July 20, 2019
Dedicated to quimjiBoyfriend ko sa loob ng classroom, Enemy ko sa labas ng campus
"Baby, please, pagbigyan mo na ako oh?" Ngumuso ang lalaking nagpapaawa sa aking harapan.
Maamo ang mukha nito habang nilalambing ako upang mapilit sa gusto niyong ipagawa.
"Ilang buwan lang naman, eh," hirit niya pa.
Sumulyap ako sa kanya ngunit hindi nagsalita. Nasisiraan na nga yata talaga ang lalaking 'to. O siguro, ganito lang talaga ang nagiging epekto kung nagmamahal ka ng sobra-sobra sa isang tao.
Lihim na napapairap at napapabuntong hininga na lamang ako tuwing may nakikita ako't naririnig na mga bulong-bulungan sa aking paligid.
Palagay ko kasi ay may kinalaman iyon sa akin, lalo na't ang iba sa kanila ay mga walang hiya dahil harap-harapan talaga kung makapag-tsismisan.
Hindi ko tuloy maiwasang isipin kung ganito ba talaga ang mga estudyante kahit saan mang paaralan. Get a life, people!
"Lily!" Isang matinis na sigaw ang aking narinig sa unang pag-apak ko pa lamang sa aming classroom.
Hindi ko pa man nahahanap ang taong pinagmulan ng boses, nang may biglang humawak sa aking pulso at agad akong hinila paalis doon.
Dahil sa gulat at kalituhan sa nangyayari ay natangay ako nito palayo. Tumigil lamang ito ng makarating na kami sa isang banyo na hindi gaanong napupuntahan ng ilang estudyante.
Saka pa lamang niya ako binitawan ng makapasok na kami sa loob at ma-ilock ang pinto.
"Umamin ka nga sa akin, totoo ba 'yong mga usap-usapan?" Bungad nito kasabay ng pagharap niya sa akin.
Hindi ako agad nakasagot sa tanong niya dahil sa lito. Ngunit ng makuha ko kung ano iyong tinutukoy niya ay napa-iling na lang ako sa dismaya saka sumandal sa malapit na lababo.
"Bakit may pailing-iling ka diyan? Ibig sabihin ba hindi iyon totoo?" Kumunot ang noo nito bilang tanda rin ng kanyang kalituhan.
"Hindi. Ibig sabihin no'n, pati ba naman ikaw magtatanong ng walang kwentang bagay na 'yan." Tukoy ko sa ginawa kong pag-iling.
Lalong nangunot ang noo niya sa sinabi ko. Mabilis ang kanyang naging galaw nang bigla niya akong hampasin sa aking braso kaya't hindi ko na nagawang umiwas pa.
"Aray! Ano ba?!" Iritado kong reklamo sa kanya.
Ngunit ng makitang mas iritado siya'y napairap na lamang ako.
"Umayos ka nga! Paanong walang kwenta iyon, eh kalat na kalat na sa buong campus!" Humalukipkip ito at mariin akong tinitigan.
"Jill, easy okay? Hindi naman big deal ang bagay na 'yon." Pagpapakalma ko sa kaibigan.
"Hindi big deal?" She sneered. "So, totoo ngang kayo na ni Ram Magadia?" mariin nitong tanong.
Natahimik naman ako at hindi alam ang isasagot. Kung gano'n ay tama nga ang hinala kong ang isyu na ito ang mainit na kumakalat ngayon sa buong campus.
Damn him! Bwisit na Magadia talaga iyon. At talagang hahayaan niyang ako ang magsalita tungkol dito?!
Malalim akong napabuntong hininga at inayos ang sarili. Habang pinagmamasdan lang naman ako ni Jillian sa gilid.
As much as I want to deny that rumor, alam kong hindi iyon ang nakabubuting gawin sa ngayon.
"Yes, it is true." Ani ko matapos ayusin ang sarili.
BINABASA MO ANG
One Shot Stories
Short StoryOne shots. (Dedications) ----- Date Started: June 5, 2019 Date Ended: June 21, 2020 Genre: Short Story (different genres? XD) Written by: rmcipres