27

2.3K 51 9
                                    

"Hello Chris? Why did you call?" tanong ni Emma na nagising sa tawag. "Your Dad,he wants to talk to you." saad ng tao sa kabilang linya. Bumangon si Emma at lumabas sa may balcony,"Emma,ano na? What's happening there?" tanong ng ama nito. "Eh ang hirap naman palang kausapin nitong anak mo Tay,kapag pupuntahan namin wala naman siya don." saad ni Emma.

Napaighim ang tao sa kabilang telepono at tuluyan itong inubo. "Are you okay?" alalang tanong ni Emma dito. "I'm fine. Gawin niyo na yung pinapagawa ko. Time is running fast. Baka pati kayo,hindi niyo na din ako maabutan ng buhay dito." sabi ng ama.

"Don't say that. Sasabihin ko naman,I just need more time." sagot ni Emma dito. "I ain't got much time left. Ayusin niyo na yan. Sige na,ikamusta mo na lang ako sa mga kapatid mo." huling sabi ng ama bago pinatay ang tawag.

Napaisip si Emma sa sinabi ng ama,pumasok na siya sa loob at natulog muli.

_______________________________________

"Benigno tigilan mo ko. Di bagay sayo nagseselos." saad ni Vice at umupo sa sofa. "Hindi ko gusto yang si Jhong na yan." seryosong sagot ni Ion dito. "Malamang,ako ang gusto mo eh." banat ni Vice dito. Tinitigan lamang siya ng lalaki. "Uwi na ko." maikling sambit ni Ion at tumayo na sa kinauupuan. Agad namang napatayo si Vice at niyakap ang lalaki.

"Wag ng magselos,napakamatampuhin naman." paglalambing dito ni Vice. "Hindi nga ako nagseselos." sabi ni Ion dito. "Basta,ayoko sa Jhong na yan. At ayokong nakikipagusap ka sa kanya na hindi ako kasama." sambit ng lalaki.

Napahingang malalim si Vice at hinarap ang lalaki. Pinulupot ang mga braso sa bewang ng lakaki at hinalikan ito. "Opo. I love you." malambing na sabi ni Vice dito. "I love you." sagot ni Ion at sinugod ng halik ang nobya.

Napaatras sila hanggang sa lumapat ang likod ni Vice sa may pinto. Nilock ito ni Ion at patuloy na hinalikan ang nobya. Lumakad sila papuntang sofa ng hindi napuputol ang mainit nilang halikan. Tinulak ni Vice ang lalaki paupo sa sofa at pumatong dito.

Hinalikan ni Vice ang leeg ng lalaki na naging sanhi ng pagungol ni Ion. Muling binalik ni Vice ang labi sa labi ng lalaki. Hanggang sa sila'y tumigil,magkalapat lamang ang kanilang noo at nakapikit. Pinapakinggan ang paghinga na napagod sa kanilang ginawa.

Nagkatinginan sila,"Labi mo lang ang gusto kong halikan. Hanggang sa harap ng altar,mahal ko." malambing na saad ng lalaki. Naluha si Vice sa sinabi nito at niyakap ang lalaki.

Maya-maya ay bumaba na sila. "Uwi na kami Me,ikaw?" tanong ni Chad dito. Humarap si Vice sa nobyo at nakitang malungkot ito. Lumabas sila saglit,"Sa bahay ka na lang ulit matulog?" mahinang sabi ng lalaki. "Simula nung galing tayo sa Batangas,hindi na tayo naghiwalay. Para namang hindi tayo magkikita bukas?" nakangiting pagpapagaan ng loob ni Vice sa nobyo. "Sa bagay,kaso pag namiss kita. Baka pumunta agad ako sa bahay mo." sagot ni Ion dito. "Ewan ko sayo Benigno. Umuwi ka muna,wala ka bang gagawin? Yung business mo,intindihin mo." sabi nito sa lalaki.

Napahingang malalim si Ion sa sinabi nito. Niyakap na lamang niya ang nobya at hinalikan sa noo. Lumabas na ang mga kaibigan ni Vice na handa ng umuwi. "Alis na kami? Byeee,I love you." malambing na paalam dito ni Vice. "Sige na,ingat kayo. I love you." paalam ni Ion at biglang hinalikan ito sa labi. Nagtilian naman ang mga kasama sa nakita.

"Aysesssss!" panguukit ni Budi. Hinintay ni Ion na makasakay ang nobya sa sasakyan. Kumaway siya dito ng makitang umalis na ang van.

Sumakay na din siya sa kanyang kotse at nagmaneho na pauwi. Pagdating sa bahay ay naabutan niyang tulog na ang mga kasama. Agad na nagbihis si Ion at tinext ang nobya.

To : Love Ganda

Loveeee,nakauwi ka na?

[SENT]

Falling for youWhere stories live. Discover now