"Have you been very busy at work Mrs. Costa?"
"Opo doc. Busy po talaga ako sa trabaho lalo na on weekdays, even on weekends."
"Nakakakain ka ba sa tamang oras at nakakapagpahinga kahit kalahating oras man lang sa trabaho?" Napailing nang walang kasiguraduhan si Zenaida sa tanong ng doktor dahil alam niya sa sarili niyang hindi na nasusunod ang tamang oras ng kain niya dahil sa sobrang pagka-busy sa pagtuturo.
"The symptoms you are feeling are signs of stress. The vomiting, minsan kasi kapag wala na tayong nakakain, nagiging acidic tayo which sometimes results to having this nauseous feeling. Yung pagkahilo mo, sometimes result yan ng sobrang pagkilos mo nang wala kang sapat na energy, lalo na kung kulang ka na ng tubig sa katawan."
"Hindi po ba talaga ako buntis, doc?" Nagkatinginan ang mag-asawang Anderson at Zenaida.
"We have already did pregnancy test and I've shown you the results Mrs. Costa, it was negative. Pero don't lose hope, you can do another test naman if you want. Minsan kasi hindi agad lumalabas sa test na buntis nga talaga. Since two weeks ago pa lang naman ang last sexual contact ninyo ni Mr. Costa, don't hesitate to do a second pregnancy test."
Malungkot na lumabas ng clinic ang mag-asawa at nang makasakay sa kotse ay nagtinginan sila. Agad na hinawakan ni Anderson ang kamay ni Zenaida at niyakap niya ito. "Marami pa tayong chances. Wag tayong mawalan ng pag-asa." Sabi nito sa nangingiyak nang asawa.
----------
Makailang beses na pregnancy test ang ginawa nila, sumubok ulit silang magtalik para lang makabuo ng anak pero wala talagang nabubuo. Nagpakonsulta silang mag-asawa sa isang espesyalista dahil sa pangangambang baka isa sa kanila ay may problema sa katawan. Lumabas sa apat na resulta sa magkakaibang ospital na normal sila pareho at walang sino sa kanilang dalawa ang may problema.
Sabi ng isang therapist ay ang unang dapat gawin ni Zenaida ay alisin lahat ng stress sa katawan at sa buhay. Unang-una ay dapat siyang mag-resign sa pagiging teacher dahil ang pagiging isang teacher ay isang napakamatrabahong gawain at punong-puno ng stress na trabaho. Kahit pa iyon ang sinabi ng therapist ay hindi ito sinunod ni Zenaida dahil ayaw niyang mapirmi sa bahay at gusto niyang tulungan ang asawang engineer sa paghahanap-buhay. Dumating pa sa puntong nag-away na silang mag-asawa dahil ayaw na ayaw ni Zenaida na bitawan ang kanyang pagiging teacher.
Hindi man makadiyos ay napagdesisyunan ng mag-asawa na subukang lumapit sa isang pari at baka ito pa ang makatulong sa kanila. Sinabihan sila nito na mag-alay ng taimtim na dasal sa isang santong nagngangalang San Nicolas at subukang magpaka deboto dito.
Ginawa iyon ng mag-asawa. Araw-araw ay nagdadasal silang mag-asawa kay San Nicolas na mabiyayaan sila ng kahit isang anak. Dumadalaw pa sila sa isang simbahan sa Quezon para lang magdasal nang taimtim sa nasabing santo.
----------
"Zenaida..."
"You have shown me what you would do just to have a child..."
"You have proven me that you and your husband deserve to have a child..."
"For that I shall give you what you deserve..."
"Are you... Saint Nicolas?" Walang makitang mukha si Zenaida dahil napakaliwanag ng kapaligiran. Tanging isang pares ng mala-anghel na pakpak at isang matangkad na tao lang ang kaniyang naaaninag sa sobrang liwanag. "Pwede mo po ba akong mabigyan ng isang anak? Pinapangako ko pong maaalagaan ko siya nang mabuti. Papalakihin ko po siya nang may takot sa diyos." Sabi ni Zenaida kahit hindi niya alam kung kanino siya nakikipag-usap.
BINABASA MO ANG
Fallen
FantasySaan ka dadalhin ng mga maling desisyon mo? Anong kaya mong gawin para sa taong mahal mo? Kaya mo bang tumaliwas sa lahat at labanan ang kahit na sino, kahit si God, para ipaglaban ang nararamdaman mo? Sundan ang pagkilala ni Andrezeon sa isang dala...