November 2, 2019
Dedicated to xxx_swiftFar from Here
"Ang swerte talaga ni Leo sa'yo, Xenia!" One of my schoolmates playfully shouted.
Ngumiti lang ako sa kanya at sa mga kaibigang kasama niyang dumaan malapit sa kiosk na kinauupuan ko.
Tanghaling tapat at tirik na tirik ang araw. Maging ang ihip ng hangin ay nagdudulot ng hapdi sa aking balat. Hindi rin nakatulong ang bubong ng kiosk na sumisingaw pa ng init.
Ngunit nagawa kong indahin lahat ng 'yon, mahintay lang si Leo rito. Malapit na rin namang matapos ang training nila kaya hindi na ako nag-abala pang pumasok sa court o maghanap ng mas komportableng masisilungan.
"Ano ka ba? Parehas lang silang swerte sa isa't isa 'no. Kitang-kita ng dalawang mata ko kung gaano ka-swerte sa kanya ni Leo no'ng nakita ko sila sa isang coffee shop noong Lunes," rinig kong tsismis ng isa sa mga kaklase ko rin.
They teased me more about my relationship with Leo, pero hindi ko na lang pinansin lalo na ng makita na rin siyang palapit na sa pwesto ko.
Nang mapansin na rin nila si Leo ay nagpaalam na rin sila at umalis.
"Why are you waiting here?" kunot ang noong tanong sa akin ni Leo pagkalapit na pagkalapit pa lamang niya sa akin.
Mula sa kinauupuan ko ay amoy na amoy ko na ang kanyang bango kahit katatapos lang ng practice nila sa basketball. Maybe he already took some shower, huh?
Sasagot pa lang sana ako sa tanong niya dahil medyo natutula sa mabangong amoy niya ng bigla niyang hawakan ang kamay ko at banayad na hinila palayo roon.
Dinala niya ako sa ilalim ng isang puno ng mangga na nasa tabi ng college building at nasa tapat ng soccer field. Mas maaliwalas ang hangin dito kaysa sa kiosk na nabibilad sa gitna ng tirik na tirik na araw.
"Akala ko umuwi ka na. Bakit mo 'ko hinintay? Ang init pa naman," nagtatakang tanong ni Leo habang dinadama ng kanyang palad ang temperature ng aking noo.
Napangiti ako habang pinagmamasdan siyang puno ng pag-aalala na nakatingin sa akin.
Inilabas niya sa kanyang bag ang isang lagayan ng tubig na nababalutan ng dimpo saka marahang idinikit iyon sa aking pisngi. Naramdaman ko ang kaunting lamig na dulot niyon.
Napahalakhak tuloy ako dahil do'n. Pabirong iniwas ko sa kanya ang mukha ko ngunit hinabol niya 'yon. Mas lalo tuloy akong napatawa kahit na bahagyang kumunot muli ang noo niya dahil sa ginawa ko.
Ilang minuto rin siguro akong nakatitig sa kanya habang siya'y tahimik na pinagmamasdan lang din ako. Kinabisado ko ang bawat parte ng mukha niya hanggang makakuha ako ng lakas ng loob na sabihin sa kanya ang dahilan kung bakit hinintay ko siya ngayon.
"Leo..." tawag ko sa kanya. Nagkatitigan kami at napansin kong wala ni isa sa amin na nakangiti. Parehas lamang kaming seryosong nakatitig sa isa't isa. Nakikiramdam.
Binaba ko ang kamay niyang may hawak ng tubigan, dahil nakadampi pa rin iyon sa aking pisngi. Hinayaan niya naman akong gawin iyon.
"Let's break up."
Binalot kami ng katahimikan hanggang sa unti-unting umawang ang bibig niya. Pero tinikom din niya agad iyon. Napansin kong namamasa na rin ang gilid ng kanyang mga mata. His bloodshot eyes stared at me for a while.
"Why?" kapos ang hiningang tanong niya kinalaunan.
"Sawa na 'ko," I answered. Paulit-ulit ko ng pinag-isipan kung paano gagawin ito. Bahala na kung maniwala man siya o hindi sa dahilan ko pero gusto kong makipaghiwalay.
BINABASA MO ANG
One Shot Stories
Cerita PendekOne shots. (Dedications) ----- Date Started: June 5, 2019 Date Ended: June 21, 2020 Genre: Short Story (different genres? XD) Written by: rmcipres