Ilang araw matapos ang araw na unang beses akong makapatay ng tao ay naging regular na ulit ang pakikipag-negotiate ko sa mga dumadating na clients. Araw-araw akong nangangamusta kay mommy dahil hindi ako nakapunta nung last time na niyaya niya akong mag-dinner kami nang sabay-sabay, and what's worse, ni hindi man lang ako nakapag-sorry sa kanya or kay daddy. Hindi pa rin kasi ako pwedeng magpalabas-labas dito sa warehouse dahil medyo mainit pa rin ako sa mga pulis. Hindi ko na tinatanong si Mr. Lapeña tungkol doon, wala na rin akong pakialam dahil either way, makakalaya pa din naman ako dahil pipiyansahan ako ni Mr. Lapeña. Wala na akong gana sa buhay ko, simula nung maging wanted ako, hindi na ako masaya sa ginagawa ko pero hindi na ako makaalis, buhay ko o ng pamilya ko na ang kapalit kapag nagpumilit akong takasan lahat ng mga responsibilidad ko bilang isang criminal, murderer, at apprentice ng isa sa pinakatiwaling tao sa buong Pilipinas! Nakita ko yung current amount ng pera na nasa bank account ko, umabot na sa 7 billion pesos ang pera ko, dahil nga pala sa dami na ng naging client ko na successful kong naloko. Alam ko na rin kung bakit half the price ang share ko sa bawat mabebentang kotse. Kasi 1/4 lang pala ng presyo ng kotse ang pinaka puhunan ng pag-smuggle ng bawat kotse at kaya din pala gustong-gusto ni Mr. Lapeña na lagi kong nilalagpas sa dapat na presyo yung mga binebenta kong kotse ay dahil mas lalong lumalaki yung kita niya. Pero sa kabila ng lahat ng mga ito, yung patuloy na paglaki nang paglaki ng pera ko na masasabi kong pinaghirapan ko, hindi na ako masaya. Gusto ko nang makawala sa ganitong buhay, ayoko na talaga.
----------
"Good morning! Mr. Ortiz! Welcome!" Buong galak kong sinalubong ang isa sa pinakamayamang foreign business investor sa bansa at ngumiti naman siya, pero ang hindi kumurap lang ang makakahuli sa ngiti niyang hindi pa yata umabot sa kalahating pulgada. "How is your day Mr. Ortiz?"
"I am not here for a chit chat. I'm here for a car. Give me your best one."
"Which type of a car would you like, Mr. Ortiz? Sedan? SUV? Big truck? RV? A super car? Racing car? We've got a handful of selections, just tell me what would you like." Sabi ko pero tinaasan niya lang ako ng kilay. Ito na yata ang pinaka-grumpy na client na nakilala ko.
"Let's have a look at your best sedans." Agad ko siyang dinala sa mga luxury cars na sedan.
"Let's start with the simplest ones. A Lexus LC 500, V8 engine, 5 liter displacement and an astonishing 471 horsepower!"
"No."
"What about an Audi A5? It's one of the most chosen cars in the world!"
"Take me to the SUVs, do you have the best car? I want a unique, high quality SUV. Budget, unlimited." Napangiti ako.
"I know just what you want, Mr. Ortiz. Follow me, Sir." Rinig na rinig sa buong warehouse ang pag-tap ng Bally leather shoes niya sa polished cement flooring ng warehouse. "Mr. Ferrucio Ortiz, I present to you, Lamborghini Urus."
Nawala ang pagtaas ng kilay niya at ang maangas niyang mukha niya napalitan ng pagkamangha. Lumapit siya sa elevated platform na kinalalagyan ng Urus at hinipo yung gilid ng windshield.
"How much is this?" Kasabay ng paglingon niya sa akin ay ang pagtanong niya sa akin ng presyo na parang batang excited nang bumili ng bagong laruan.
"It is at a price range of 11.5 to 13 million pesos but I will give it to you at a price of 10,780,000 pesos." Sabi ko at tiningnan niya ulit yung kotse.
"I was expecting so high, that's why I'm not satisfied with your collection, but now I think I just found what I want. Deal." Ngayon lang siya ngumiti nang buo simula pa kanina nang magkita kami.
BINABASA MO ANG
Fallen
FantasySaan ka dadalhin ng mga maling desisyon mo? Anong kaya mong gawin para sa taong mahal mo? Kaya mo bang tumaliwas sa lahat at labanan ang kahit na sino, kahit si God, para ipaglaban ang nararamdaman mo? Sundan ang pagkilala ni Andrezeon sa isang dala...