OS - 6

35 3 0
                                    

June 8, 2019
Dedicated to justcallmecarina

Fake World, True Feelings

"Let's end this shit that we have," walang paligoy-ligoy na sabi ko sa lalaking nasa harap ko.

Bahagyang natigilan ito habang umiinom ng kanyang kape ngunit agad din itong nakabawi. Kalmado niyang linapag ito sa mesa at mataman akong tinitigan.

Walang mababakas na emosyon sa kanyang mukha gaya ng aking nakasanayan tuwing kaming dalawa lamang ang magkasama.

"Why?" He coldly asked.

Gusto kong matawa sa tanong niyang iyon. 'Why?' Is he serious?

Siguro nga tanga akong tao noon para pumayag sa mga gusto niya.

'Coz dammit, sinong matinong tao ang papayag na makipagrelasyon sa taong imposible ka namang mahalin?

Pero, ganoon nga siguro. Nagpakatanga ako. Why? Kasi kahit alam kong biro, isinapuso ko. And besides, kasalanan ko naman kung bakit naipit ako sa sitwasyong 'yon.

Akmang magsasalita na sana ako ng may babaeng umistorbo sa aming dalawa.

"Mr. Castillo? Oh, you're here!" wika ng babae na naka-tingin sa lalaking nasa aking harapan.

Liningon ko ito. Isang sopistikadang babae na halatang may lihim na pagkagusto kay Dylan Castillo, base pa lamang sa kislap ng mga mata nito.

Lihim akong napangiwi.

Nag-angat ng tingin si Dylan. Nanlaki ang mga mata nito sa una ngunit ngumiti rin sa huli ng makilala ang babae. From cold to warm.

Ganoon kabilis nagbago ang pakikitungo niya.

"Miss Romero! It's glad to see you here."

Mahinghing tumawa ang babae. "Yeah, I'm just buying my time here then I suddenly saw you," bumaling ito sa aking pwesto ng nakangiti. "with your, ahm, friend?"

Nakangiti lamang ako habang sinasabi iyon ng babae. I didn't even stand up to acknowledge her presence. Halata namang nakikipagplastikan lang ito. Can't she just leave us alone? Kitang nakakaistorbo, eh. Mga plastic nga naman.

Sumulyap naman sa akin si Dylan upang ipakilala. Nakangiti ito sa akin kahit malamig pa rin kung makatingin. Pinagkibit-balikat ko na lamang iyon. At least I'm doing my part so well.

Pasalamat nga siya't hindi ko tinatarayan ang babae niya.

"Ah, no," tanggi niya. Iminuwestra ako ni Dylan habang pinapakilala. "She's my girlfriend, actually."

Bahagyang ngumiwi ang babae sa narinig na kitang kita ko, pero agad niyang pinalitan ang kanyang ekspresyon nang pagkagulat na may kasamang pagkamangha.

"Oh!" The girl look so shocked. Mukha bang hindi kapani-paniwala?

"I thought you're single, Mr. Castillo." ani muli ng babae.

Well, now you know that he's not.

Lihim kong inilingan ang sarili. Nakikipag-hiwalay ka na Karie, ano ba?! Siyempre automatic na 'yon na single na ulit siya!

Umirap na lamang ako ng hindi nila pinapansin. Tahimik lamang ako sa isang tabi habang hinihintay silang matapos sa pag-uusap. Walang imik na pinagmamasdan si Dylan.

Girlfriend. Ganoon niya ako ipakilala sa iba ngunit tuwing kaming dalawa na lamang ay hindi niya ako ganito kung ituring.

"Dare tayo." Nakangising sambit sa akin ni Ericka.

Kumunot naman ang noo ko sa kanyang sinabi. "Huh? Ano na namang kalokohan ang sinasabi mo?"

Mas lalong lumawak ang kanyang ngisi. "C'mon Karie, nabobored ako ngayon eh, walang masyadong missions. Ba't hindi na lang sila ang pagkatuwaan natin?" Sabay turo niya sa dagat ng mga tao na naglalakad sa sentro ng buong Rodea.

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon