Chapter 38

62 3 0
                                    

Andito ako ngayon sa waiting room handa ng sumabak este lumakad papunta sa kanya. Sumabak, dahil ang buhay mag-asawa ay parang pakikibaka tulad ng sabi ng mga magulang ko. May dalawang panig ito at maling galaw lang maaaring magdulot ng di kanais-nais na wakas. Isa itong bagong yugto ng buhay na mapanghamon ngunit makahulugan sapagkat ito ang maaring kumumpleto sa hindi pa tapos na kuwento mo. It's an exciting continuation of one's unfinished life story. It implies new reason for wondering what more can life offers and what more can you witness with the two windows in your eyes.

Bumukas ang pinto sa venue. Sa restaurant kung saan una kaming nagkita. Hindi ito kalawakan pero andito silang lahat at yun ang pinakaimportante, pinakakailangan. Yung masaksihan ng mga taong importante sa inyo ang isa sa pinakamahalagang kabanata ng buhay niyo. Kasi sila yung laging andun simula pa nung kabataan. Sila yung laging nasa tabi niyo na kadalasan kasangga at karamay, minsan kaaway at kontrabida. Atribida rin, mga pakialamera pero ito ang punto nung inihayag na 'no man is an island'. Kasi kahit gano pa sila kasarap sapakin at balibagan ng pinto lahat ng pambubuska nila para sa kapakanan mo.

Sumilay ang ngiti sa mga labi niya nang matagpuan siya ng aking mga mata. My charming and gorgeous man. Not so pleasing at first for his arrogance that I so despise. Maybe hate does turn to love same with how love can turn to hate. O baka the more you hate the more you love. Ano pa man ang dahilan hindi ko na iisipin kasi andito na kami. At bakit kasi kailangan ng rason sa lahat puwede namang kami lang talaga ang itinadhana.

Gusto kong umiyak. Mali, tumutulo na luha ko.

Pano ba naman kasi. Mala-fairy tale ang dating. Umuulan ang petals ng mga pink na rosas. Ang taas talaga ng lebel kapag magplano ito. May mga nakaluyloy ring kumikinang na mga strips na kulay gold sa ceiling. Ang kinang ng buong paligid ngunit sa lahat ng kinang walang tatalo sa kakakinangan niya dahil sa lahat ng yaman sa mundo siya ang lubos na nakasilaw sa paningin ko.

Kasama sa mga bisita namin ang mga magulang namin at mga kaibigan na sina Vans, Cam, Clave, Natalie, Selena, Anthony at Carmella.

🎶Not sure if you know this
But when we first met
I got so nervous I couldn't speak
In that very moment
I found the one and
My life had found its missing piece🎶

Bakit ito pa ang kanta? Mas nakapagpapaalala tuloy kung anong mga naganap nung una naming pagkikita at ng mga kaganapan sa buhay namin mapait man o maligaya. Ang lambing ng tunog kasing lambing niya kaya nagbabalik sa isipan ko lahat. Ang pagpupursige niyang ligawan ako. Ang pag-amin niyang mahal niya ako. Ang kagagahan ko at pagtanggap niya muli sa akin sa kabila nito. Ni sa hinagap hindi ko inasahan na isang Zade ang matatagpuan ko. A man who loves me without reservations, without doubts if I can love him in the same way he does. A man who loves me more than himself and for it, I love him more than myself.

🎶So as long as I live I love you
Will have and hold you
You look so beautiful in white
And from now till my very last breath
This day I'll cherish
You look so beautiful in white
Tonight🎶

Nawala sa isip ko na may musika tumuon lang sa kanya ang atensyon ko. Siya pa rin yung dati. Yung lalaking una kong nakilala ngunit ang kaibahan nga lang ay busangot ang mukha niya noon at ngayon abot taenga ang ngiti niya habang parang ako lang ang tao sa loob sa paningin niya. Laging ganito ang nararamdaman ko sa titig niya na para bang ako lang at wala ng iba.

"Hi handsome." Pagbati ko sa kanya.

"Hello, precious."

Ipinaubaya na ng dad ko ang kamay ko sa kanya. Abo't taenga ang ngiti niyang tinanggap ito. May pa arch sa harapan na may iba't-ibang kulay ng mga rosas na paborito ko. Parang ako lahat nagplano at nasunod sa kasal namin dahil wala man lang bakas ng gusto niya sa mga dekorasyon.

Hush and Kiss meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon