Chap 10

16 4 3
                                    

Deanna's POV

"Hoy tara na umuwi ano ba" singhal ko sa dalawang lalaki na kasama ko ngayon. Kakaalis lang nina Leighna eh, naiwan tuloy ako sa dalawang kulapong na ito.

"Mamaya ang aga aga pa eh" sabi naman ni Brix.

"Duh lalake ka kase kaya anytime pede kang umuwi" sabi ko at inirapan sya.

"Tara na Brix, konsensya pa natin kapag may nangyaring masama kay deanna pag di natin inihatid, tsaka test drive mo na yung ferrari mo" nagningning naman ang mga mata ni Brix.

"Hulog talaga ng langit si Leighna, simula nung dumating yon sa buhay ko, andami ng magagandang nangyare" sabi nya. Kumikislapkislap yung mata. Parang naghuhugis puso hahaha

"May gusto ko lang kay Leighn kaya ganun" Sagot ko naman

"H-hoy!" sabi nya habang nakatura saken. Gulat na gulat. Tsk, masyadong obvious. Iimik pa sana ako ng napalingon ako kay Kuya Xhaun. Parang nawala yung mga ngiti sa mga mata nya dahil sa sinabi ko. Nakupo parang may mali ah.

Magsasalita sana si Brix ng biglang magring ang phone ko.

Khae

Calling...

Bat naman natawag to? once in a blue moon lang to tumawag eh kaya nagtataka ako

Pero sinagot ko nalang, baka emergency eh.

"Hello K? Bat ka tumawag?" nagulat ako ng boses ng isang lalaki ang sumagot. what the fck.

"a-anong nangyare?" putchaaaaaa!!

"Tangina saan?" K bakit ngayon pa. "oo papunta na"

And the line went dead.

"Mga kulapong si Leighna daw naaksidente sa may Crossing!!!!" Sigaw ko, pinagtitinginan kame ng mga tao, nataranta yung dalawa at sabay sabay kaming tumakbo papunta sa parking lot.

"Bilisan mo kase brix!" taranrang sigaw ko.

"eh hindi ako maalam kase magdrive!" sagot naman nya napaFace palm nalang ako.

"Tabi dyan" sabay kameng napalingon ni Brix kay Kuya Xhaun.

"Tumabi ka dyan o ihuhulog kita sa kalsada" seryoso sabi nito. Agad naman bumaba si Brix at tumakbo papunta sa shotgun seat. Si kuya Xhaun naman ay nilakdawan nalang ang kambyo para di na sya bababa.

"Marunong ka ba nyan?" sabay namin tanong si Brix

"Racer ako" seryosong tugon nito. Sabay kameng napanganga ni Brix. Hindi pa man kame nakakaimik ay pinaharurot na nito ang sasakyan. Pero kahit gano kabilis ang pagpapatakbo nya, parang nagslow motion ang mundo ko habang nakatingin ako sa kanya. Yung puso ko anlakas ng kabog, na parang gustong makawala sa rib cage ko.

Ano ba naman tong nararamdaman kong to. Alam mo hindi naman kase mahirap mahulog kay kuya Xhaun. Sobrang ideal nya para saken. Mabait, matalino, gentleman, magaling sa kahit anong sports, bonus nalang yung ng gwapo gwapo nya. Lahat ata ng gusto ng mga babae ay nasa kanya na.

Samantalang si Brix, kulapong na, balahura pa. Gwapo naman, kaso hambog. Grrrr kakainis talaga!

Ay ano ba tong mga iniisip ko! Tumingin tingin ako sa paligid at nakita kong malapit na kami.

Agdating namin ay agad akong tumakbo palabas.

Gumuho ang mundo ko, nadurog ang puso ko. Habang tinitingnan ko ang kotse nila Leighna na halos madurog ang kalahati.

Si tita, sya ang nasa kabila, sugat sa ulo lang ang nakuha nya.

Ang kaibigan ko, ang bestfriend ko, ang kapatid ko. Tangina.

Madayang TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon