Panay ang pagpapalitan ng mga nurse at doktor sa pagche-check sa mag-ina ni Anderson. Paulit-ulit na pinapaalala ang mga dapat inumin na gamot ni Zenaida para mas mabilis ang kanyang pag-recover. Maigi namang nakikinig si Anderson sa pinapaliwanag ng nurse tungkol sa pagpapalit ng diaper ng bata, pagpapadede ng ina, tamang pagpapadighay at iba pang mga kailangang gawin. Pursigido namang matuto si Anderson para matulungan ang kanyang asawa sa pag-aalaga sa kanyang anak na si Anderzeon.
Isang araw pa lang ay pagod na pagod na si Anderson dahil wala pa siyang tulog simula ng mag-labor si Zenaida hanggang sa manganak ito, siya pa ang namili ng mga karagdagang kailangan nilang mag-asawa, siya rin ang bahalang bumili ng pagkain niya dahil ang binibigay na pagkain sa ospital ay bukod sa hindi masarap ay para lang sa pasyente, tama lang para kay Zenaida. Kung minsan ay tinatawag sa baba si Anderson para asikasuhin ang birth certificate ng anak. Hindi rin siya basta-bastang natutulog dahil nag-iingat din siya sa mga masasamang loob at mahirap na, baka mawala ang mga gamit nila dahil maya't maya ay maraming mga pumapasok na nurse, doktor, janitor at tagahatid ng pagkain.
Pangalawang araw, dumating ang mga kaibigan nilang mag-asawa para kamustahin si Zenaida at makita nang personal ang tinuturing nilang "God-given" na anak. Masayang-masaya ang lahat sa pagdating ni Anderzeon sa buhay ng mag-asawa. Sunod-sunod pa ang mga pagbisita ng mga kaibigan nila at ang pagdadala ng mga ito ng mga pagkain para sa mag-asawa.
Pangatlong araw, nakakalakad nang muli si Zenaida matapos ang napakasakit at nakakapanghinang panganganak at mahaba-habang medikasyon. Masayang-masaya ang mag-asawa habang binabantayan at inaalagaan ang kanilang anak. Bukas ay handa na ulit silang umuwi at sa bahay na simulan ang bagong buhay.
Kinabukasan, pag-uwi sa bahay ay laking gulat ng mag-asawa sa nakita nila sa birth certificate ng kanilang anak.
"Mispelled yung pangalan ni Anderzeon, Zeny." Sabi ni Anderson. Nang lumapit si Zenaida ay natawa siya sa naging spelling ng pangalan ng anak nila. Imbes na Anderzeon ang nakalagay ay naging Andrezeon ang naka-type doon. Alam nilang pareho na kahit pa namali ay susundin at susundin ang nasa birth certificate kaya simula ng pang-apat na araw ng anak nila sa mundo ay Andrezeon na ang pangalan nito pero wala naman silang napagdesisyunang pagbabago sa pagbigkas ng pangalan ng anak nila.
----------
Andrezeon Costa
"I am Andrezeon R. Costa, and I'm a very productive person. I was born with a gift, whenever I talk to a person, I can sense if he or she is telling me the truth or lies just by touching one's hand... no, no, no. Mali. Hindi dapat ganon. Isasama ko ba talaga sa pagpapakilala ko itong kakayahan ko?" Napasabunot ako sa buhok ko dahil napanghihinaan talaga ako ng loob na harapin ang mga ganitong challenge. "God, bakit ko ba kailangang magtrabaho?!"
"Andre! Bumaba ka na! Kakain na!" Tiniklop ko yung notebook na pinagsulatan ko ng script ko sa incoming job interview ko at agad na bumaba dahil natatakam na rin ako sa naaamoy kong adobo. Napangiti ako nang makitang sinunod ni mommy yung request namin ni daddy, adobong baboy na pinatuyo. Kaunting-kaunti lang yung sabaw at medyo tuyo yung pagkakaluto pero the best ang sarap!
"Dad, nung ka-age mo ba ako, kailangan ng job interview nung mga panahon na yon?" Tanong ko kay dad at tumawa naman siya.
"You'll never get a job without an interview, Andre." Sagot niya. "Natatakot ka ba sa first interview mo?" Tumango ako habang pinapanood na ipagsandok ako ng kanin ng kasambahay. "Wag kang matakot, sa talino mong yan hindi ka makakapasa? Baka nga pag na-test nila yung kakayahan mo magkandarapa silang i-promote ka kahit first day mo pa lang." Natawa naman ako sa sinabi niya. Nagsimula akong kumain habang si mommy at daddy naman ang magkasunod na pinaghahanda ng pagkain ng kasambahay.
BINABASA MO ANG
Fallen
FantasySaan ka dadalhin ng mga maling desisyon mo? Anong kaya mong gawin para sa taong mahal mo? Kaya mo bang tumaliwas sa lahat at labanan ang kahit na sino, kahit si God, para ipaglaban ang nararamdaman mo? Sundan ang pagkilala ni Andrezeon sa isang dala...