5: CarGel

601 23 0
                                    

"you'll need to cut your hair sa kaligitnaan ng shooting, you know naman the script and how caila progresses diba?"

Tanong sakin ni Direk, I just smiled and nodded, hindi naman ako attached sa buhok ko, might as well change it diba.

Nasa isang beach kami ngayon, where we will start our shooting. First day ngayon kaya pinakikilala pa lang sa amin yung ibang pang cast, so far narealize ko na malaki ang budget ng production company na ito dahil star studded ang cast. Angelica Panganiban, Carlo Aquino to name a few. Unang ishooshoot ang ending scene kung saan sila yung future caila and andrei, Awkward.

"I'm really happy na bumalik ka sa showbiz" Ate angge said, nakatrabaho na rin siya sa teleserye dati, ngumiti ako.

"hindi pa po ako sure ate, I just accepted this project kasi the story line is unique and intriguing."

"showbiz ka pa din sumagot bebe." she smiled and stroked my hair.

"Siguro hindi tayo kaya ng mundo andrei." sabi ni caila, humigpit ang hawak ni andrei sa kamay niya.

" do you mean that in a bad way or in a good way?" sagot ni andrei, ngumiti ito pero hindi umabot sa kanyang mga mata. Caila sighed.

"alam mo naman na mahal kita, diba andrei?" tumango lang si andrei sa tanong ni caila.

"pero may mga bagay talaga na kahit anong pag pilit hindi pwede, hindi tayo pwede andrei." tumutulo na ang luha ni caila, pero nakangiti ito habang nakatitig kay andrei, pinunasan ni andrei ang luha ni caila.

"caila." bulong ni andrei, ngumiti lamang si caila, magkadikit ang kanilang mga noo, nagliliwanag na ang paligid, pasikat na ang araw.

"andrei, mahal na mahal kita," bulong ni caila, tumango si andrei at yumakap kay caila, hinalikan ang buhok niya, nakatingin lamang si andrei sa dagat, at sa mahina nitong alon.

"dito kita hahanapin Caila, sa ibang buhay nalang tayo magmahalan. Dito kita pupuntahan kapag pwede na tayo." mahinang sabi ni andrei, tumango si caila.

"dito kita hihintayin andrei, kung saan tayo natapos. Dito kita hihintayin para dito rin tayo magsimula." pinikit ni caila ang kanyang mata, huling halik, huling mahigpit na yakap, at pagdilat ng kanyang mga mata, palayo na nang palayo si andrei sakanya.

"kung saan tayo natapos" bulong ni caila, at naupo na lamang sa buhangin, nakangiting nakatitig sa mahinang alon ng karagatan na tila ba lumalakas sa bawat paghikbi niya.

"and cut!" sabi ni direk, tumayo na si ate angge, she wiped her face and the tears. She smiled and went to us, grabe the chills, napaka galing talaga na artista ni Ate Angge, talagang madadala ka sa bawat pagpatak ng luha niya.

Direk seems satisfied with the scene kaya naman she dismissed us early, ilang scenes palang yung nashoshoot ko, and bukas pa kami magkikita ni king sa scene, so puro caila centric muna.

I wiped my make-up, at naligo na, we were given rooms in the resort, katabi ko ng kwarto si king, and wala lang, I find it funny.

"Gia?" someone knocked on my door, I finished blow drying my hair. King smiled shyly pag bukas ko ng pinto. He showed me a paper bag of burger king,

"tulad ng dati?" he asked, wiggling the paper bag, I smiled, hindi ko matitiis ang burger king. So I opened my door wider, and let king inside.

Kung Saan Tayo Natapos Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon