OS - 15

18 3 0
                                    

November 2, 2019
Dedicated to JsKyH08

Unset Sunset

Masaya ang lahat habang nakatanaw sa amin. Nagpapalakpakan na rin at naghihiyawan ang iba. Hindi ko na lamang iyon pinansin at tinuon ang aking paningin sa aking asawa habang nakikinig sa iba pang mga sinasabi ng padre.

"Therefore, it is my pleasure to now pronounce them husband and wife. You may now kiss your bride!" anunsyo ng pari.

Ilang segundo lamang ay naramdaman ko na ngang naglapat na ang aming mga labi ng aking asawa.

Pumikit ako at dinama iyon. Kasabay ng pagtiklop ng aking mga mata ay bumuhos muli ang aking mga alaala.

Wala sa sariling pinagmamasdan ko ang papalubog na panghapong araw. Ang kulay kahel nitong sinag ay bahagyang sumisilaw sa aking mga mata. Unti-unti ring nagkukulay dugo ang palibot nito, ngunit imbes na mangamba ay nakaramdam ako ng pagkamangha.

"Jhen," tawag sa akin ng isang boses na pamilyar na pamilyar sa'king pandinig. Ngunit imbes na lingunin, nanatili ang aking paningin sa tanawing nasa aking harapan.

Nandito kami ngayon sa dalampasigan at tahimik na nagpapalipas ng oras. Kanina pa kami pumunta rito matapos ang aming klase, nakakapaso pa ang init ng araw kanina pero ngayon ay unti-unting lumalamig sa buong lugar.

"Jhenny," tawag muli sa akin ni Sky. Sa pagkakataong ito, sinagot ko na siya ngunit hindi pa rin linilingon.

"Sandali lang. Pagkatapos lumubog ng araw," sagot ko sa kanya sa pag-aakalang gusto na niyang umuwi kami at nag-aalalang mahamugan.

Hindi siya nagsalita. Pero hindi nakaligtas sa aking pandinig ang kanyang pagbuntong hininga. Naramdaman kong naupo na lamang siya sa aking tabi. Napangiti ako.

Gaya ng dati, tuwing inaabot kami ng paglubog ng araw at gusto kong mapanuod iyon ay sasamahan niya ako. Wala pa ring pinagbago hanggang ngayon.

Lalong lumawak ang aking ngiti habang pinapanuod ang pagliit pa lalo ng araw. Tila nilalamon ito ng karagatan. Buong-buo ang atensyon ko rito, kaya't hindi ko akalaing may makakaagaw pa rin pala ng aking atensyon mula rito.

Hinawakan ni Sky ang aking kamay at inangat iyon. Hinayaan ko siya sa pag-aakalang paglalaruan niya lamang iyon dahil walang magawa.

Pero ng maramdamang tila may linusot siya sa aking isang daliri ay tuluyan akong napabaling sa kanya. Bahagya akong napasinghap ng makita iyon.

Hindi man tunay, kumalabog ang puso ko sa kaba.

"Balang araw pakakasalan kita. Pinapangako ko, Jhenny. Magiging saksi ang papalubog na araw sa pag-iisang dibdib nating dalawa tulad sa araw na 'to," tila bulong na sambit ni Sky. Banayad nitong hinahaplos ang bawat isang mga daliri ng aking kamay habang nakatitig sa singsing na linagay niya sa aking daliri.

Namutawi muli sa aking labi ang isang ngiti saka pinagmasdang mabuti ang singsing na gawa sa pinagdugtong-dugtong­ na bulaklak ng santan. "Salamat," sabi ko saka tinignan siya.

Nag-angat siya ng tingin kaya't nagkatinginan kaming dalawa. Namula ang kanyang pisngi at nag-iwas sa akin ng tingin. "P-pasensya na kung 'yan lang ang kaya kong ibigay sa'yo ngayon," nahihiyang sabi niya.

Umiling ako bilang tugon. Wala naman akong pakialam kung ano mang klase ang ibigay niya sa akin. Totoo man o hindi, mamahalin man o hindi, ang mahalaga ay galing sa kanya iyon. Dahil sa isipin pa lamang na sa kanya 'yon nagmula ay masaya na ako.

"Basta ikaw nagbigay, Sky... tatanggapin ko," tugon ko.

Lumalim ang titigan naming dalawa. Bumaba ang kanyang tingin sa aking labi ngunit mabilis ding inalis iyon at muling binalik sa'king mga mata ang tingin.

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon