Chapter 21: "Hold On"

0 0 0
                                    

I remember the days when I was just an ordinary guy na panay ang paghahanap ng trabaho dahil fresh graduate pa lang. Those were the times na hindi pa komplikado ang lahat. Those were the times na all I had to do is live my life to the fullest. Ngayon, everything is just... damned, dahil lang sa pagkasilaw sa isang maling gawain kapalit ng malaking pera. My intention was good, gusto ko lang namang matapos na yung paghihirap nila mommy at daddy, gusto ko lang namang maiahon kami sa kahirapan. Hindi ko naman ginustong maging ganito kasama. Maybe, just maybe, kung hindi ko tinanggap yung offer ni Peter, maybe, just maybe, wala ako sa kinalalagyan ko ngayon, hindi ko sana nililigtas ngayon ang isang babaeng... isang nilalang na hindi ko akalaing mamahalin ko nang sobra.

"Doctor Pliasco, the creature!" Nagtago ako sa sulok ng hallway nang makarinig ako ng sigaw na sumabay sa tunog ng fire alarm.

"Leave it! Mamamatay rin naman yon in any way, may God be with that creature! Tara na at baka masabugan pa tayo ng mga explosive chemicals sa mga laboratories!" Nakarinig ako ng footsteps at nagulat na lang ako nang makita nila ako. "Who are you?!"

"Intern ka ba?! Lumabas ka na! Baka masunog pa yung buong laboratory!" Sigaw sa akin nung matandang doktor tapos tumakbo na sila paalis. Tumaliwas ako ng direksyon sa kanila at nagpatuloy ako sa paghahanap kay Hesediel.

"Hesediel! Hesediel! Nasaan ka na?!" Sigaw ko habang iniisa-isa yung mga pinto. Napatingin ako sa kabilang dulo ng hallway, kita yung liwanag ng apoy na mula sa bintana, nasa kabilang dulo na pala ako ng building. Tiningnan ko yung mga pinto na nasa bandang dulo pa ng hallway. May mga nakasulat na 'Interrogation Room 1' at marami silang magkakasunod ng number. Sa palagay ko nasa tamang lugar na ako kaya inisa-isa kong bukas lahat, walang mga laman! Nasaan na si Hesediel?!

Pagsipa ko sa isang naka-lock na pinto, nakita ko si Hesediel na nakaupo sa lapag, mahigpit ang kadenang naglo-lock sa mga pakpak niyang naglalagas na at may mga sugat pa. Nakatali rin ang mga kamay niya at sobrang dumi na ng dress niya, wala siyang suot na sapatos at basang-basa na siya dahil sa tuloy-tuloy na buhos ng tubig mula sa mga automatic fire extinguishers.

"Hesediel!" Lumingon siya sa akin at nakita ko yung mukha niyang malayong-malayo sa masayahin, malinis, at maaliwalas niyang mukha.

"Andre..."

"Hesediel!" Sinubukan kong tanggalin yung mga kadena sa pakpak niya pero hindi ko kaya, wala akong makitang kahit anong pwedeng ipangputol sa kadena.

"Andre, akala ko hindi ka na dadating."

"Pwede ba naman yon? Wait, um... may powers ka ba? Kaya mo bang tanggalin tong mga chains na to?" Tanong ko pero umiling siya. "Wait lang." Tumayo ako. "Wait lang ha, maghahanap ako ng ipangtatanggal diyan!"

Tumakbo ako palabas at tumingin sa paligid, walang kahit ano! Dumiretso ako sa likuan ng hallway at pumasok sa unang kwartong napansin ko sabay halungkat ng kahit anong pwedeng makatulong.

"Come on, come on, come on!" Nakakita ako ng tool box at pagbukas ko ay nakakita agad ako ng wire cutter, maliit pero mukhang pwede na. Paglabas ko ay napalingon ako sa mga nagmamadaling mga taong nakasuot ng lab gown, hindi ko sila pinansin at nagdire-diretso lang ako. Napatingala ako sa CCTV at agad na tumalon sabay hampas ng wire cutter sa camera at pagbalik ko sa room kung nasaan si Hesediel ay agad kong sinimulang tanggalin yung kadena.

"You'll be okay, Hesediel. Itatakas kita dito. Magiging maayos ang lahat." Hindi siya sumagot pero napasigaw siya nang matanggal ko yung kadena na sa sobrang diin ay nagca-cause na pala ng sugat sa pakpak niya. Pinutol ko rin yung nasa kamay niya tapos binuhat ko na agad siya kahit pa triple yung bigat niya dahil sa naglalakihan niyang mga pakpak. Hindi ako makapaniwalang may buhat ako ngayong isang anghel, literal na isang anghel. Hindi ko alam ang dahilan, naaawa ako sa hitsura niya.

FallenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon