"Hey, Hesediel. Hindi na ako magpapakilala simula ngayon, ako lang naman din ang nasa contact list mo eh. Gusto ko lang sabihing miss na talaga kita. Yon lang, corny ano? Magparamdam ka na ulit please."
"Hesediel, Hesediel, Hesediel, oh how I miss you, Hesediel. I wish you would answer your phone."
"Andrezeon to the beautifully perfect girl named Hesediel do you copy? Over."
"I was wondering if... sinusuot mo ba yung mga binili kong damit sayo, reply naman dyan, MMS, or iMessage, basta tap mo lang yung Share tapos iMessage, paramdam ka na please, kahit hangin lang or... whatever."
"Hey, if you're getting this voice message, I just wanna tell you that I'm okay, if... ever man na naiisip mo ako, I just hope you do. Miss na talaga kita Hesediel. Sobra."
"Hesediel, I just wanna ask you, are you even hearing all this voice messages? Please, please, please, answer."
----------
Mag-iilang buwan na rin simula ng mawala si Hesediel, maging wanted ako at ang tumira ako dito sa warehouse na to, as in ang daming araw nang nasasayang na dapat nagda-date lang kami ni Hesediel, ang dami ko nang na-miss na masarap na luto ni mommy, pare-parehong bagay lang lahat ng nakikita ko araw-araw, even a Lamborghini Centenario sitting peacefully in my front doesn't impress me anymore. Nakakasawa na! Dito na yata ako magpapasko at bagong taon.
Napatingin ako sa malayo habang nag-iisip-isip tungkol sa mga bagay-bagay. Kailan pa kaya ako makakaalis dito sa warehouse na to? Kailan ba ako makakawala sa mga kamay ni Mr. Lapeña? Nasira na buhay ko dahil sa trabahong to, kinailangan kong hindi magpakita kay mommy at daddy para hindi na sila madamay sa gulong pinasok ko, ngayon masama na ako sa paningin ng mga kapitbahay dahil kitang-kita nilang lahat ang pagtakas ko at yung pagharabas ko sa mga tao na parang wala akong pakialam kung sino ang mababangga ko, at lalo na yung halos mabalian ng braso yung panadero sa nag-iisang bakery sa kalyeng yon. Kahit pa matapos tong pagiging wanted ko ay wala na akong mapupuntahan!
Umakyat ako sa office at patagong kumuha ng susi ng sasakyan at lumabas. Tumayo ako sa gitna ng warehouse at pinindot yung remote sa susi. Nag-blink yung ilaw ng isang kulay itim na Toyota Vios kaya yon ang nilapitan ko. Pagka-start ng engine ay pinuwesto ko yung kotse sa labasan ng warehouse tapos pinindot ko yung malaking gate habang kumukuha ng pekeng plate number nakatago sa Utility Room tapos kinabit ko agad yung napili kong plate number sa harap ng kotse, pagtayo ko ay nakita ko si Villafuerte na nakatingin sa akin at nakakunot ang noo pero hindi ko siya pinansin at pumuwesto lang ako sa likod para ikabit naman sa likod yung pangalawang plate number.
"Costa? Anong ginagawa mo? Saan ka pupunta?"
"Basta."
"Costa, hindi ka pwedeng lumabas, baka mahuli ka ng mga pulis! Lalong mahihirapan si Mr. Lapeña sa ginagawa mo!" Hindi ko siya pinansin at pinagpatuloy ko lang ang ginagawa ko. "Costa......" Nang hawakan niya ako sa balikat ay humarap ako sa kanya.
"Ano pang point kung matapos man ang pagiging wanted ko?! Alam na ng buong pamilya ko at ng lahat ng nakakakilala sa akin na kriminal ako! Kung uuwi man ako sa amin, baka mapagtulungan lang ako ng mga tao doon dahil muntik na akong makapatay ng kapitbahay para lang matakasan yung mga pulis! Sa tingin mo sa lahat ng nangyari may tatanggap pa sa akin?!" Natahimik siya kaya sumakay na ako sa kotseng hindi akin. Kumatok si Villafuerte sa bintana at pilit na binubuksan yung pinto pero naka-lock.
"Costa! Costa! Ako ang malalagot sa gagawin mo!" Hindi ko na siya pinansin at diniretso ko na yung kotse palabas ng warehouse. Saktong nakataas yung harang ng gate kaya binilisan kong makalabas ng BoC at paglabas ko, naki-blend lang ako sa traffic hanggang sa makalayo ako doon at kung saan-saan na ako napunta. Napatingin ako sa mga bintana ng kotse at sa mismong salamin na windshield, super tinted lahat, pero bahala na, kung mahuli man ako, edi kulong, doon na ako sa kulungan magpapakamatay, kung hindi, bahala na kung saan man ako mapadpad.
BINABASA MO ANG
Fallen
FantasiaSaan ka dadalhin ng mga maling desisyon mo? Anong kaya mong gawin para sa taong mahal mo? Kaya mo bang tumaliwas sa lahat at labanan ang kahit na sino, kahit si God, para ipaglaban ang nararamdaman mo? Sundan ang pagkilala ni Andrezeon sa isang dala...