Chapter 10

49 3 0
                                    


"What are you wearing?" Hindi ko mabasa kung anong meron sa pananalita niya.

Basta ang alam ko pak na pak ang suot ko. Alam kong malaki ang boobs ko kaya may pa plunging neckline. Alam ko rin na maganda legs ko kaya may pa slit sa outfit ko. Alam ko na mas mailalantad pa ang katawan ko kapag hapit na hapit ang long gown ko at kumikinang dahil sa mga beads..

I thought he will be in awe and drool for me for the first time. This effin' gown is ment for him. I chose it from my designs because I thought it will catch his attention.

"You're not going there for sale."

Huh? Ano daw drama niya?

"W-what?"

"Sabi ko, hindi kita dadalhin dun para maging paninda. Hindi parausan ang sinabi kong kailangan ko kundi asawa."

Tinaas ko ang kamay ko na akmang sasampalin siya ulit. Pero parang mga antibiotics lang na nagiging resistant ay nahulaan niya ng mas maaga ang gagawin ko kaya nasalo niya agad ang kamay ko.

Let go of me!

"Pangit ba? Anong bang mali sa kin? Sa damit? Hindi ko naman to sinuot para sa kanila kundi para sayong kupal ka. Sorry ha? Kasi gusto kong mapansin mo ako. Sorry kasi akala ko for the first time, imbes na insulto ay purihin mo naman ako. Sorry kasi ang boba ko para maghangad ng napaka-imposible."

Nagulat ako sa pag-aalburuto ko. Sh*t! Ang boba mo talaga Arsinoe. Bat ka naman umamin? Ni kahit sa mga eksena sa teleserye at kdrama hindi sila umaamin na nagpapapansin sa lalaki. Bat ba kasi ang prangka mong babae ka.

"Sige magpapalit na ako o kung ganun ka talaga nahihiya, sabihin mo lang dahil marami akong puwedeng gawin sa free time ko bukod sa pagsama sa yo."

Liningon ko ang pintuan ng bahay ko para pumasok at magpalit kasi sa pagkakaalam ko hindi naman niya ako hindi puwedeng isama dahil ako lang ang choice niya. Option na walang halaga para sa kanya. Buti pa mga choices sa multiple choice na parte ng pagsusulit may halaga, ako wala. Ni hindi niya ako makita bilang isang babae kundi bilang isang hampaslupa na mas mababa. Isang tao na nasa patag lang habang nasa tuktok siya ng katayugan. Kasalanan ko ba?

"Look." He held my wrist. "I'm sorry."

Tinanguan ko siya pero naluluha na ako. Kainis, iyakin talaga. Hindi ko maayos sarili ko mula sa pagiging iyakin.

"Magpapalit na ako." Mahina at seryoso kong sabi.

"No, you look perfect... actually." Biglang nagbago isip? "For me, just for me and no one else."

"Anong sabi mo?" Hindi ko kasi narinig yung huli niyang sinabi.

"Nothing."

Then he dragged me to the car. Hindi ko alam kung bat biglang nagbago isip niya pero hindi ako thankful dahil masakit pa rin pangungutya niya. Pero, hindi pa ba ako sanay? Para namang nagbago siya. Magulat na lang siguro ako pag nakarinig ako ng puri mula sa kanya.

"Arsinoe, look. What I said back there I'm sorry. I'm really sorry." Hindi na ako papadala sayo kumag.

"I didn't mean it." Wag mo akong pinaplastik.

"I really didn't mean to offend you." Manahimik ka at wag mo akong kakausapin.

"It's just that—-"

"What?!" Kumibo na ako at nagtama mga mata namin.

Then I see his eyes. Natagpuan ng mga mata ko ang kanya at napagtanto ko na sinsero ang paghingi niya ng tawad. Hindi lang ang mga mata niya kundi pati na rin ang pinta ng mukha niya. At dahil dun hindi ko na kailangan ng mga kataga dahil alam ko na. Alam ko na mahirap talaga sa kanya na purihin ang mga babae dahil kinamumuhian niya kami.

Hush and Kiss meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon