Chapter 20

37 4 0
                                    


When I said the words, I felt nothing but when he's already leaving me after saying what he said, then I realized. Pero kinakain pa rin ako ng galit at pagdududa kaya hindi ko siya napigilan. At ngayon na nalaman ko ang katotohanan. Ang tanga tanga ko. Ang tanga ko para sabihing hindi totoo ang lahat. Ang tango ko para gaguhin siya at ang tanga ko para hindi aminin sa sarili ko na kahit ano pa man ay mahal ko siya.

Tinakpan ko ng mga kamay ko ang mukha ko dahil sa kahihiyan at kasabay ng pagtulo ulit ng aking mga luha. Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung paano aayusin to o kung maayos pa ba. Bakit ang sama ko? Why didn't I believe Vans' words before, that it's better to get fooled than fool other people? Hindi ako yung tipo na magagawa yun. Hindi ako yung tipo na kayang manakit ng lubos.

"What the heck Snow?!" Snow tawag niya sa akin kapag nagpupuyos na siya sa galit o sobra na ang kanyang tampo. "Anong kalokohan ang naisip niyong dalawa para gawin ang nagawa niyo? It was all a game?"

Alam kong grabe ang pagkasama ng loob niya sa amin dahil grabe rin siya kung prumotekta, mag-alaga at magpangaral. Para na namin siyang ate, kuya at kapatid dahil pareho kaming only child ni Cam. Tama lang at tama siya dahil malaking pagkakamali ang ginawa namin, ang ginawa ko pero hindi.

Hindi mali ang ginawa ko. Hindi maling nilapitan ko siya. Hindi maling sinuyo ko siya. Hindi mali ang mga panahong kasama niya ako at masaya ako dahil napapangiti ko siya. Hindi maling sinabi kong gusto ko siya, nahuhulog na ako at mahal ko siya.

Hindi... hindi mali na umiiyak ako ngayon dahil sa sakit na dinulot ko na dahilan ng
pait na tumatagos sa dibdib at puso ko sa kasalukuyan.

"You're right." Kita niya na ang mapupula ko ng mga mata at kumalma siya konti dahil doon.

"Ang gaga ko Vans. Wala na sigurong mas hihigit pa sa pagkagaga at boba ko. I was more than you think I am because I feel filthy, imbecile, and an effin' liar. You should feel ashamed that I am your friend. You should loathe me pero ayoko. Ayokong iwan mo ako kagaya ng pagtalikod ko sa totoong binubugso ng puso ko kanina."

"Kung may balak akong iwan ka edi kanina pa sana ako umalis nung nasa venue pa lang tayo diba? Sapat na ang ginawa mo para talikuran ka ng lahat ng tao pero sissy, hindi lang ako basta tao sayo, kaibigan mo ako at parang kapatid na rin. You publicly denied and shamed the man in front of everyone."

I feel lucky that he's my friend but I think he should feel less about me.

"Now everyone knows him not just for his hot and dashing look. Or his monster and demon attitude but also someone who was played and got declined publicly." Dagdag niya.

Napayuko ako at napatingin sa baba dahil sa dinulot ko sa kanya. Puwede na siguro akong maibaon sa lupa dahil dito. I deserve to die right now so if anyone wants to slit my throat or kill me then just do. Parang patay din naman na ako dahil pinatay ko ang puso ko at pinagsaraduhan ko ng pinto ang sarili ko. Ang masaklap na isa pang katotohanan ay hindi ko nagawa ang mga iyon ng aksidente lang.

Nagbasa ako ng comments at may sinasabi ang lahat tungkol sa kanya na alam kong totoong-totoo kahit saang anggulo mo pa tingnan...

"He is someone who also has a heart Arsinoe. He may deserve what you did but he also deserve to be loved back." Basag ni Vans sa katahimikan.

Walang pagkakaiba ang salaysay niya sa kung ano ang sinasabi ng lahat at ito ang mas nakapagpapaiyak sa akin. He deserves to be loved back more than anyone. He deserves my love and he deserves all of me that he wishes to have. Sana sapat pa rin ako. Sana gusto pa rin niya ako. Sana...

"Vans I..." Hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko at hindi na ako makasalita sa bigat.

"Ssssh... I know. I know how you feel about him. I know you do." Ika niya bago ako niyakap.

Hush and Kiss meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon