Chapter 11

15 4 12
                                    

Deanna's POV

"Mauna na kayo, uuwi muna ako, kukuhanin ko ang kotse ko. Deanna, tumawag ka sa bahay nyo kung ayaw mo pa umuwi. Wag mong hayaan na magalala sila sayo, ikaw din Brix. Ikaw na muna ang bahala dito, babalik din ako agad" maawtoridad nyang sabi.

"Yezzer!" sabay naming sani ni brix habang nakasaludo.

Napailing at napatawa nalang si kuya Xhaun dahil alam kong para kaming timang.

Umalis na si Kuya Xhaun,  kaya sumakay na kami ni Brix sa sasakyn na ibinigay sa kanya ni K.

"Hoy Brihido! Paano?! Di ka maalam?" singhal ko kay Brix.

"Maalam ako, nataranta lang ko kanina kaya di ko alam kung anong gagawin" mahinahon nyang sabi. He started the engine.

"magingat ka sa pagmamaneho! Tandaan mong nakasakay sa kotse mo ang isang magandang babae na pinapangarap ng lahat!"

"Sige, hindi naman masamang mangarap eh" sabi nya nakangisi sya sakin

"Aba't---" hindi ko naituloy ang sasabihin ko at nanlaki ang mga mata ko.

What the heck?

Inihiwalay na nya ang labi nya sa labi ko at napanganga naman ako dahil hindi ako makapaniwala.

Anlambot ng labi ni Brix.

Teka!  Teka!

First kiss ko yun eh! I dreamed about of giving my first kiss sa mapapangasawa kooooo!

"Walangya ka magnanakaw ng first kiss!!" sigaw ko habang hinahampas sya.

"Aray! ano ba! Tumigil ka nga dyan kung ayaw mong rapin kita" whaaaaattt!

"Manyak!" sigaw ko, padabog na sumandal at tumingin sa may bintana. Pinaandar na nya ang kotse at hindi ko sya inimikan.

Narinig ko naman ang hagikhik ng kurimaw.

"Anong itinatawa tawa mo dyan ha?" sabi ko kasabay ng mataray kong paglingon sa kanya. Kung nakakamatay ang tingin, baka nakabulagta na to kanina pa

"Wala po Ma'am" sagot nya habang ngumingiti parin.

Firts kiss ko kasi yunnnnn! Biwsit talaga. Kahit na gwapo sya at may malambot syang labi!  At malaki rin ang iniiba ng katawan nya dahil ang dating baby fats nya ay abs na ngayon! Hindi parin nya deserve ang first kiss ko.

Patuloy na lumilipad ang utak ko. Hindi maialis sa isip ko yung paghalik ng damuho saken. Pakiningshet. Naramdaman ko ang sobrang pag-init ng pisngi. Tuluyan ko ng iniharap ang katawan ko sa bintana para hindi makita ng damuho ang namumula kong pisngi.

Anak ng pating talaga o'oh.

Maya maya pa ay nagsalita na sya ulit..

"Andito na tayo babe" sabi nya. Uminit nanaman ang mga pisngi ko. Nilingon ko sya ay tiningnan ko naman sya ng masama. Nakangisi lang si gago.

"Babe mo muka mo!" singhal ko at padabog na bumaba.

"Brihido bilis bilisan mo naman kumilos!  Para kang dalaga! Dalian mo!"singhal ko. Lintik naman kaseng bagal kumilooooos neto!

"Chill lang babe! Masyado mo naman akong namiss" sabi nya habang nakangisi at kinindatan ako.

"Che!" tinalikuran sya pero maya maya pa ay inakbayan nya ako, napahinto ako sa paglalakad pero hinigit nya ko.

"A-ano ba!"  yung puso ko

Mas matindi pa sa tibok na nafeel ko nung tinitigan ko si Kuya Xhaun.

Madayang TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon