Chapter 16: "Doppelganger"

0 0 0
                                    

Ilang buwan pa ang nakalipas ng pananatili sa warehouse, hindi na talaga ako masaya kahit pa may 137.5 Billion Pesos na akong pera at alagang alaga pa ako ni Mr. Lapeña dahil gustong gusto ko nang umalis, gusto ko nang umuwi sa amin, miss na miss ko na sila mommy at daddy at hanggang ngayon iniisip ko pa rin si Hesediel, tumigil man ako sa pangungulit sa kanya ay hindi pa rin ako tumitigil na mahalin siya. Kapag natapos talaga lahat ng ito hahanapin ko siya, aayusin ko lahat ng gulong nagawa ko, aayusin ko buong buhay ko.

Anim na buwan na akong nagpapabalik-balik sa warehouse at sa vacation house ni Mr. Lapeña dahil yon lang din ang lugar na pwede kong puntahan dahil hindi ako pwedeng makita ng mga pulis. Ano naman bang ikakasaya ko sa ganon? Kapag nasa warehouse ako araw-araw akong nakikipag-usap sa mga taong hindi ko kilala at araw-araw akong umaastang magaling at professional kahit ayoko, isang beses sa isang linggo pupunta ako sa vacation house sa Biñan para lang makausap si Mr. Lapeña tungkol sa progress ng ginawa niya para tuluyan na akong makalaya tapos tatambay lang ako sa bahay na yon, walang internet, walang mapaglilibangan bukod sa higanteng TV na local channels lang ang meron, tapos kapag wala na talaga akong magawa babalik na ako ulit sa warehouse, si Villafuerte ang tagamaneho ko since bukod sa akin, siya lang din ang pinakapinagkakatiwalaan ni Mr. Lapeña. Sobra sobrang boring na talaga, literal, walang halong biro! Hindi ko alam kung kakayanin ko pa.

----------

Tahimik akong nagtitingin ng mga photos ni Hesediel habang nagpapahinga dahil kakatapos ko lang makipag-deal sa isang mataray na client nang bigla akong maantala ng tawag mula kay almighty Mr. Lapeña.

"Sir?"

"Prepare yourself, and your things, parating na ako diyan kasama yung doppelganger mo." Napakunot ako ng noo sa sinabi niya.

"Kasama sino sir?"

"Just prepare yourself." Sabi niya tapos binaba niya na agad yung tawag. Pumasok ako sa kwarto ko at inayos yung mga gamit ko pati yung kamang tinutulugan ko. Naghintay ako sa labas ng warehouse hanggang sa dumating na siya. Bumaba si Mr. Lapeña kasama ang isang lalaking kamukhang kamukha ko, as in pareho talaga kami ng features sa mukha mula sa kilay hanggang sa lips, naiba lang sa hugis ng mukha dahil medyo prominent ang jawline ko, siya hindi, at hindi kami pareho ng kulay ng mata, light brown yung kanya, grey yung akin. Siya na ba yung sinasabi ni Mr. Lapeña na 'doppelganger' ko daw? Paano niya nilabas yung lalaking yon sa kulungan? Tinakas niya? Ibig sabihin ba nito wanted na naman ako? Ano na namang pagpapahirap ang mararanasan ko nito?!

"Costa, meet your doppelganger, Ralph Guerrez. Guerrez, this is the original Andrezeon Costa." Nag-handshake kami at naramdaman ko yung takot niya pero at the same time, relief and satisfaction.

"Thank you, Ralph. Sobrang laki ng tinulong mo sa amin ni Mr. Lapeña." Sabi ko tapos ngumiti lang siya at tumango. "Bakit ka natatakot?" Hindi ko napigilan yung sarili kong tanungin siya dahil na-bothered agad ako sa naramdaman ko sa kanya. Napakunot si Mr. Lapeña pero mabilis din niyang naintindihan kung bakit alam kong natatakot si Ralph.

"Ang lala kasi ng naranasan ko sa kulungan, sobra. Para akong nasa impyerno, grabe yung mga tao doon, mas worse pa doon kaysa sa pagiging isang wanted. Hindi ko alam kung bakit, pero kahit pare-pareho naman kaming mga lalaki minolestya ako ng mga kasama ko sa selda, kung hindi pa dumating yung mga warden mare-rape talaga ako. Hanggang ngayon takot na takot pa rin ako sa mga naranasan ko doon." Tinapik ko yung balikat niya at naramdaman ko yung mas intense na ngayon na pagkatakot niya.

"Well, malaya ka na pare. Salamat ulit." Sabi ko nang nakangiti.

"Enough of that, we got some more important matter to discuss." Sabi naman ni Mr. Lapeña kaya sabay-sabay kaming pumasok sa warehouse at dumiretso sa office ni Mr. Lapeña.

FallenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon