OS- 8

29 3 0
                                    

July 20, 2019
Dedicated to Lyn_345

It Started With A Dare

Nanatili akong nakapikit hanggang sa naramdaman kong umalis siya mula sa pagkakahiga sa kama.

Narinig ko ring bumukas-sara ang pinto sa banyo, hanggang sa ilang segundo lamang ay narinig ko na ang pag-agos ng tubig mula sa loob.

Doon ko lamang iminulat ang aking mga mata kasabay ng malalim na pagbuntong hininga. Dahan-dahan akong umupo ng maayos at sumandal sa headboard ng kama. Mahigpit ang aking hawak sa puti at malambot na kumot na siya lamang nagtatakip sa aking walang saplot na katawan.

Muli na namang pumasok ang mga napakaraming bagay sa aking isipan. How come other people find their true love on right timing? Bakit iyong iba hindi?

Bumukas ang pinto ng banyo at lumabas doon ang isang lalaki. Hindi ako umimik at hindi ko rin siya tiningala. Nanatili akong tahimik na nakaupo sa ibabaw ng kama, kahit aking nararamdaman ang maiinit niyang titig na tumatagos sa aking katawan.

Lumapit ito sa aking tabi habang ang suot lang ay isang manipis na boxer short. Naamoy ko kaagad ang kabanguhang taglay niya, samantalang ako naman ay amoy pawis pa yata.

Umangat ang kanyang mga braso upang hilahin ako palapit pa lalo sa kanya at yakapin ng mahigpit. He gave me a brief kiss on my forehead that melts my heart right away.

"What are you thinking, Sy?" mahinang bulong nito sabay halik naman sa aking tainga.

Hindi agad ako nakasagot sa tanong niyang 'yon. Mahina akong bumuntong hininga saka siya bahagyang hinarap.

"Is it wrong to love you?" tanong ko habang nakatitig sa kanyang tila tsokolateng mga mata.

Sa ilang beses kong natanong na ito sa kanya ay paulit-ulit lamang ang kanyang sinasagot.

Kahit na paulit-ulit ko ring pinapaalala sa kanya kung anong meron sa amin. Kahit anong klase pa ng pagtanggi ko sa pagmamahal niya, he still insist. To the point na maski ako, minahal na rin siya kahit alam kong mali.

Pero kahit na alam kong mali, hinayaan ko pa ring mahulog kaming dalawa sa isa't isa. Siguro nga makasarili akong tao para hayaan 'yon at hindi man lang pigilan. Ang kaso kasi, ang hirap pigilan ng puso kung siya na ang nagkokontrol sa mismong katawan mo.

Umiling siya at hinawakan ang aking baba upang iangat iyon ng kaunti. "There's nothing wrong about that, baby. Just fill me with your love unendingly and stop thinking about those stuff."

Matapos niyon ay lumapat muli ang kanyang labi sa akin. Muli ay nagtagpo ang aming mga katawan, kasabay ng pagtunong ng aking telepono. At kahit hindi ko pa man nakikita kung sino iyong tumatawag, sigurado na ako kung sino iyon.

"Glena? Where are you? Malapit na ako sa Fisheriez," mabilis kong saad ng sagutin niya ang aking tawag.

"Huh? I'm also in my way. Nando'n na raw sila Wendy at Brenna. Nag-oorder na rin daw sila kaya bilisan na natin."

Nanatili akong alerto habang nagmamaneho kahit pa kausap ko siya sa kabilang linya. Glena, Wendy and Brenna are my best friends since high school. Matagal-tagal na rin mula ng huli kaming lumabas na apat kaya heto't nagplano kaming magkita-kita.

Pagkatapos naming kumain sa Fisheriez ay saka kami didiretso sa bar na matatagpuan sa kabilang bayan na hindi kalayuan sa Sta. Genina, at doon ako magpapakasaya hanggang sa makontento ako.

We're not really fond of going outside to party, lalo na ako. Pero dahil masama ang loob ko ngayon, nagkaroon ako ng lakas ng loob para sumang-ayon at sumama sa balak nila.

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon