Hindi ko na siya iniwan pa simula nang magising siya. Ayoko na siyang iwan pa gaya ng pahayag ko. Payapa siyang natutulog at sabi ng doktor huwag daw kaming mag-alala. Seryoso? Paanong hindi, halos isang linggo na hindi pa rin ulit siya nagigising.Matalim na rin ang tingin ng mga magulang nito sa doktor na bumibisita kahit na puno ang pasasalamat nila nang mabalitaang nagising na ito. Para nga silang naglolokohan dahil nakakaya na rin ng doktor na ibalik ang matalim na tingin sa kanila na para bang sinasabing normal lang ito. Ligtas ang anak nila at walang masamang mangyayari dito.
"Morning love." I kissed him on the forehead.
At napaigtad ako ng parang sesemplang ang pinto nang magbukas ito at bungad ay si Thorn/ Clave. Sige, Clave na lang dahil mas kilala siya sa pangalang ito.
"What the heck?! Why are you here?" Hindi pa rin pala kami magkasundo.
"Because I love him."
"Move bitch!" Tudyo niya.
"I practiced self-defense. Kung ayaw mong maging flying saucer palabas ng kuwarto, umayos ka."
"Oh, you think you have the right?"
"Just..."
Medyo nahilo ako. Madalas itong mangyari nang pinanganak ko ang kambal. Marami kasing nawalang dugo sa akin at nagkaroon din ako ng iron deficiency nung pinagbubuntis ko sila.
"Y-you okay?"
"Wag kang plastic." Panduduro ko.
"I care about the woman that my best friend loves."
"So, tanggap mo na ako. Ang dali naman atang magbago isip mo?"
"Kasi ikaw lang nakapagpagising sa kanya nang kinausap mo siya."
Magsasalita sana ako nang maramdaman ko ang titig ni Clave sa kanya. Gising na ito. Sa wakas dahil pati ako parang matataranta na rin tulad ng mga magulang niya.
"What do you need love? I'll get you anything." Wika ko.
"W-water." His voice came soft and hoarse.
"Wait kukuhanan kita ng tubig."
Lumabas ako ng kuwarto dahil walang tubig dito. Dumiretso muna ako sa nurse counter para tanungin kung puwede ko siyang bigyan ng tubig at sabi naman nila na maaari daw at walang kaso.
Nagmadali ako at bumili ng tubig. Tapos nung pabalik na ako ng kuwarto ay may tubig na. Grr, badtrip talaga tong Clave na to. Hinahangaan ko pa naman siya noon pero ngayon wala na. Inis na lang natitira. Puwede pa lang magparoom service kasi isa ito sa polisiya ng ospital nila. Todo alaga ang mga empleyado sa mga pasyente.
Ang sarap ilabas ang pangil ko pero magpapakatuta muna ako dahil ayoko namang bigyan si Zade ng poproblemahin. Kagigising nito at dapat wala siyang ibang alalahanin kundi magpalakas.
"If you plan to be a damsel in distress well it's not working. You still look like a tigress ready to pawn." Panunuya ni Clave.
Minsan talaga hindi ko kayang magpakaplastik pero at least, nakapagbigay ako ng tunay na ngiti. Hindi dito kundi kay Zade siyempre.
"Just so you know. Ayaw niyang uminom ng tubig dahil hihintayin ka daw niya." Pang-iimporma ni Clave na mukhang nagtatampo.
What the?! Dapat uminom na siya. Pare-pareho lang naman ang lasa ng tubig diba? Ngunit na sweetan ako sa ginawa niya pero hindi kailangan. Nakikita kong medyo nanunuyo ang mga labi niya. Mas nag-alala tuloy ako.
"Next time don't be so stubborn."
Pinilit niyang umupo ng siya lang pero pumalya siya.
"H-hey. Kailangan ko pa bang mas taasan pa? Zade you just need to tell me." Nag-aalalang si Clave.
BINABASA MO ANG
Hush and Kiss me
RomanceThey started on the wrong foot kaya tila isang epic scene sa teleserye ang una nilang pagkikita. The least she wants is for a man to totally humiliate her kahit wala naman siyang ginagawa tapos mas lumalala pa nung ayain siya nito sa isang bagay na...