First day ko pa lang bilang isang illegal car dealer ay natuwa na agad ako sa bago kong trabaho. Nakabenta ako ng Lamborghini Aventador with a standard price of 7 Million Pesos pero nabenta ko ng 8.35 Million at nawindang ako nang pagharap ko kay Mr. Lapeña ay may card na agad ako sa bangko at mamayang hapon na agad dadating yung half ng kinita namin sa Aventador na yon. First day pa lang almost 4 Million na agad ang sweldo ko! Mukhang magiging mayaman talaga ako sa trabahong to, pero ang problema, sobrang delikado nito to the point na kahit isang simpleng pagkakamali lang sa sales ay baka ipapatay ako agad ni Mr. Lapeña, or in other way, ilalaglag nila ako at kulong agad ako for more than a decade! Hindi ko to pwedeng sabihin kay mommy at daddy, para na rin sa kaligtasan nila. Nasa kasunduan namin na wala akong pwedeng ibang pagsabihan nito unless hindi rin mag-iingay yung pagsasabihan ko, nandoon rin sa kasunduan na may karapatan silang ilaglag ako at i-expose sa public lahat ng pinaggagawa ko kapag napansin nilang bumababa yung performance ko. Nakakatakot, nakakakaba, pero kakayanin ko to. For my dreams, for my parents.
----------
"If you're looking for a cool-looking supercar, then you might wanna check this one out." Tumigil kami sa color gray na sports car. "This is Corvette Stingray."
"Wow." Halatang nagandahan si Mr. Gallego sa ni-recommend ko sa kanya. Gusto niya kasi ng super car na magaan, maliit at maganda yung design. Ayaw niya ng Lamborghini Aventador, ayaw niya rin ng Buggati Veyron, ayaw niya rin ng Renault Alpine kaya Corvette Stingray na lang ang ni-recommend ko, ito na lang din kasi ang pinakahuling option sa mga sports cars na available. Yung iba kasi nabenta na sa ibang client ng ibang mga dealers.
Pinaliwanag ko sa kanya lahat ng specs ng Stingray at basic features tapos pinasubok ko sa kanyang i-start yung engine. Aminado akong kahit nakangiti lang ako sa gilid habang pinapaingay niya yung kotse, namamangha rin ako sa ganda ng engine, I wish all these cars are just mine.
Habang nag-uusap kami ng client ko ay biglang nag-ring yung cellphone ko at pagtingin ko sa caller, shit, si Mr. Lapeña.
"Um... May I excuse myself for a second Mr. Gallego?"
"Of course!"
"Sir?" Pagsagot ko sa tawag ni Mr. Lapeña.
"Pagkatapos mo diyan, dumiretso ka sa Utility Room sa dulo ng warehouse, may ipapagawa sayo."
"Okay, Mr. Lapeña." Binabaan niya na lang ako agad at bumalik ako sa client ko para tumuloy na kami sa negotiation.
"This Corvette Stingray has got a standard price of 9.53 Million Pesos, but I can give it to you at only 8.5 Million Pesos."
"Okay! Deal!"
"Chevrolet Corvette Stingray 2018, color gray, now sold to Mr. Fernando Gallego for 8.5 Million Pesos. Thank you so much Mr. Gallego." Nag-handshake kami at sa office na siya tumuloy para ma-transfer ang pera at mabigay na sa kanya yung mga kailangan niya para makuha yung kotse. "That was easy." Sabi ko habang pinapahila na palabas yung Corvette tapos dumiretso na ako sa Utility Room.
"Mr. Lapeña?"
"Costa, come closer. We need to talk." Sabi ni Mr. Lapeña kaya lumapit ako at nagharap kami nang maayos. "I need you to spy on a threat."
"A 'threat'?"
"This man," Hinarap niya sa akin yung MacBook niya at nakita ko yung picture ng isang lalaking medyo may katandaan pero mukhang physically fit naman. "stole one of our cars. A Cadillac Elmiraj, to be exact."
"Who is he? Paano siya nakapasok dito and... paano niya nakuha yung car key?"
"He's a security guard here. Right in this warehouse. His name is Richard Reñoso, and he's currently there, guarding the warehouse and pretending that he didn't do anything." Pinapanood sa akin ni Mr. Lapeña yung CCTV footage at halatang alam talaga nitong guard na to kung nasaan nakalagay ang mga susi at mga documents para makakuha ng kotse.
BINABASA MO ANG
Fallen
FantasySaan ka dadalhin ng mga maling desisyon mo? Anong kaya mong gawin para sa taong mahal mo? Kaya mo bang tumaliwas sa lahat at labanan ang kahit na sino, kahit si God, para ipaglaban ang nararamdaman mo? Sundan ang pagkilala ni Andrezeon sa isang dala...