"Inform the big boss?"
Chapter 10. Stock Room
Sa dami nang pwedeng utusan sa club na ito, bakit ako pa? Meron namang mga bouncer at mga bodyguard, bakit ako pa? Halos kalahati ng mga taong nasa Gentleman's ay nakiusyoso na sa away ng dalawa. Hindi sila mapigilan dahil pilit na sinasabi ni Sankisz na kailangan naming iharap ang fiancé niya sakaniya at hindi raw siya titigil, dahil kung hindi'y mawawalan kami ng trabaho.
Ano ba kasing ginagawa niya rito? Hindi niya dapat ako makita o makilala man lang. At sana sa pagkakataon ding ito'y hindi rin ako makilala ni Ruiz. I need to make sure so I tied my hair up in a ponytail, sana lang ay makatulong ito.
Nasa tapat na ako ng VVIP lounge kung nasaan ang Big Boss, may limang lalaki na nakasuot ng red suit ang nakabantay sa may pintuan. Kung hindi ako nagkakamali'y isa sila sa mga tauhan ni Ruiz. "Kailangan kong makausap si Big Boss." pahayag ko. Tinignan ako nung isang bantay pagkatapos ay tinanguan niya yung kasama niya.
Pagkabukas ng pinto'y bumungad sa akin ang napakalakas na musika galing sa loob. Pansin ko din sa kinatatayuan ko ang pagpatay sindi ng disco lights at ilang mga laser lights. Anong meron? Dati kapag pumupunta ako ng VVIP rooms ay napakatahimik na animo'y mayroong meeting prayer.
Bumulaga sa akin ang mahigit sampong lalaki na prenteng nakaupo sa may couch, habang sinasayawan sila ng mga stripper. Nahigit ng aking paningin si Ruiz na nakaupo sa may bar counter kasama ang di ko kilalang lalaki. He looks so cold by looking at him. Para itong bato na tinubuan ng gwapong mukha.
Muli kong binaling ang aking tingin kay Ruiz, may babaeng lumapit sakaniya at akmang kakandong sana ito ngunit tumayo siya at sinamaan niya ito ng tingin. Did he just refused that lap dance? napailing ako. Unbelievable.
Namilog ng bahagya ang kaniyang mga mata ng magtama ang aming paningin. Siguro'y hindi niya ako inaasahan dahil maaga akong pinapauwi. Sa isang iglap lang ay mabilis ding nagbago ang kaniyang ekspresyon. Tumayo siya sa kinauupan niya at binigyan niya ako masamang tingin habang papalapit siya sa akin. "Dally Moore" he whispered my made up name. Great, talagang hindi niya ako nakikilala.
"What are you doing here?" his deep voice asked me. "Hindi ba't sinabi kong hindi ka muna namin kailangan para ngayong gabi?" kalmado niyang tanong, pero ang kaniyang boses ay naghatid ng matinding kaba sa akin. Para bang kakainin niya ako ng buhay.
May kadiliman ang paligid pero hindi iyon naging hadlang upang hindi ko makita ang kaniyang malamig na titig sa akin. Wala akong mabasa na kahit ano sa kaniyang mga mata. Hindi niya ba talaga ako nakikilala? O nagpapanggap lang siya na hindi niya ako kilala? Hindi ko alam kung ikakatuwa ko ba o ikakainis iyon. I shrugged off all my thoughts, now back to business bago pa tuluyang magpatayan sa baba ang dalawa. "Kailangan ka namin sa baba, Big Boss." kinakabahan kong sabi.
"Siya ba ang server?" a cold manly voice asked. Napalingon ako sa lalaking nagsalita. Ito yung katabi ni Ruiz kanina na may malamig na mata. Nagtaasan ang aking balahibo sa sobrang lamig din ng kaniyang boses. Is that even possible? Pinanganak ba siyang cold?
"No, Creed. She's not here to serve." walang ekspresyong sagot ni Ruiz. Okay, this is so creepy! Bakit ba ganito ang mga taong ito? Bakit wala silang kahit anong ekspresyon?
Hinila na ako palabas ni Ruiz bago pa muling makapagsalita iyong lalaking nagngangalang Creed.
Nang makarating kami sa baba'y pansin kong hindi pa rin natapos ang away ni Sankisz at Tasha. Mukhang mainit pa ang ulo ng dalawa at wala silang tigil sa pagsasagutan. Bumaling ako kay Ruiz upang ipaalam ang nangyayari. "Ang fiancé mo at si Tasha nag aaway."

BINABASA MO ANG
The Wicked Mafia Boss (REVISING)
RomanceMafia Boss #1: Ayvren Ruiz Lebeaoux [13+] This story contains mature theme and strong language. Read at your own risk. "If you want to rule this mafia world, you need to play by the rules." Ayvren Ruiz Lebeaoux is the mafia heir of Malvagios Mafia C...