Natapos na maligo ang dalawa ngunit nanatilibg tahimik naman si Ion. Napansin naman ito ni Vice.
"Love,are you okay? Aalis pa ba tayo? Pwede namang wag na." malambing na sabi ni Vice sa lalaki at hinaplos ang mukha nito.
"I'll just send someone sa bahay para maglinis don. Nawala ako sa mood bigla." sagot naman ni Ion at umupo ito sa may kama.
Pinulupot naman ni Vice ang kamay sa leeg ng lalaki at kumalong dito,"Kilala kita Betnog. Those flowers means nothing to me. Jhong is just friendly,that's all."
"I don't like him being that friendly to you."
"Stop na,wag ka na magtampo. Ito naman,liit liit na bagay pinapalaki pa. Ano bang gusto mong gawin ko para gumanda naman yang mood mo?" nakangiting saad ni Vice.
Bigla namang nag-ring ang phone ni Ion at sabay silang napatingin doon.
"She's still calling you? Teka nga,sasagutin ko yung tawag." sabi ni Vice at akmang kukunin na ang phone ng bigla siyang pigilan ni Ion.
"No,ako na." mabilis nitong sabi at agad kinuha ang phone. Lumabas ito sa balcony at doon sinagot ang tawag.
"Anong sinabi ko? Just text me kung ma---"
"Hello po,tumawag po kami para ipaalam sa inyo na isinugod po dito sa hospital ang girlfriend niyong si Girly."
"Ha? Anong nangyari? Teka papunta na ako!" tarantang sabi ni Ion at nagmamadaling pinatay ang tawag.
Nagtaka naman si Vice sa inaakto ng lalaki,"Why? What did she said?" tanong niya rito.
"I'll talk to you later Love,emergency lang!" sagot ni Ion at mabilis na hinalikan ang nobya sa pisngi.
Mabilis itong lumabas ng pinto,"Gusto mong samahan kita?" sigaw ni Vice sa lalaki,"No,stay here." sagot naman ni Ion.
Mabilis namang nakarating sa hospital si Ion kung saan dinala si Girly. Agad itong nagtanong,"Girly Santos?" tanong ni Ion sa nurse.
"Sir,nasa ER pa po siya. Head straight then left po." sagot naman ng Nurse.
Nagmamadaling pinuntahan ni Ion ang babae. Naabutan niya naman itong walang malay.
"Anong nangyari?" tanong ni Ion sa nurse habang hindi inaalis ang tingin sa babae.
"Kayo po ba yung boyfriend n---"
"Ex-boyfriend. Tell me,what happened?"
"Base po sa mga nakakita,nasa parking lot po siya and bigla na lang daw po siyang natumba." sagot ng nurse dito.
"Yung bata?" tanong muli ni Ion,"As of now,hinihintay pa po namin yung Doctor. Dinugo po siya pero hindi naman ganon kadami. Paki fill up naman po nito Sir since kayo ang nandito for her." sabi ng nurse at iniabot ang papel kay Ion. Mabilis naman itong ginawa ni Ion.
Pagkatapos ng paghihintay ay inilipat na sa isang kwarto si Girly. Nanatili naman itong tulog.
"Doc,kamusta na po siya? Yung baby po?" tanong ni Ion sa Doctor.
"She and the baby are safe. Kailangan na may lagi siyang kasama at wag hahayaang mag-isa. Both of them are in danger incase na may mangyari pang masama sa kanila,wag naman sana. Pwede na siyang umuwi mamaya. I'll just inform the nurse na lang." paliwanag ng Dr.
"Salamat po." ang tanging nasagot ni Ion.
Pumasok na siya sa kwarto at naabutang gising na ang babae.
YOU ARE READING
Falling for you
FanfictionAn unexpected love and journey of two people that are very focused and hardworking who were distracted by the thing called "love"