Chapter 19

31 3 0
                                    


A

ng pangyayari sa araw na ito ay nangangailangan ng selebrasyon at ito nga ang kaganapan. Isang taon na mula ng itayo ko ang sarili kong negosyong puhunan ang pagod, kahusayan at pagsisikap ko. Dapat masaya ako at ngumingiti ng abot taenga, labas ang ngipin. Pero hindi ko magawa.

"Good evening ladies and gentlemen. As you all know I started this clothing line from scrap and how I thank you all especially those that stayed with me from the very beginning."

Pilit ang ngiti ko sa dalawa kong kaibigan. Sina Camille at Vans na magkatabi sa harapan. Pinareserve ko ang pinakamagandang puwesto para sa kanila.

"As this event marks our anniversary. We would also like to launch our newest design of clothes and our new product. Yes, we have a new product. We expanded the business to creating shoe designs. I hope you'll like it all and enjoy the night. And... before I take my leave off this stage I would like to raise a toast."

Tinaas nila lahat ng mga baso nila at sumabay sila sa paglunok ko ng champagne. Sana nga lecheng beer ang nilalagok ko ngayon. Punyetang buhay ito kung kailan ang saya saya ko na, tapos isang kalokohan lang pala lahat. Bakit ba kapag ang taas na at ang layo na ng narating mo, ang taas at ang layo rin ng puwede mong bagsakan? Ang sakit, ang pait at ang tanga ko.

"And this is what you're all been waiting for. The new designs and new product of ASZV clothing line."

Sabi ng host at nagsimula na ang pagmomodel ng mga models. Panandalian kong nakalimutan ang problema at dinadamdam ko. Tinuon ko ang aking pansin sa aking mga gawa kung saan buo ang pagpuri ko sa aking sarili. Natupad ko na ang pangarap ko. Natupad ko na ang ginusto ko simula pa noong bata. Tagumpay ako at ipinagmamalaki ko iyon.

"Since she started it. It's just right for her to end the night too. I'm honored to introduce to you the owner and CEO of ASZV clothing line. My best friend and the most beautiful lady I know beside me, Ms. Aria Sienna Zoe Vega." Sinabi ko bang si Camille ang host.

Bolera talaga ito. Kung alam ko lang gusto lang niya kasing i-push ko ang pagpapagamit ng mga designs ko sa bagong pelikula niyang ipoproduce. Bigla lang kasing nasabi ko. Parang biro na suhestiyon tapos sabi niya gusto niya at ako naman si sutil biglang binawi sinabi ko. Sa totoo lang gusto ko talaga pero hindi ko muna ipagtatapat. Regalo ko sa nalalapit na kaarawan niya dahil wala naman na akong puwedeng ibigay. Mayroon na kasi sa kanya lahat.

"I just want to thank you for coming, again. I'm not someone who give speeches so I'll just say this. I'm not the only one who made everything possible for my clothing line. I have all the supports of my employees. Without them I would be nothing. I hope you to continue expecting from our teamwork. I hope you are satified with what we can give and if not. I will whole-heartedly accept negative comments. Sabi nga nila hindi ako nega."

Nagtawanan ang lahat.

'Tss, I'm bored. Boring business stuff, gathering, launching and all.'

Ikaw na naman na kontabida ka. Moment ko to. Wag kang pumapel.

"Good evening and Good night everyone."

At aalis na sana ako mula sa stage nang biglang nagdilim ang buong paligid. Tapos may pa effect ng dim blue light para makita ang tila pag-ulan ng pink petals ng mga rosas. Napakagara at napakagrande. Parang kumikinang pa, may mga parang glitters din na bumabagsak. Mga conffetti na sobrang liliit gaya ng buhangin?

It was majestic and then I was astounded when a spotlight came in and I see him in front of me.

Tumikhim siya.

"People know me as a PDA man and well, maybe that's why I'm here."

Wag, please wag. Mapapahiya ka lang. Umalis ka na sa harapan ko. Huwag mong itutuloy. Gago kang hinayupak ka. Napatagal mo ng higit isang taon. Niloko mo ako. Isang kalokohan lang ito at ngayon gusto mo pang palalain?

Hush and Kiss meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon