44

2.3K 82 32
                                    

General

Malalim na ang gabi at wala ng tao pa sa paligid. Tanging tunog na lamang ng mga sasakyan sa labas ng building ang maririnig. Naghihintay naman sina Buern at Archie sa lobby ng hotel at nakatitig lamang sa may entrance. Dalawang araw na silang naghihintay na may pumasok at may dala ng pag-asa  para sa kaibigan nilang dalawang araw na ding hindi nila nakikitang lumalabas sa kwarto nito.

"Akala ko ba pupunta siya? Bakit wala pa?" napatayo si Archie sa kanyang kinauupuan at napahawak sa batok niya,"Magdadalawang araw na oh. Gamitin na natin yung hiningi nating extra card,pasukin na natin si Meme."

"Baliw ka ba ha? Nakita mo ba yung mukha ni Meme nung sinabi niyang gusto niya mapag-isa ha? Subukan mong pumasok sa kwarto niya,uuwi na talaga tayo sa Pilipinas." saad ni Buern na napatayo na rin sa kanyang kinauupuan.

"At least uuwi tayo ng Pinas na alam nating buhay siya! Malay ba natin kung ano ng ginagawa nun?! Tara na,pasukin na natin." maglalakad na sana papalayo si Archie ng bigla siyang makarinig ng isang pamilyar na boses.

"Buern,Archie."

Napalingon din si Buern at dahan-dahang lumapit sa lalaki. Unti-unti na rin siyang napapaluha,hinawakan ang kamay nito at ibinigay ang extra keycard,"Kailangan ka niya."

Napatango na lamang ang lalaki at dali-daling sumakay sa elevator. Pagkarating niya sa tapat ng pinto,hindi niya alam kung tama ba na nandito siya. Pero isang bagay lang ang malinaw sa isip niya,kailangan siya ng taong mahal niya.

Binuksan na niya ang pinto at dahan-dahang pumasok. Sinara niya ito ng hindi gumagawa ng kahit ano mang ingay. Madilim ang kwarto dahil patay ang lahat ng ilaw at sarado ang kurtina. Marahan siyang naglakad at hindi sinasadyang nasipa ang ilang mga bote. Naglikha ito ng ingay kaya't nataranta siya. Hinanap niya ang switch ng ilaw at kinakapa ito sa dingding. Agad naman niya itong nahanap. Pagkabukas na pagkabukas ng ilaw,bumungad sa kanya ang mga alak ng bote na wala ng laman. Nakakalat ito sa sahig pati na rin ang ilang mga damit nito. Sinundan niya ang kalat at nakita na ng dalawa niyang mata ang kanina niya pang hinahanap. Nakahiga ito sa kama at mukhang malalim ang tulog. May hawak pa itong bote sa kanyang kamay.

Napabuntong hininga ang lalaki sa kanyang nakita. Nilapitan niya ito at dahan-dahang inalis ang bote na hawak nito. Pinagmasdan niya ito habang natutulog. Hindi naman niya mapigilan ang sarili sa pag-iyak. Marahan niyang hinaplos ang mukha nito. Bakas sa mga mata nito ang walang hanggang pag-iyak. "Matagal-tagal ko ring hindi nagawa to. Ang pagmasdan ka ng malapit habang natutulog. Kamusta ka na ba? Nawala lang ako saglit sa tabi mo,kung ano-ano ng nangyari sayo. Bakit mo ba to ginagawa sa sarili mo ha? Buksan mo na yang puso mo Vice. Nasan ba ang lugar naming mga gustong magmahal sayo?" marahan din niyang hinalikan ito sa noo,"Wag ka ng mag-alala,nandito na ako at hinding-hindi na 'ko aalis sa tabi mo. Malalampasan natin tong dalawa. Tutulungan kita gaya ng tinulong mo sakin noon nung mawala ang tatay ko. Love,I'm home."

Tumayo na siya at pinagmasdan ang paligid. Napahawak siya sa kanyang bewang at nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga. Binuksan niya ang mga kurtina. Pinulot niya isa-isa ang mga bote ng alak na nakakalat sa sahig at inipon iyon sa may lamesa. Pinulot na din niya ang mga damit at nilagay ito sa may banyo.

Nilapitan niyang muli ang natutulog sa kama at inayos ang kinahihigaan nito. Kinumutan niya ito ng maayos. Kumuha siya ng hand towel at binasa ito. Marahan niyang pinupunasan ang mukha,braso,kamay,binti at paa nito.

"Wag ka munang magising ha? Hindi ko kasi alam kung anong magiging reaksyon mo pag nalaman mong nandito ako. Hayaan mo muna ako na alagaan ka. Magagalit ka kaya? Papaalisin mo ba ko? Ay oo nga pala,hindi mo pa pala alam. Alam mo bang kalalabas ko lang sa hospital nung tumawag sina Buern at Archie sakin? Sabi ni Doc. nasobrahan na daw ako sa alak at hindi na kinaya ng katawan ko. Alam mo ba kung bakit? Hindi ko pala anak yung baby ni Girly. Naramdaman mo na ba yon? Yung handang-handa ka ng panindigan at tanggapin yung sitwasyon,sa sobrang handa ko na nun,may mga kailangan pa ngang mawala sakin. At ikaw yon,nawala ka sakin. Nadurog na naman ako Love. Hindi ko pala siya anak tapos wala ka na sa tabi ko. Bakit kaya ganon no? Trip ba talaga akong paglaruan ng mundo?" naluluha na ito habang nagku-kwento sa katabi. Binaba na niya ang hand towel at mahigpit na hinawakan ang kamay nito.

Falling for youWhere stories live. Discover now