OS - 4

49 4 2
                                    

June 5, 2019
Dedicated to keith_jhuztine

Loving That Badboy

"Wala ka bang balak na kumain?" walang emosyon na tanong sa akin ni Fiona habang kumakain na siya sa aking harapan. Hindi naman ako sumagot sa kanya. Sa halip ay nanatili lang akong nakatitig sa lalaking kumakain sa kabilang lamesa.

Sean Navarro is our school president. Halos lahat ng estudyante at maging mga guro ay humahanga sa kanya. Sino ba naman ang hindi? He's smart, responsible, handsome and many more. Lahat na yata ng good traits sa isang lalaki ay nasa kanya na. Pero may isang problema. Sobrang sungit niya, lalo na sa mga babaeng hayag kung makapaglahad ng nararamdaman nila para sa kanya. Ito lang yata ang nagpadungis sa almost perfect niyang pagkatao. Wala kasing pinipili iyong kasungitan niya.

Kabaliktaran ng ugali niya ay ang kanyang mukha, sapagkat napakaamo nito. At kahit na nakasuot ng isang salamin ay hindi pa rin nabawasan ang kanyang kagwapuhan. Tingin ko nga ay mas nakapag-palakas pa sa dating niya ang salamin na suot.

"Hindi ka mabubusog diyan sa kakatitig." sambit muli ng aking kaibigan. Sa pagkakataong ito ay liningon ko na siya. "Mapansin lang niya ako, sapat na. Busog na busog na ako."

Pagak siyang natawa. "Kung mapansin ka, mabubusog ka? Ang tanong, mapapansin ka ba?" aniya at nginuso ang direksyong kanina ko pa tinitignan.

Pagkabaling ko ay nanlaki ang mga mata ko sa nakita. May kasalo na kasi ito sa mesa. Naningkit ang mga mata ko sa babaeng kasama niya.

Siya ang Vice-president ng school. Ayon din sa mga nakalap kong balita mula sa ibang fans ni Sean ay nagkakagusto rin ito sa kanya. Magaling lang daw talagang magtago ang babae at dinadaan sa pagkakaibigan ang panglalandi.

Tinitigan ko si Alyana Roces mula ulo hanggang paa. Inaamin ko, maganda nga siya. She's like a Sean Navarro girl version. Matalino, mabait, maganda, at... at patagong malandi!

Paano ba naman kasi, kung makahampas sa braso ni Sean ay may kasama pang pag haplos! Sinusubukan talaga ako ng babaeng ito, ha?

Napatayo ako at akmang lalapitan na sila ng pigilan ako ni Fiona. "Saan ka pupunta?" masungit nitong tanong na may nanlalaking mga mata.

Iritado ko siyang tinignan. "Saan pa ba? Edi sa kanila!"

Umirap naman ito saka humalukipkip. "Girlfriend ka ba?"

Ngumuso ako at umiling. Heto na naman siya sa mga simpleng tanong niyang nakakasakit sa puso.

Tumango naman siya, mataray pa rin itong nakatingin sa akin. "May gusto sa'yo?"

Mas lalo akong umiling. Paano magkakagusto sa akin si Sean? Eh, ni hindi nga tumatagal sa limang segundo ang mga tingin niya sa akin!

"Oh? Anong inaarte mo diyan?"

Marahas akong napabuntong hininga saka pabagsak na umupo muli sa aking upuan. Malungkot akong lumingon sa pwesto nila ni Alyana.

Hindi ko marinig ang pinag-uusapan nila mula rito, na siyang medyo ikinaka-bahala ko. Hindi ko man nakikitang ngumi-ngiti si Sean ay sumasagot pa rin naman ito sa bawat tanong ni Alyana.

Nakuha lang muli ni Fiona ang atensyon ko ng may ilapag siya sa aking harapan.

"Eat. Kanina ko pa naririnig ang pagkalam ng sikmura mo."

Bumagsak ang tingin ko sa platong pinuno ni Fiona ng iba't ibang klase ng ulam. Natigilan ako ng may maisip.

Wala sa sariling napangiti ako. Nakita ko pa ang bahagyang pag-ngiwi ni Fiona.

"Damn her creepy smile." rinig kong bulong niya.

I can't help but to smile wider. Bakit nga ba hindi ko naisip ito noon? God, Fiona is a genius!

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon