Chapter 6. Family Dinner

614 81 151
                                    

Chapter 6. Family Dinner


"Ruiz, anong ginagawa mo dito?" tanong ko sakaniya. Ngumiti siya pagkatapos ay lumapit siya sa akin. Parang nakalimutan ko kung paano ang huminga, at bakit kumakalabog ang aking dibdib sa mga oras na ito? Anong nangyayari sa akin? Ngiti lang iyon.

I looked at him again. He's wearing a white dress shirt, na nakatupi hanggang sa siko niya. Kulay navy ang pants niya na medyo fitted sa kaniya na pinaresan niya ng loafers. He's smokin' in his outfit. Damn Sankisz, ang swerte mo! Bakit ang gwapo ng fiancé mo?

"Ms. Donahue?" pagtawag niya na nagpabalik sa akin sa realidad. Damn his deep manly voice, it always sent shivers down to my spine.

"Y-yes?" nauutal kong sagot. Wait, bakit alam niya ang apelyido ko? Uncle Gab didn't mention my surname to him. "It's nice seeing you here. Papunta ka din ba sa dinner?" tanong niya. Napakamot ako sa aking batok bago tumango. Anong bang ginagawa niya sa lugar na ito? Hindi naman siguro dito yung bahay nila dahil walang mansyon sa Poblacion.

"Great, let's go together." He said smiling at me. Ano daw? Sabay kami? No! That's the last thing I want to do right now. Kailangan kong umiwas sakaniya. Kailangan kong ilayo ang sarili ko sakaniya, mahirap na at baka mahalata niya na isa ako sa mga servers niya sa Gentleman's. Hindi niya pwedeng malaman na ako si Dally Moore.

"Ah, hindi na. Mauna ka na. Kaya ko na ang sarili ko." Pagtanggi ko. Ngumiti ako sa kaniya para naman hindi akong magmukhang bastos.

"This place is dangerous, at gabi na. Come on, I insist." Pamimilit niya sa akin. Iniisip ko palang na makakasama ko siya sa iisang sasakyan parang mawawala na ako sa aking katinuan.

Ngumiti ulit ako sakaniya. "It's totally fine. Ayaw ko ng makaabala pa. You can go now." Please naman makisama ka. Wag mo na akong pahirapan, Ruiz. Mas lalo akong tatagal dito hangga't hindi pa siya umaalis. The time is ticking, siguradong hinihintay na ako ni Uncle Gab. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari sana'y hindi ko na tinanggihan iyong pagpapasundo ni Uncle para sa akin.

Ruiz moved, ang akala ko'y aalis na siya ngunit binuksan niya iyong passengers seat at muli niya akong hinarap. "Hindi ako aalis dito hanggat hindi ka sumasakay. We're family now, at responsibilidad ko na ang kaligtasan mo." May pinalidad sa kaniyang boses na para bang wala akong karapatan para tanggihan siya.

Family? He's right. Magiging pamilya ko na siya kapag tuluyan na silang ikinasal ni Sankisz. Naglakad ako papunta sa mustang niya pagkatapos ay naupo ako sa passengers seat. Matte black ang interior nang kaniyang sasakyan at wala akong makita na ibang kulay kundi itim. Nanuot sa aking ilong ang amoy ng isang mamahaling leather pati na rin ang kaniyang pabango. Nasuot ko na ang seatbelt bago pa siya tuluyang nakapasok sa loob. Isinandal ko ang aking ulo sa may bintana pagkatapos ay ipinikit ko ang aking mga mata. Kailangan ko siyang iwasan, at hindi makakatulong kung mag uusap kami sa byahe.


Iminulat ko ang aking mga mata ng maramdaman kong tumigil ang sasakyan. Nasa tapat kami ng isang restaurant na may tatlong palapag. Umiilaw at agaw pansin ang nakasulat na THE LEBEAOUX. Ito ang pinaka sikat na restaurant sa Makati, it is known for serving the best Italian food pero hindi lang doon iyon dahil nagsiserve din sila ng mga iba pang country food. Balita ko ay may iba pa itong branch sa iba't ibang bahagi ng bansa. I'm amused, pag mamay ari din pala nila ito. Siguro'y mga bilyonaryo talaga ang mga Lebeaoux. "We're here, let's go?" pagyaya ni Ruiz sa akin.

"A-ahm, mauna kana sa akin. Ayaw ko namang makita ni Sankisz na sabay tayong dumating." Sabi ko. Ayaw kong mamis-interpret niya iyong pagsasabay naming dalawa, at hindi rin matutuwa si Auntie Emily kapag nakita niya kaming magkasama.

The Wicked Mafia Boss (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon