OS - 5

44 3 0
                                    

June 6, 2019
Dedicated to ShItSavAge

You're My Forever Love

Our love story began when I met his brown captivating eyes under the heavy rainfall.

Isang masigabong palakpakan ang bumungad sa akin pagbukas na pagbukas pa lamang ng malaking pinto na nasa aking harapan.

Agad akong ngumiti sa harap ng napakaraming tao, saka nag-umpisa ng humakbang patungo sa pinakadulo ng aking nilalakaran kasabay ng isang mahina at malamyos na musika. Kung saan naghihintay sa akin ang isang malaki at engrandeng entablado.

Tuloy-tuloy na pagtunog mula sa mga camera at nakakasilaw na flash mula rito ang sumusunod sa aking bawat yapak. May nakita pa nga akong kumukuha ng video sa hindi kalayuan.

"Let's all welcome, the birthday celebrant! Miss Nikky Rejano Espineda!" Maligayang sigaw ng emcee.

Mas lalong lumakas ang ingay ng mga palakpakan ng iba't ibang taong naririto ngayon. I flashed a fake beautiful smile. Sapagkat sa kabila ng sayang nararamdaman ko dahil sa engrandeng inihanda para sa akin ngayong araw ay hindi pa rin nawala ang bigat sa aking dibdib.

How? How can I be happy in the thought that my boyfriend is not right here beside me, because he's in his other girl's arms, instead?

Ano ba'ng mali? Ano ba'ng pagkukulang ko? Ano'ng hindi ko napunan sa relasyon namin?

"Ma," nanginginig at halos mamaos sa hina ang boses ko sa pagtawag sa aking magulang. Natigil sila sa pag-uusap ni papa at binalingan ako. "What is it, Nikky?" tanong nitong mas malamig pa sa yelo.

Bumagsak ang paningin ko sa aking kinakain na pang-tanghalian. Saka naluluhang sinagot si mama. "Keros has a mistress. Niloloko niya ako, mama, papa." Singhap ko.

Nanunubig ang gilid ng aking mga mata at hinihintay ang kanilang magiging reaksyon o sasabihin ngunit nanatili lamang silang tahimik na nakamasid sa akin. Their stone cold eyes bores into me.

Keros Largueza. Our love story might not be perfect and beautiful at first, but I learned how to love him. The arrangement of our parents was the roots of our relationship. Hindi ko siya gusto noon at ganoon din siya sa akin. We've been together for almost three years. At sa loob ng mga taong iyon ay pinaramdam naman niya sa aking kaya niya akong mahalin.

Pero ilang araw bago sumapit ang ika-labing walo kong kaarawan, the news about him having an affair with another woman, spread out. Tila isang nag-aalab na apoy ang mabilis na kumalat at tinutupok ang mga taong pinagsamahan naming dalawa.

"After your eighteenth birthday, we can call for an engagement party immediately! But of course, hihintayin muna naming makatapos ka ng tuluyan sa kurso mo, hija." Masayang sambit ni Tita Jemma. Kung noon ay nakakatawa pa ako sa sinasabi niyang ito, ngayon ay halos ngitian ko na lamang siya ng sobrang peke.

Mr. and Mrs. Largueza are good people. Maging si Keros naman ay gano'n din. But these past few days, he seems... off.

I tried to confront him about the issues that spreading, but he keeps on denying it. Wala raw siyang iba. Nagalit pa ito sa akin na bihira namang nangyayari.

Kaya naman nakaramdam na ako ng kakaibang kaba. I investigated him. At doon ko napatunayang mayroon nga siyang iba.

"G-gusto ko na pong makipag-hiwalay kay Ker--" Hindi na natapos ang aking sasabihin ng malakas na hinampas ni papa ang aming lamesa.

Agad akong nag-angat ng tingin sa kanilang dalawa at ganoon na lamang ang panlulumo ko nang makita kung paano sila hindi kasang-ayon sa sinabi ko.

"You don't think that way, Nikky Espineda. Kung may-iba, pwes mag-isip ka ng paraan upang manatili sa'yo! You can't just break him up!" Matigas na boses ni mama.

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon