Chapter 5: "Good Liar"

0 0 0
                                    

Hinanda ko ang sarili ko sa mga posibleng mangyari. Wala akong kahit anong safety gear man lang kung sakaling mabaril din ako o kung ano mang mangyari sa akin. Nakapatay ang makina ng Fortuner na sinasakyan ko, nakahanda lang ang baril sa dash board ko at sarado lahat ng bintana. Hindi nila ako agad mapapansin dahil nakasuot ako ng shades. Hinintay ko lang ang kung sinong lalabas o papasok sa bahay niya at maya-maya lang ay may nakita ako sa bintana, mukhang kakagising lang ng anak ni Richard ah. Huminga ako nang malalim at hinawakan yung manibela ko at naghintay lang sa loob ng kotse.

Maya-maya ay bumukas yung gate at nakita ko si Richard na inuurong yung mga nakaharang sa gate at tsaka siya sumakay sa Cadillac niya at nilabas yon. Pagkatabi ng Cadillac ay bumalik siya sa loob at maya-maya ay lumabas ang isang kulay pulang Vios.

"You're good at hiding, Richard." Bulong ko habang pinapanood siyang ipasok ulit yung Cadillac tapos sinara niya yung gate at tsaka sumakay sa Vios at umalis. Tumawag ako nang kalmado kay Mr. Lapeña.

"Costa?"

"Papunta na si Richard diyan, Sir. Maghihintay lang ako dito sa next na tawag mo." Hindi na siya sumagot at binabaan na lang ako agad. Nang makaalis na nga si Richard ay lumipat ako ng puwesto na medyo mas malapit sa mismong gate nila para mas madali na lang kapag kailangan kong manghimasok. Behind the wall is a ball, repeatedly bouncing, mukhang may naglalarong mga bata ng bola sa backyard nila, binuksan ko yung window sa shotgun seat at doon ko narinig ang nagtatawanang mga bata kasabay ng paulit-ulit na pagtalbog ng bola.

----------

Almost five hours na akong naghihintay dito, may dumating kaninang van na kulay dilaw, nakauwi na lang yung isang anak ni Richard wala pa rin akong natatanggap na tawag, sobrang tagal.

Nag-unat ako at binaba nang kaunti yung sandalan ko, sakto namang biglang nag-ring yung cellphone ko at agad ko namang sinagot.

"Mr. Lapeña."

"Are you still with the family?"

"Yes, Sir. Yes." Sagot ko habang patingin-tingin sa paligid ng bahay nila.

"Scare them, however you want. Stay anonymous. Parusa ko yan sa pagnanakaw niya ng dalawa sa mga binebenta nating sasakyan. Aside from that Cadillac, he stole a red Vios as well."

"Oh, nakita ko siyang dina-drive yung Vios, I thought it was his." Sagot ko naman.

"No, he stole it from me. Go now, threaten his family, kung manglaban, patayin mo."

"Okay Sir." Pagkababa ko ng cellphone ay kinuha ko yung baril at binulsa ko yung cellphone ko tapos bumaba na ako. Since may silencer naman tong baril, binaril ko na lang yung lock ng gate tapos pumasok ako agad. Naabutan ko yung magkakapatid na nanonood ng movie sa sala.

Tinutukan ko sila ng baril at doon na sila nagsigawan. Isang dalaga, isang batang lalaki, tsaka isang binatang mukhang pinakamatanda sa kanilang tatlo.

"Wag po Kuya! Parang awa mo na!"

"Anong nangyayari...... Oh my God!" Tumakbo yung nanay na may suot pang apron. "Please Kuya, kung may hinahanap ka man pong kriminal nagkakamali ka ng napuntahang pamilya! Please wag niyo po kaming saktan!"

"Your husband is a thief!" Sigaw ko kahit naaawa na ako sa mga mukha nilang takot na takot. Kailangan ko tong gawin dahil nakasalalay dito ang future ko at ang buhay ko. Biglang may humampas sa likod ko pero hindi naman ako halos nasaktan.

"Richie!"

"Bad guy!" Tinutukan ko siya ng baril at lalo niya akong pinaghahampas ng kiddie baseball bat niyang gawa sa malambot na plastic. "Bad guy! Bad guy! Bad guy!" Hinablot ko yung damit niya at inihagis siya sa mga kapatid niya.

FallenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon