Nagising ako at napatingin kay Hesediel na nakaunan sa akin. Hinawi ko yung buhok sa mukha niya at hinalik-halikan ko yung ulo niya. Nagising siya dahil sa ginawa ko kaya ngumiti agad ako nang tumingin siya sa akin sabay sabi ng "good morning". Hinalikan ko siya sa labi at nagyakapan ulit kami.
"Magluluto na ako ng breakfast." Bumangon siya agad at kinuha yung damit niya.
"Agad-agad? Hindi ba pwedeng mag-cuddle muna tayo dito?" Ngumiti lang siya at bumangon.
"Bumangon ka na rin diyan..." May pinulot siya sa lapag. "at magdamit." Binato niya sa akin yung shorts, T-shirt at underwear ko. Bumangon ako at bago pa man siya makapagsuot ng damit ay niyakap ko muna siya nang mahigpit.
"I had fun last night." Nagngitian kami at hinalikan ko ulit yung lips niya at bigla naman niya akong tinulak tapos tumatawang lumabas ng kwarto. Natawa na lang din ako habang nagbibihis tapos sinundan ko siya sa labas ng kwarto pero nagulat dahil paglabas ko nasa warehouse kami na puno ng kotse.
"Andrezeon!" Narinig ko yung pag-echo ng sigaw ni Hesediel kaya agad ko siyang hinanap.
"Hesediel?! Hesediel! Nasaan ka?! Hesediel?!" Nakita ko siyang ginagapos ng mga sundalo at pilit siyang kumakawala. "Hesediel! Get off her! Get off my girlfriend!" Agad kong nahablot yung baril ng isa sa mga sundalong gumagapos kay Hesediel at walang pagdadalawang isip kong pinutok yung baril sa kanya, tinutukan ako ng mas malaking baril ng isa pang sundalo pero bago pa man niya ako nabaril ay naunahan ko kaagad siya. Hinablot ko si Hesediel at agad kaming tumakbo papalabas sa warehouse pero sumalubong naman sa amin sa labas ang mas maraming mga sundalo, yung iba nakasakay pa sa mga malalaking pangsundalong sasakyan, at may dalawa pang helicopter na nakatutok sa amin ang mga machine gun!
"Andrezeon! Sundan mo ako!" Hinila ako ni Hesediel papunta sa likod ng warehouse at tumigil kami sa pagtakbo tapos humarap siya sa akin at hinawakan yung mga kamay ko.
"Hesediel, paano na? Maghahanap ako ng mapagtataguan, dito ka lang......"
"No! Stay!"
"Pero......"
"Do you trust me?" Natigil ako at maya-maya bigla na lang may lumabas na mga mala-anghel na pakpak sa likod niya! Natigil ako dahil sa nakita ko, hindi ako makakilos. Hinila niya ako at bigla na lang kaming lumipad papalayo sa mga sundalo, mabilis ang pag-angat at pag-abante ni Hesediel kaya agad naming naiwan sa ere yung mga helicopter. Hindi ako makapaniwala! Paano nangyari to?! Paano?!
"Hesediel..." Tumingin sa akin si Hesediel habang buhat niya ako at ngumiti.
"We're safe, Andrezeon, my love." Napangiti ako pero bigla na lang may lumapit sa amin na isa pang helicopter! Agad na naputol ang mga pakpak ni Hesediel dahil sa biglang pagbangga ng helicopter sa amin.
"Hesediel!" Wala akong nagawa nang bigla niya akong mabitawan, may nakita akong kaunting dugo na tumalsik sa pagkakaputol ng pakpak niya at sumunod siya sa pagkahulog ko. Katapusan na naming dalawa!
----------
Napasipa ako nang biglaan ang pagkagising ako dahil sa gulat ko. Akala totoong nahuhulog ako eh. Nag-unat ako at nilibot yung paningin ko sa buong suite, nakita ko si Hesediel na nakatayo at pinagmamasdan yung scenery sa labas ng bintana.
Bumangon ako at bigla namang sumakit ang ulo ko kaya naoahiga ulit ako. Gusto ko ng malamig na malamig na tubig, pakiramdam ko tuyot na tuyot ako! Dapat pala hindi na ako sobrang nagpakalasing kagabi, nagsisisi na naman ako sa ginawa ko. Napalingon sa akin si Hesediel.
BINABASA MO ANG
Fallen
FantasíaSaan ka dadalhin ng mga maling desisyon mo? Anong kaya mong gawin para sa taong mahal mo? Kaya mo bang tumaliwas sa lahat at labanan ang kahit na sino, kahit si God, para ipaglaban ang nararamdaman mo? Sundan ang pagkilala ni Andrezeon sa isang dala...