Chapter 3. Blonde Hair

834 115 460
                                    


Chapter 3. Blonde Hair


Keitha Pov

Mabilis na lumipas ang araw at Biyernes na ngayon kasalukuyan akong nasa loob ng SUV na maghahatid sa akin sa mansyon. Nagleave pa ako sa trabaho ng dalawang araw para lang dito. Kung may choice lang talaga ako hindi ko na nanaisin pang tumapak muli sa mansyong iyon.

 It was so hard at para bang umaapak ako sa isang manipis na yelo na maaring mabasag ano mang oras. In that mansion, you need to watch your move, the way you dress, your manners and all. Kailangan mong magpanggap na perpekto habang nasa mansyon ka dahil may mga matang nakatingin at nakamasid sa iyo. It's suffocating really.

It was my home back then, pero pinalayas ako ni Auntie na hindi alam ni Uncle Gab kaya't ngayon ay tumitira ako sa dorm na malapit sa Brent College, which is a good excuse kaya pinayagan at hindi nahalata ni Uncle.

May mga house rules na ipinatupad sa amin si Auntie Emily. Isa na roon ay ang hindi pwedeng maglibot o mag-gala sa loob ng mansyon kung hindi ka nakasuot ng casual dress. So ibig sabihin hindi ko pwedeng suotin ang aking mga paboritong shorts at jeans. Hindi ko rin masusuot ang aking mga sapatos dahil kailangang kong magsuot ng heels. Bullsh-t right? Pero hindi ko pwedeng suwayin si Auntie. Kaya't eto ako tanging mga dress at heels ang aking dala.

Dalawang araw... dalawang araw lang naman pagkatapos nito ay hindi na ako muling babalik sa man—Bumuntong hininga ako, kung pwede lang, pero hindi dahil lagi akong sinasama ni Uncle Gab kapag mayroong pagtitipong gaya nito. 


Madilim na ng makarating ako ng mansyon. Pagtapak ko palang sa bermuda grass na nasa daan parang gusto ko ng bumalik ulit sa sasakyan at magpahatid pabalik sa dorm.

Nang makapasok ako sa loob ng mansyon pansin kong abalang abala na ang mga tao para sa pagsasalong gaganapin para bukas kaya't hindi na ako nag abala pa, at dumiretso na ako sa aking kwarto na nasa ikalawang palapag. Hindi rin naman ako mageexpect ng Welcome Greetings mula sa aking Auntie dahil mas nanaisin pa niya na hindi ako bumalik sa mansyon ng kaniyang asawa.

Nanuot sa aking ilong ang aking natural na amoy ng makapasok ako sa aking silid. Hindi pa rin ito nagbabago, hindi man lang napalitan ang aking kurtina, ang takip ng kama, ang kumot at pati na rin ang punda ng aking mga unan. Mukhang walang pinapasok na ibang tao rito si Uncle Gab. It made me smile, mabuti naman. Atleast masasabi ko ang katagang. Home sweet home!

"Ma'am pinapatawag ka ni Sir Gab sakaniyang library." Anang katulong. Tumango lamang ako, hindi ko siya matandaan. Bago ba siya? Kung ganon' hindi na ako magtataka, sabagay hindi na bago iyon. Papalit palit ang mga katulong dito dahil kay Sankisz. Kapag nakita niyang may itsura o di kaya naman may mas higit sa kaniya'y agad niya itong pinapatanggal sa trabaho. Ayaw din niya yung mga kukupad kupad at mga chismosa.

May dalawa akong buhay. The poor me and the rich me, well I'm not rich... but my uncle is. He is indeed a wealthy man.


Tinungo ko ang daan patungo sa library ni Uncle na nasa ikatlong palapag ng mansyon. Ngumiti siya sa akin ng makita ako. Agad akong lumapit sakaniya at bumeso, pagkatapos ay umupo na ako sa leather couch na naroon.

He is my uncle Gabriel Gonzaga. Siya ang CEO at owner ng Gonzaga's Pharmaceuticals, isa siyang successful Multi-Millionaire business man. Tanging trabaho lang nito ang iniisip. Si Uncle Gab at Kuya Wade lang  ang tumuturing  pamilya sa akin sa malaking mansyon na ito.

"Keitha, may mga sasabihin lang ako sayo patungkol bukas." Nakangiting sabi nito. Oo nga pala, anong bang meron bukas? Ang alam ko lang ay may importante itong announcement. I don't know the full details yet.

The Wicked Mafia Boss (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon