I was on my way to him when I met her. Her friend who slapped me and I know I deserved those slaps. Actually, parang kailangan ko pa nga eh. Alam mo na pang encourage na dapat hindi ko na gawin itong binabalak ko kasi baka masaktan ko na naman siya o kaya baka mas masaktan ko pa kaming dalawa. O kaya naman baka pati mga kinikilala kong magulang madamay dahil sa akin kapag pinilit ko pa kasi I feel like iba siya kung magalit. I mean from what I heard in the business world you would rather die than be his enemy and right now I think I am his enemy and I would die to be by his side again.Looking at it now. Hindi lang siya ang kaaway ko kundi pati na rin ang babaeng papalapit sa akin. Kumaripas ako ng lakad pabalik sa kotse. Kakalabas kasi niya sa bahay ni Zade at parang may kirot sa dibdib ko dahil doon. Sila na ba? Baka naman hindi lang nila na feel nung una pero may gusto rin pala sila sa isa't-isa.
But then... all my doubts faded when I saw her eyes. It didn't tell me that she was denied and it was an unrequited love. It did tell me that she's a friend crying for her friend. Parang si Vans lang. Sa tingin ko counter namin siya ni Vans and oo nga noh? Sa side namin, dalawa kaming babae tas isang, well, lalaki naman. Sa side nila, dalawang lalaki at isang babae pero babae nga ba talaga ito? Naghihinala na ako. Baka mag click sila ng sissy ko.
"I know I don't have the right but I want to talk to him, please." Dahil sa pesteng hindi ko mabuksan kaagad ang sasakyan kaya hinarap ko na lang siya kasi wala ng time magtago.
She heaved for a sigh. "Let's talk first."
Tumango ako saka binukasan ang kotse ko. "Do you have a car? I-I'll follow you?"
"Oh no... makikilibreng sakay din ako kaya kita gustong kausapin pero mostly kakausapin kita, ok?"
Awkward pero bat parang medyo mabait? Parang si Vans lang siya ngayon magsalita. Pranka at medyo pa joke. Ewan, siguro guni-guni ko lang. Kailangan ko na sigurong matulog pero hindi puwede. I won't,until I talk to him but for now, to her first. Let's save the best for last right?
Sasakay na sana ako sa kotse... "Let me drive?" Sabi niya kaya inabot ko sa kanya ang susi.
"Uhm, where are we going?" Nagtataka kong tanong.
"To the place where it's safe kung gusto mo man akong sabunutan, sampalin o harasin. You can act and talk violently in front of me if you want in my place." Saka niya ako kinindatan.
Biglang naglaho yung nag-aapoy na galit na babae sa party kanina. Lasing ba siya kanina? Parang hindi naman ha? Oh, siguro lasing siya ngayon.
Tumango-tango ako sa sarili saka binabanggit sa isip ang salitang 'Tama' ng paulit ulit.
"Why are you bobbing your head?"
Thinking right now...
Tiningnan ko siya sa mata at medyo bumuka ang bibig ko pero tinikom ko rin. Yumuko ako para hindi matama ang mga mata ko sa mga kanya. They are weird and I don't know why. Pero hindi naman ganoon ka weird. Kakaiba lang kasi dahil parang hindi na siya galit.
"It's also a place where you can do the same to me and I won't fight. I'll take your slap, punch or kick over and over again if it will make you feel right." Bumuntong hininga ako pagkatapos basagin ang namumuong katahimikan. "I wish if you do it, it will make me feel well as well."
Mahina ang pagkasabi ko ng huling pangungusap dahil kahit ano pang kabayolentehang pisikal ang saluhin ko wala ng mas sasakit pa sa ginawa ko at sa nararamdaman ko dito.
"What?!" She furrowed as she looks at me.
"You know..." Nagkibit-balikat ako. "Acts of violence. I actually don't know why you think I should do it because I'm the one who deserves it, not you."
BINABASA MO ANG
Hush and Kiss me
RomanceThey started on the wrong foot kaya tila isang epic scene sa teleserye ang una nilang pagkikita. The least she wants is for a man to totally humiliate her kahit wala naman siyang ginagawa tapos mas lumalala pa nung ayain siya nito sa isang bagay na...