Chapter 16. Move In

424 42 25
                                    

Chapter 16. Move In



"We will answer his game." Rinig kong bulong ng lalaking nasa likuran ko. Bago tuluyang mandilim ang paningin ko'y may naaninag akong isang bulto na papalapit sa amin.



"Wrong move." Malalim at nakakatakot na wika ni Ayvren, wala siyang pinalipas na oras at tuluyan ng dumako ang kamao niya sa mukha ng lalaking may hawak kay Keith. Parang nandilim ang kaniyang paningin ng makitang hawak nito ang bewang nito.

Mabilis niyang sinapo si Keith gamit ang kaniyang mga braso bago ito tuluyang bumagsak sa sahig. Bumaling siya sa lalaki ng may matalim na tingin. "Don't mess what's mine!" he growl. Kinuha niya ang kaniyang baril at walang pag aalinlangang pinutok ito sa ulo ng lalaki. Mukhang hindi pa nagtatanda ang mga Black Rebels at gusto pa nilang makipaglaro. Pwes, hindi siya uurong. Wala sa bokabularyo niya ang pagsuko.



Inilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng silid kung nasaan ako. The room is shouting elegance and luxury. My brows knitted, where am I? Anong nangyari? Ang alam ko'y pauwi na ako ng dorm ng may lalaking humablot sa akin at tinakpan ang aking bibig gamit ang panyo. Tapos...

Nanlaki ang aking mga mata, oh my god narape ba ako? Sinilip  ko ang aking katawan na natatakpan ng isang makapal na kumot, nakahinga naman agad ako ng maluwag nang makitang kumpleto pa naman ang damit ko.

Bumukas ang pinto at pumasok roon ang aking kaibigan na si Vaine. Tumingin siya sa akin ng may bahid ng pagaalala sa kaniyang mukha. "Hey, ayos ka lang ba?" tanong niya.

Tumango ako bilang sagot. Muling bumukas ang pinto at iniluwa non' ang isang pamilyar na lalaki. Sino na nga ba siya? Nakita ko na siya sa mga magazines pati na rin sa engangement party nina Ayvren at Sankisz.

"Nasaan tayo?" tanong ko kay Vaine. Malabong nasa dorm ako dahil sobra namang ganda rito.

"A-ahm. N-nasa—" hindi na natapos ni Vaine ang dapat niyang sabihin ng nagsalita iyong lalaki.

"I'm Xanth Archibald Grimaldi, the owner of Grimaldi's Chain Hotel." May pagmamalaki niyang sabi. My mouth fell open, yun ang rason kung bakit nakikita ko siya sa mga magazines. He's a billionaire who owns a top leading hotels in the world, sabi sa article kung mayroon pa daw mas gaganda sa five star hotel iyon ay ang Grimaldi's Chain Hotel. Hindi ako makapaniwalang nasa harapan ko siya. Gwapo siya sa mga pictures pero mas doble iyon sa personal. "You're in Ayvren's hotel suite."

Wait, ano daw? Nasa suite kami ni Ayvren? Pero bakit? Nasaan ba siya? As if a cue, bumakas ang pinto at pumasok roon ang lalaking hinahanap ko. Kitang kita ko ang pag aalala na pilit niyang tinatago sa kaniyang gwapong mukha. "Bakit kami narito?" naguguluhan kong tanong sakaniya.

"Hindi na kayo safe sa Poblacion, at simula ngayon titira na kayo sa aking suite." Walang emosyong sabi niya.

Mas lalong nadagdagan ng gatla sa aking noo. Seryoso ba siya ngayon? "Alam kong hindi safe sa Poblacion, pero hindi kami pwedeng tumira dito. Hindi namin kaya ang bayarin sa hotel na to." Reklamo ko. Sa pagkakaalam ko'y nasa milyon ang upa sa mga suite rito. Siguro'y mamamatay na ako bago ko pa mabayaran ang isang buwan na renta. Maayos naman ang dorm namin sa Poblacion, at mag aapat na taon na kami roon ni minsan ay hindi ako nagreklamo.

"Hindi ko naman kayo pinapagbayad, I own this hotel suite at binayaran ko na ito ng buo kaya wala na kayong babayaran." Aniya. Tell me he's joking. Tell me!

The Wicked Mafia Boss (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon