Chapter 9: "Not Today, And Definitely Not Tomorrow"

1 0 0
                                    

Isang buong gabi na ang lumipas, lumiliwanag na yung kalangitan pero ito ako, nakahiga lang sa kama ko at nakatingin kay Hesediel na nakatalikod sa akin. Kanina ko pa inaamoy-amoy nang pasimple yung buhok niyang napakabango at napakalambot. Kahit napakadilim ay nakikita ko nang kaunti yung curves ng katawan niya na bumabakat sa kumot. Gustong-gusto kong lumapit sa kanya at yakapin siya pero hindi ko magawa, kabastusan yon kapag ginawa ko yon sa kanya, lalo na't halos hindi pa nga kami gaanong magkakilala.

"God..." Nagulat ako nang magsalita siya. "Forgive me..." Bulong niya. "Forgive me..." Inulit pa niya at bigla siyang umikot. Nagtulug-tulugan ako pero nang humarap siya sa akin at nakita kong mahimbing na mahimbing ang tulog niya ay tinitigan ko yung napakaganda niyang mukha. Her eyebrows are just so damn perfect! Yung mga mata niya, behind those eyelids are her beautiful brown and blue eyes, I love them. Her lips... bigla akong kinilabutan at sobrang pigil na pigil akong halikan yung labi niya. Shit, hindi ko kaya, kahit hawak lang. Dahan-dahan kong nilapit yung kamay ko sa mukha niya hanggang sa nadampi na ng likod ng palad ko yung pisngi niyang laging namumula sa tuwing magkikita kami sa gitna ng init ng araw. Hinawi ko yung buhok niya na napunta sa mukha niya tapos nang mahawakan ko yung ulo niya ay bumilis yung tibok ng puso ko. Hindi ko na rin pinigilan ang sarili ko na haplusin yung napakalambot niyang buhok.

"Mmh..." Agad kong inalis yung kamay ko nang gumalaw siya at halos sumabog na yung puso ko sa kaba nang dumilat yung mga mata niya.

"Um..." Bigla siyang bumangon at umikot ulit para tumalikod sa akin and this time, halos dikit na yung katawan niya sa katawan ko! Kinuha niya yung kamay ko at nilagay niya sa ulo niya. Tsaka lang ako nakahinga nang maluwag nang maintindihan ko yung ginawa niya kaya hinaplos ko yung buhok niya. Hindi ko alam kung anong nararamdaman niya dahil ako, ayokong ayokong hahawakan yung buhok ko, but I'm enjoying this! Really! First time kong mag-brush ng buhok ng isang babae. It feels fucking great! I feel like... like I'm starting to catch feelings with her.

----------

"Sir, I need a word. Do you have a minute?"

"Sure. I'll be there in an hour. May client ka ngayon."

"Thank you, Sir. I know."

"Okay. Good luck." Pinutol niya na agad yung call at tinago ko na yung cellphone ko, sobrang brief lang kami lagi mag-usap ni Mr. Lapeña sa phone, minsan nga umaabot lang ng 7 seconds yung tawagan namin, pinakamahaba na yata ang 1 minute.

Pinalitan ko ng masaya at welcoming na mukha at postura ang kaninang antok at pagod kong katawan nang dumating na ang buyer ko. Tiningnan ko yung maliit na card na nakalagay sa bulsa ko, Mr. John Davis, gay, and wants a sports car to not hide his gayish side. Tinago ko ulit yung card at lumapit nang bumaba na siya sa kotse niya. He looks and moves like a real man, though.

Nang makita niya ako ay nag-iba bigla ang ihip ng hangin, yung matapang at intimidating look niya ay naging isang lalaking may pitik sa paglakad.

"Good morning, Mr. Davis! A pleasant day to meet your new baby. Come. We've go a lot of collections for you to choose from." Pumasok kami sa warehouse at naglakad papunta sa mga sports cars.

"You see, Mr. Davis, all types of cars, trucks, sedan, or SUV, are available here so whatever you need, we got it......"

"How old are you?" Sa pananalita pa lang, mahahalata nang gay nga siya.

"I'm 23, Sir."

"You know, I've once read in a magazine, that boys are most sexually active at around 20s." Ngumiti ako pero alam ko na ang gustonf ipahiwatig nitong matandang bakla na to. "Is that true? Are you sexually active?"

FallenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon