After that tragic afternoon, everything is fine. Sobrang proud na proud sila mommy at daddy sa akin dahil may sarili na kaming kotse. Pinayagan ko pa nga si dad na ma-experience mag-drive ng SUV dahil simula ng pinanganak ako ay Toyota Corolla 1994 pa ang gamit niya. Napalitan lang ng Toyota Vios 2015 kung hindi pa naawa kay daddy yung boss niya at binigyan siya ng matinong kotse. Hindi ko pa rin sinasabing nakuha ko yung Fortuner 2015 dahil nagpaka-illegal dealer ako at naging isang kriminal kanina. Sana lang talaga at hindi na ipaalam ng pamilya ni Richard sa pulis yung nangyari, alam kong imposible tong hiling ko pero sana lang talaga.
Pagod na pagod na ako sa mga nangyari ngayong araw pero kahit kanina pa ako dito nakahiga sa kama ko, hindi pa rin ako makatulog. Sa totoo lang, hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwalang kriminal na ako, isa ako sa mga taong salot sa lipunan, isa ako sa mga taong lalong nagpapahirap sa bansang to. I've always wanted the government to stop from being corrupt, pero ito ako, isang alagad ng isang nakatataas na corrupt at napakasinungaling.
Huminga ako nang malalim at kinuha yung unan na lagi kong niyayakap kapag natutulog. Tumagilid ako at napatingin sa faded nang family picture namin na kinuha pa ng isang stranger nung first time naming tatlo makapunta sa Baguio almost a decade ago. "Para sa inyo to, mommy at daddy." Bulong ko sa sarili ko tapos pinatay ko na yung lamp sa gilid ng kama ko at pumikit na ako.
----------
Nagising ako sa ingay ng pintuan kong dahan-dahang bumubukas. Nagkusot ako ng mga mata ko para tingnan kung may tao ba pero wala naman. Humiga ulit ako pero nagulat ako nang biglang may babaeng nakatingin sa akin na nasa ceiling! She's got a very ugly face! More like a face of a possessed woman. Nakasuot siya ng kulay itim na dress at may hawak siyang doll na gawa sa buttons ang mata at mukhang may bahid ng dugo yung suot nitong color white na dress.
Nakipagtitigan lang ako sa kanya hanggang sa biglang may parang pumipigil ng paghinga ko nang unti-unting gumalaw yung labi niya. Pasikip nang pasikip yung dibdib ko hanggang sa parang sobrang sakal na sakal na ako nang makabuo yung labi niya ng isang nakakatakot na ngiti! Bakit hindi ako makagalaw?! Hindi ko rin magawang iiwas ang tingin sa mga mata niya! Sobrang pawis na pawis na ako at hindi na talaga ako makahinga habang unti-unti siyang gumagalaw, mabagal pero parang napakabilis ng paglutang niya at pababa yung direksyon ng paglutang niya.
"This is just a dream! Nananaginip lang ako! Hindi ka totoo! Hindi ka totoo!" Sigaw ko sa isip ko. "I am with God! Hindi ka totoo! Help me God! Anyone with celestial powers!"
Biglang may humawak sa leeg kong babae na may napakaliwanag na mukha, unti-unting lumuwag yung dibdib ko at nawala yung pagsakal sa leeg ko. Bumagsak nang mabilis sa sahig yung nakakatakot na lumulutang kanina at sumigaw siya doon sa babaeng humawak sa leeg ko. Nakakatakot yung sigaw niya, parang hindi siya yung sumigaw, parang may maraming nakakatakot at monstrous na boses na sabay-sabay sumigaw. Tumiklop yung babae at pagbuka niya ay sumigaw din siya nang pagkalakas-lakas at may kasama pang parang liwanag na natutulak paatras yung babaeng nakakatakot! Mas malakas sa sigaw ng nakakatakot na babae at sa pagsigaw niya ay parang unti-unting naabo yung buong katawan ng babaeng nakakatakot! Anong nangyayari?! Is this really just a dream?! Why is it so realistic?!
Nang tumigil sa pagsigaw yung babaeng may liwanag na humawak sa akin ay lumingon siya sa akin at ngumiti siya.
----------
Nagising ako nang hapong-hapo at pawis na pawis. Pagbangon na pagbangon ko ay isa lang ang biglang pumasok sa isip ko.
"Hesediel." Napahinga ako nang malalim at pumikit tapos inalis ko yung makapal na comforter dahil sobrang pawis na pawis ako at init na init ako. Bumagon ako at bumaba para uminom ng tubig. Habang umiinom ay napatingin ako sa reflection ng refrigirator nang may mapansin akong gumagalaw at papalapit sa akin kaya agad kong hinablot yung knife sa lalagyan at pagharap ko ay laking gulat ko nang malamang si Hesediel pala ang nasa likod ko! "H-Hesediel?!"
BINABASA MO ANG
Fallen
FantasySaan ka dadalhin ng mga maling desisyon mo? Anong kaya mong gawin para sa taong mahal mo? Kaya mo bang tumaliwas sa lahat at labanan ang kahit na sino, kahit si God, para ipaglaban ang nararamdaman mo? Sundan ang pagkilala ni Andrezeon sa isang dala...