1: 2019

1.2K 37 1
                                    

Flashing lights, the noises, dapat ay sanay na ako, pero sinong tao ang masasanay sa ganitong sitwasyon?

"Is it true na buntis ka kaya ka aalis ng bansa?" a reporter asked, kumunot ang noo ko sa tanong niya, palabas pa lang ako ng Abs, eto na bubungad sakin.

"Dahil ba hindi kay King yan kaya ka aalis?" tanong pa ng isa, sumasakit na talaga ang ulo ko, binilisan ko lang maglakad papasok sa kotse.

May nag leak ng details ng pag-alis ko, kung saan ako pupunta at kung bakit one way flight ito, I massaged my temples, tinanggal ko na din ang shades ko. I sighed deeply.

"Gia sigurado ka ba sa desisyon mo?" tanong ng manager ko, nginitian ko lang si Ate Tin.

"oo ate." ate tin knows my reason. She supports me, para ko ng kapatid si ate tin, malungkot ako na iiwan ko siya dito sa Pilipinas.

Sayang daw ang kasikatan ko, I am at my peak, teleserye, movies, concerts, commercials, endorsements, business's. Lahat iyon natamo ko dahil sa paghihirap namin ni King.

Pero hindi na kaya ng puso ko, masyado nang toxic ang paligid, I have to start clean for myself.

"maaga pa alis mo bukas, ingat ka doon Gia, keep in touch!" paalam sa akin ni Ate Tin, paghatid niya sa akin, niyakap ko siya ng mahigpit.

"Maraming Salamat sa pag-aalaga mo sakin Ate, kahit matigas ulo ko," matagal tagal bago bumitaw si Ate Tin, pumatak ang iilang luha mula sa mga mata niya. Natawa pa kami sa isa't-isa bago ako umakyat sa unit ko.

Malinis na malinis na ang unit ko, lahat ng gamit na dadalhin ko sa Germany ay nasa bagahe na, pictures lang namin ni King ang iiwanan ko dito, irerent ko pa din kasi ito habang nasa Germany ako, para pag uwi ko sa Pilipinas ay may babalikan ako.

Naghanda ako makakain, leftover pizza from last night at burger na kaninang umaga, ininit ko lang sa microwave at umupo ako sa sala at binuksan ang TV.

Tonight with Boy Abunda, and hindi naman nakakapagtaka na si King ang iinterviewhin ni tito boy,

"So King, welcome back to my program, nag iisa ka ngayon hindi ba?" tanong ni tito boy, King smiled shyly.

"let's get into the questions, I know maraming KinGia fans ang nagtataka simula lumabas ang issue na aalis si Gia ng bansa, is it true King?" tanong agad ni tito boy,

"yes tito boy, aalis nga po si Gia for Germany, I think tomorrow is her flight." tumingin pa si king behind the camera to confirm.

"babalik pa ba siya? Dahil bali-balita na one way ticket ang binili niya."

"Honestly, hindi ko po alam tito boy, her plans are vague to me, halos wala po akong alam."

"So tapos na ang KinGia?" tito boy asked, tumawa lang si King.

"How can it end if hindi naman po nagsimula in the first place?" sagot ni king, I rolled my eyes at his answer, Asshole.

"so you are not the reason why she's leaving?"

"I don't think so tito boy, Gia has always been hard headed, what ever she wants she'll do it without thinking kung sino man ang masasaktan niya. I think she got bored." sagot ni king, natahimik ang studio audience at pati na rin si tito boy,

Wala talangang filter si King, I decided to play a little game, since hindi na ako hawak ng Star Magic, wala nang makakapigil sakin.

@GiaSanPedro : hi, I'm Gia, I'm hard headed, but atleast I'm not a cheater.

I sent the tweet and turn the tv off. Hinugasan ko ang pinagkainan ko at natulog na ako.

My flight was at 6 in the morning, asa Grab ako ngayon, readings tweets and how #KingPangilinan was trending for all the wrong reasons.

"delete the tweet" King texted, but I ignored him.

@GiaSanPedro : I'm hard headed, so bat ko susundin gusto mo?

And with that I turned off my data and looked outside the window.

Bye Manila, Bye King Pangilinan.

Kung Saan Tayo Natapos Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon