Chapter 2

117 4 0
                                    

Thorence POV:

Naglalakad ako sa hallway ng tumakbong lumapit sakin si Zyk...

"Thorence! Thorence! S-si Shiina may kaaway!"

Agad naman akong kumaripas ng takbo.

Nakita ko sila na nagsasabunutan sa may hallway.

"Ano ba tama na Shiina!!!"
Rinig kong sigaw ni Cassie kila Shiina.

"Enough!!" Sabi ko naman. Napatigil naman sila sa pagsasabunot ng marinig nila ang boses ko.

"Help me...sinabunutan niya ako"
At humawak sa braso ko

Humarap naman ako sakanya.

"She started it"

Pinaka ayaw ko sa lahat is yung may mang-aaway sa girlfriend ko.

"Tss...tapos sasabihan mo na ako ang nagsimula? Eh ikaw nga tong bumangga sakin at sinabi mong akala mo ako ay pader?!" Sabi nung babae

"She's lying" sabi ni Shiina

"I'm telling the truth! Atsaka sino ka ba!?" Pasigaw na sabi sakin nung babae

"Ako si Thorence Zachary Andrew Lanforde ang boyfriend ni Shiina...if you mess with her again you mess with me! Understood!?" Sabi ko naman sakaniya at napatigil naman siya.

"At ikaw sino ka?" Sabi ko sakanya

Nag-flip naman siya ng hair niya

"Ako lang naman ang nag-iisang Katie Brielle Rose Pacaña"

Ito na ba yung pinagkakaguluhan ng mga lalake dito? Itong nasa harap ko? Kaya naman pala...alam ko na kung bakit maraming mga lalake ang gustong maging boyfriend niya. Dahil maganda siya, maputi, maliit ng onti, sexy...What! Sexy?? no! Si Shiina lang ang sexy sa paningin ko!

"Makapunta na nga sa room! I'm just wasting my time here!" Dinig kong sabi ni Katie.

At tuluyan na siyang lumayo...

Katie POV:

"Bwisit!! Bwisit!! Bwisit kang lalake ka! Ang ganda ganda ng araw ko ngayon tas sisirain mo lang!!"

"Rose, relax ka lang" si Ate

"Relax?! Anong relax ang sinasabi mo ate!? Mas pinili pa niyang kampihan ang girlfriend niya! Atsaka duhh! Ang landi landi ni Shiina!!

"Ganun talaga siya pagpasensyahan mo na"

"Atsaka yung lalakeng yun anong pangalan nun Tho-- Thor-- ano yun!??"

"Thorence..."

"Yung Thorence na yun! Nakaka-badtrip eh! Hindi sila bagay ni Shiina!! Ang binangga pa niya ako!? Ako, ang nag-iisang Katie Brielle Rose Pacaña ang popular girl dito sa Lanforde University!!"

"Rose, tama na yan...nasa tapat na tayo ng room mo kaya pumasok ka na"

"Bye ate!"

"Bye baby"

Yuck!

Pumasok na ako sa loob ng room...

Discuss

Discuss

Break!

Agad kong ipinasok ang mga notebook ko sa bag ko at pumuntang Cafeteria

Hayyss...i saw Shiina again with that Thorence guy

Umupo nalang ako sa tabi ng mga friends ko na sina Yohanie Cyril De Silva at si Madelline Kisha Tejero.

"Woii...Katie" si Yohanie

"Katie? Okay ka lang?" Si Madelline

"Hello!! Earth to Katie!!" Nagulat ako sa sigaw ni Yohanie.

"Ano ba Yohan!! Ang ingay mo!" Sigaw ko sakanya

"Tulala ka kasi Kat eh..." si Yohanie

"Eh bakit kailangan mong sumigaw?" Sabi ko

"Tama na yan..." si Madelline

"Tumahimik na nga lang kayo Yohan at Madel"-ako

"Kaaga beastmode ka"-Si Yohan

"Paano ako di mabibeastmode eh kapapasok ko palang nanggulo na si Shiina" ako

"Hayy buti pa ako may jowa eh yung iba kaya dyan bakit wala pa? Oo nga pala mga pangit sila"
Si Shiina

Tumayo ako at humarap sakanya

"Eh kung ihampas ko kaya sayo tong tray ng pagkain ko at isa pa kaya wala akong jowa dahil maraming nanliligaw sakin. Ang daming gwapo kaya hirap pumili *flip hair*"

"Siraulo ka talagang babae ka"

"Anong sabi mo? Pangit ako? Eh kung tumingin ka kaya sa salamin at tingnan mo sarili mo kung maganda ka ba o pangit?"

"Mas maganda ako kaysa sayo"

"Anong sabi mo maganda ka? Lapit ka nga dito, saan banda?" -ako

"Shut up!"si Shiina

"First i thought i was ugly..."

"Inamin mo rin haha"

"Hindi pa kasi ako tapos...First i thought i was ugly...until i saw you"

"Nakakailan ka na Katie!" Sigaw sakin ni Shiina.

"Umalis ka nalang kung ayaw mo nang gulo"si Yohan

"Makaalis na nga!" Sabi ni Shiina.

At umalis na si Shiina.

"Woii bessy ang galing mo! Si Thorence hindi na nakapagsalita! Natulala lang sa mga sinasabi mo kanina"-Si Madelline

"Pagbigyan niyo na ako minsan lang naman ito..."-ako

"Psh..."-si Yohan

"Hahaha! Tara na nga kumain na tayo"-ako

Thorence POV:

Hindi ko alam pero...wala na akong nagawa sa mga pinagsasabi ni Katie kanina. Alam kong kailangan kong magalit sa pinagsasabi niya sa girlfriend ko pero...hindi talaga ako makapag-salita.

"Rence...bakit di mo man lang ako prinotektahan kanina..."-si Shiina

"E-eh a-ano kasi...magsasalita na dapat ako kanina kaso baka mas lalong lumala ang away kapag sumali ako sa gulo niyo"

"Pero dapat prinotektahan mo pa rin ako."

"Wala na tayong magagawa Shiina...nangyari na...at ayoko nang maulit yun"

"Pero sa susunod protektahan mo ako ah okay?"

"Promise..."



Ms. Popular meets Mr. Bad Boy [ COMPLETE ]Where stories live. Discover now