lalaki. "Oo nga,kamusta ka na?" tanong ni Jhong. "Ito okay naman." sagot ni Ion at humarap kay Vice ng nakangiti,"Masaya."

Napansin naman iyon ni Jhong,"So,kayo pala ni Vice?" nakangiti ngunit naiilang na tanong nito. "We're getting there na." nakangiting sagot ni Ion na halata sa mga mata ang saya. "Ahh." napatango na lamang si Jhong. "Ikaw? How's life?" tanong ni Ion sa lalaki. "Okay naman. Steady lang,chill chill." nakangiting sagot ni Jhong.

"Love? Kain muna tayo. Ikaw Jhong? Kumain ka na ba? Sabay ka na samin." nakangiting anyaya ni Vice,umupo naman si Ion sa tabi nito. "Sige lang. Katatapos lang namin nila Billy at Vhong." nakangiting sagot ni Jhong. "Ahh okay." nakangiting sagot naman ni Vice.

"Love paabot nunnnnnnn." sabi ni Ion sa katabi na gamit ang nguso sa pagturo. Cute na cute naman si Vice kay Ion at hinawakan ang pisngi nto,"Alinnnn?" panggigigil nito. "Yung baconnnn." sagot ng lalaki. "Hahaha. Cute cute! Ito yung hinanda ko kanina,yan na kainin mo." abot ni Vice ng plato na may laman ng pagkain. "Dami nito Love." sabi ni Ion habang nakatingin sa pagkaing nasa harap niya ngayon. "Eh di hati po tayooo." sagot ni Vice at hinalikan sa pisngi ang lalaki.

"Ay jusko tara na mga Brad. Mukhang lalanggamin tayo dito." panunukso ni Billy. Natawa naman sila at nagsimula ng lumabas. Ngumiti si Jhong kay Vice na napansin naman ni Ion. Hindi na niya lang ito pinansin. Umalis na nga ang tatlo.

"Kain na. Mamaya aangal-angal ka na naman diyan." sabi ni Vice kay Ion. "Subuan mo ko." sabi ng lalaki. "Wala ka bang kamay ha?" mataray na sagot ni Vice. "Susubuan mo ko o SUSUBUAN KITA?" seryosong tanong ni Ion na may kakaibang tingin kay Vice. "Aga-aga Benigno ha. O nganga." nakangiting sabi ni Vice.

________________________________________

Falling for youWhere stories live. Discover now