Chapter 14

54 3 3
                                    


"Uh, ladies first?" Sabi niya.

Asus, para namang ngayon lang niya ginawa tong getting to know each other. Ilang mga babae na ba ang dumaan sa mga palad niya? Nagpapakainosente teh, hays. Pero sige, talaga namang ladies first. Tatanggihan ko ba pagkagentleman niya.

Tumikhim ako.

"What's your favorite color?"

"Any shades of blue."

Tumango-tango ako. Kaya pala laging color of blue ang necktie niya pero kung papipiliin niyo ako ng kulay na babagay sa kanya, gusto ko ng white. Kasi mas nae-emphasize yung matipuno niyang katawan, malinis tingnan at mas nakakataas ng appeal niya. Napansin ko kasi naka white shirt siya ngayon.

Sarap hubaran! Kagigil.

'Huy! Umayos ka. 'Getting to know' hindi 'stripping to know'

Ok, ok. Sorry naman. Hindi ba puwedeng nagbibiro lang.

"How about you Miss?" Kung noon nakakapanindig balahibo ngisi niya ngayon nakakangiti at very slight na nakakakilig.

"Carnation pink, red and white."

"Isn't it that favorite should only be one?"

"Tig-iisang question lang tas salitan kaya hindi ko sasagutin follow up question mo. Labag sa mechanics natin." Pang-iimporma ko.

Ang hirap kasing mamili minsan diba? Kapag tinatanong kung anong favorite mong movie, sports, story sa wattpad o libro. Hindi ka rin naman makapili lalo na kung adik na adik ka sa mga binanggit ko kasi nga ang fovorite mo mismo ay hindi yung partikular  na, for example, movie. Ang favorite mo mismo is yung hobby ng panonood ng movie at marami ka ng napanood kaya wala kang mapili.

"What's your favorite flower?"

"Brunnera."

Ah, ano daw. Br-brun...

"What?!"

"Brunnera."

"Is that even a flower?"

"No aswering follow up questions right?" Natatawa niyang sinabi na halatang pinapa-feel sa akin kung anong feeling sa saad ko kanina.

"Then let's change it."

"Really?"

"Oo dahil masaya pa lang magfollow up questions. Nakaka-curious kasi kaya sige. Ngayon puwede na ba ulit kitang tanungin, sir?" Then I smiled and he raised his eyebrow.

Ako naman ang natawa dahil ang cute niya pero hindi ko sasabihin dahil baka sabihin niya inaasar ko siya na tuta.

"Seriously, is that even a flower?"

Huminga siya ng malalim. Nainis ko ata siya at magsasabi na sana ako ng sorry nung magsalita siya ulit.

"My butler, his name is Fredrick but I call him Grandpa Rick when I was young. Tatlong taon ako nung napunta siya sa pamilya namin. Wala na kaming mga lolo at lola ni Zena kaya siguro ang gaan ng loob ko sa kanya kasi lumaki ako na walang lolo o lola."

"And?" Curious kong sambit.

"We have gardeners but he loves garden so much. I see him looking at them from the window of my room because it's my favorite place when I was a kid."

"So loner ka pala?"

Tumawa siya ng light.

"Oo." He paused. "Napansin ko yun kaya niyaya ko siyang lumabas papunta sa garden tapos sinabi ko na puwede niyang gawin kung anong gusto niya. At ayun, tumulong siya ng halos buong araw at nanood lang ako."

Hush and Kiss meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon