Jaylorenz POV:
Pagpasok ko sa kwarto ni Katie ay agad akong humiga sa baba. Naka-ready naman na iyon kaya humiga na ako. Tumayo ulit ako para ilapag ang mga snacks na pinadala ni Katie kanina. Tiningnan ko muna siya at nakita kong yakap niya ang teddy bear na niregalo ko nung 7th birthday niya. After nun ay humiga na ako at natulog na.
8AM nang ako'y magising at nakita kong wala na si Katie sa higaan, kaya niligpit ko muna bago ako bumaba. Nakita ko sila Thorence at mga kasama ko na nakain na nang umagahan. Nakita ko naman na nagluluto sina Katie at Cassie.
"Oh? Gising ka na pala? Kain na!" Sabi ni Cassie.
"Kumusta tulog mo?" Napatingin sa aming dalawa ni Katie ang mga kaibigan namin.
"Uy boss! Ano yan? May naganap bang TORN dyan?" sabi ni Francis.
"P*RN yun pre hindi TORN!!" Sabi ni Reanmar.
"Bakit ba?! Gusto ko TORN eh! Ayaw mo ng TORN?! Edi SIX!" Sabi ni Francis.
"Anong SIX?! S*x yun!" sabi ni Reanmar.
"Nasa harap kayo ng hapag-kainan, tapos bastos ang pinag-uusapan niyo" Sabi ni Madelline.
"Ano ba tama na nga yan at kumain na kayo" Sabi ni Cassie.
"Mga bro, walang nangyari sa amin kagabi" sabi ko.
"Hindi ba pwedeng nagtanong lang ako?" sabi ni Katie.
"Oo nga naman!" Pagsasang-ayon ni Madel.
"Sorry naman" Sabi ni Francis.
After 10 minutes ay natapos kaming kumain. Tinulungan naming maglinis sila Katie ng bahay, after nun ay sabay-sabay kaming umuwi sa kani-kaniyang bahay. Nagpaiwan naman sina Madel at Yohan kila Cassie.
Madel POV:
"Ate Cassie, ang swerte nang kakantahan ni Tristan. Nakakaselos at nakakainggit ng bongga!" Sabi ko.
"Bakit mo kailangang magselos wala namang kayo? Atsaka mas maganda ka pa dun, Madel"
"Nakita mo na ate Cassie?" Biglaan kong tanong.
"Oo! Nasa school natin, nasa section niyo"
"Sa section namin? Bigyan mo ako ng clue"
"Uhmm pangit sya masama ugali HAHAHA charot! Ano siya flat charot! Ito na talaga, Di sya gaano katangkad tapos maputi tapos naka salamin siya, matalino, mabait, dark and wavy hair"
"Ate! Ako naman yan eh!"
"Uy! Hindi lang ikaw ang ganun ha? Yung isa mong kaklase na si ano Chelsey! Yun siya!"
"Si Chelsey?!"
"Ay hindi"
"Sinabi sayo ni Tristan?"
"Ah-oo! Sinabi niya"
"Edi sana all!"
"Ano? Paki-ulit?"
"Ay bagay sila. Ship ko sila promise!" Sabi ko
Hindi ako nagseselos ah!
Slight lang!
Mga ninety nine percent ganun!
Chareng!
"Umuwi na nga kayo, kanina ka pa hinihintay ni Yohan"
"Ay sorry. Bye sainyo!"
"Bye!" Sabi ni ate Cassie at umalis na kami.
KATIE POV:
YOU ARE READING
Ms. Popular meets Mr. Bad Boy [ COMPLETE ]
Teen FictionMeet Katie Brielle Rose Pacaña, isang sikat at palaban na estudyante sa Lanforde University. She loves to trash talk and mahilig sa Music. Maraming tao ang natatakot sa kaniya except kay, Thorence Zachary Andrew Lanforde. Isang badboy na hindi gaya...