June 5, 2019
Dedicated to RoseCinderellanneDauntless
Napakagat ako sa aking pang-ibabang labi ng maramdaman ko na ang sakit sa aking likuran at balakang. Nananakit na rin ang aking mga balikat at nangangawit na ang aking mga braso.
Tagaktak na rin ako ng pawis sa buong katawan lalo na sa aking mukha. Pagod na pagod na ako at gusto ko na lamang magpahinga ngunit nagpatuloy pa rin ako sa paglalampaso ng sahig.
Kailangan kong gawin ito.
Ngumiti ako at nagpatuloy sa gawain.
Inulublob ko muli ang hawak kong mop sa isang balde ng tubig saka muling lininis ang sahig. Kaya ko 'to, ilang minuto na lang ay matatapos na ako!
Muli akong binuhayan sa isiping iyon.
Ngunit, nagkakamali pala ako. Isang grupo ng mga babaeng nagtatawanan ang narinig kong palapit na sa aking pwesto.
Hapon na at tapos na ang lahat ng klase. Halos lahat ng estudyante ay nagsi-uwian na rin, kaya bakit nandito pa sila?
Humigpit lalo ang aking hawak sa mop, lalo na ng marinig ko na sa malapitan ang boses ng mga iyon.
"Oh my gosh? Bakit may pakalat-kalat na mutsatsa dito?" maarte na bigkas ng isang maputi, makinis, matangkad at magandang babae.
Nagtawanan ang mga ito ngunit hindi ko sila pinansin.
"Hey, bitch! Kinakausap ka namin!" sigaw ng isa pa nitong kasamahan.
Tumigil ako sa aking ginagawa saka sila hinarap. Puro nakangisi ang mga ito at nang-aasar kung makatingin. Bumaba ang paningin ko sa kanilang paanan. Ang kaninang nalinis ko ng parte ay muli na namang dumumi dahil sa mga putik sa kanilang mga sapatos.
Bumuntong hininga ako. "Hindi po ako naghahanap ng away dito. Nagta-trabaho ako ng maayos kaya sana'y umalis na po kayo."
Tumahimik sila sandali hanggang sa unti-unti silang tumawa na tila ba biro ang aking sinabi.
Naitikom ko na lamang ang aking bibig habang pinagmamasdan sila. Tumuon ang paningin ko sa babaeng nasa pinakaharap. Siya iyong tumawag sa akin ng mutsatsa kanina.
Ano na naman ba ngayon, Cathy?
Nang mapansin niya ang mataman kong pagtitig sa kanya ay natigil siya sa pagtawa. Tumaas ang sulok ng kanyang labi habang ako naman ay napaiwas ng tingin.
Humakbang ito palapit sa akin ngunit nanatili lamang ako sa aking pwesto.
"Aww, may marangal pala tayong janitress dito." panunuya niya. Muling naghalakhakan ang kaniyang mga kasama.
Tuluyan na siyang nakalapit sa akin. Lumunok ako ng isang beses bago siya hinarap. Nagtama ang mga mata naming dalawa. Kitang-kita ko ang naghalo-halong inggit at galit dito na siyang sinasalamin at pinapakita ng kanyang labi na naka-ngiti. Isang ngiting nang-uuyam.
"May pawis ka na, ha?" Pansin nito ng makita ang kabuuan ng mukha ko. Ang boses din niya'y hinaluan niya ng pekeng pag-aalala.
Hindi na ako nag-abalang sagutin pa siya. Dahil alam ko rin naman na kung saan ito patungo.
Liningon niya ang kanyang mga kasamahan at may tinawag siya rito. "Susan, paki-abot naman niyang timba." Tukoy niya sa timbang ginagamit kong panglinis ng mop. Agad naman siyang sinunod ng babaeng sinabihan niya.
Muli akong binalingan ni Cathy. Umangat ang kanyang kamay at hinaplos ang aking pisngi. Halos mapaatras pa ako ng maramdaman ang banayad na pagdampi ng kanyang palad sa aking pisngi.
BINABASA MO ANG
One Shot Stories
Short StoryOne shots. (Dedications) ----- Date Started: June 5, 2019 Date Ended: June 21, 2020 Genre: Short Story (different genres? XD) Written by: rmcipres