November 2, 2019
Dedicated to HappyIlocanaMarrying the Divorcee
When he proposed to me, I didn't even think twice to say 'yes'. Bakit pa? Mahal niya ako at mahal ko siya, 'yon ang mahalaga.
Ano naman kung magdadalawang taon pa lang kaming magkakilala? Ano naman kung mag-aanim na buwan pa lang kaming magkasintahan? We have a lifetime to know each other more.
Besides, pinatunayan na niya sa akin ng ilang beses kung gaano katatag ang pagmamahal niya sa akin. He remained faithful to me kahit na ang daming babaeng naghahabol sa kanya.
Kaya ano pa ba'ng dahilan ko para hindi magpakasal sa kanya?
"Men are cheaters, Cana. Hindi man sila nagloloko ngayon, sa mga susunod na araw o taon paniguradong may iba na 'yan. Nasa genes na nila 'yon," lasing na sabi ni Lucy sabay tawa kahit sinisinok-sinok na.
The most heartbreaking part when you are in a relationship is to find your partner having an affair with someone else.
Mapapatanong ka na lang sa sarili mo kung bakit nga ba siya naghanap ng iba. Nagkulang ka ba sa kanya? May nagawa ka bang hindi niya nagustuhan?
Ang daming tanong na papasok sa utak mo. Pero hindi mo masagot.
Napailing na lang ako sa kaibigan saka inalalayan na siyang tumayo upang makaalis na kami dito sa bar.
Sa dinami-rami ba naman ng pwedeng pag-inuman na lugar ay dito niya pa napiling uminom. Sabi ng bartender na nakausap ko ay kanina pa siya ditong alas otso at nakaka-ilang alak na.
Tinignan ko ang suot kong lumang wristwatch na binigay pa sa akin ni lolo. Alas dos na ng madaling araw.
She's been drinking for six hours, straight! Mabuti nalang at nakita ko na rin siya rito matapos ang ilang oras din na paghahanap. Baka kung ano pang nangyari sa kanya dito at pagsisihan lang din niya sa huli.
"Hayop kayong mga lalaki, mamatay na sana kayong lahat! Punyeta ka, Gray! Manloloko kang tangina mo ka!" pagsisigaw ni Lucy habang nasa loob kami ng tricycle. Napabuntong hininga na lang ako at nagpasalamat sa Panginoon na nakatulog na rin siya pagkatapos no'n.
I apologetically smiled at the driver. Liningon niya kasi kami kaya napansin kong naingayan siya kay Lucy at marahil ay bahagyang nairita lalo na't may katandaan na.
"Hindi naman lahat ng lalaki ay manloloko, ma'am. Apatnapung taon na kaming kasal ng misis ko pero hindi ko kailanman naisip na lokohin siya. Nasa pagpili 'yan," sabi ng driver na hindi ko alam kung ang tulog na si Lucy o ako, ang sinasabihan.
Tumango na lang ako sa matanda at muling ngumiti. Nagpasalamat ako dito ng maihatid na niya kami.
Actually, he's right. Hindi rin ako sang-ayon sa panglalahat ni Lucy na manloloko ang mga lalaki. Sadyang mali lang siya ng lalaki na napiling mahalin.
Hindi lahat ay kagaya ng boyfriend niya (or ex-boyfriend na niya) na nangangaliwa pa kahit halos ibigay na ni Lucy ang lahat ng kaya niyang ibigay.
Pero naiintindihan ko naman kung anong pinanghuhugutan ni Lucy sa mga nasabi niya. Siguro kung ako rin ang niloko ay baka magpakalasing din ako. O baka nga mas malala pa.
Syempre nasaktan ka. Nag-invest ka ng feelings sa taong 'yon tapos wawasakin ka lang niya? Nakakabaliw.
Pero ang tanging magagawa mo na lang ay tanggapin iyon. Mahirap kalimutan ang taong naging mahalagang parte na ng buhay mo pero sana... huwag mong hayaang maging dahilan 'yon para tumigil ka sa buhay mo.
Hindi lang naman siya ang tao sa mundo. Maraming lalaki, maraming pwedeng mahalin na iba diyan. 'Yong mas karapat-dapat.
Sana nga lang ay mabilis lumipas ang sakit na nararamdaman ni Lucy.
BINABASA MO ANG
One Shot Stories
Short StoryOne shots. (Dedications) ----- Date Started: June 5, 2019 Date Ended: June 21, 2020 Genre: Short Story (different genres? XD) Written by: rmcipres