Chapter 15

10 2 0
                                    

Leighna's POV

Medyo masakit pa ang katawan ko but I chose to leave. Pag hindi pa ako kumilos, walang mangyayare. I was walking down the street, wearing my black face mask and a cap.

Hindi na ako nagabalang magdala ng sasakyan dahil baka may makakilala sa sasakyan ko.

I walked about 2.5 kilometers away from our house, pero hindi ko yun namalayan because I am busy planning about killing those bullshits.

I'll slowly torture them in my mind. I'll make them suffer. Bago ko sila patayin ng tuluyan ay ipapatikim ko muna ng doble sa kanila ang sakit na ipinaranas nila sa akin.

My body may be numb, pero hindi ako tanga. Kilala ko silang lahat.

Alam kong plano mo kong patayin Akizha para mapasayo si Laurence.

And i know you Stephanie, you wanna get rid of me to get Xhaun again.

Sa inyo na mga bobo, hindi ko kailangan ng lalaki. My dad, kuya Harvey and Josh was enough for me. But it's all your fault kaya namatay ang daddy ko.

Uubusin ko ang lahi nyo.

Pati ikaw Bryan..

Matapos ang mahabang lakaran ay pumasok ako sa isang squatters area. Sa dulo nito ay may isang iskinita, nakakasulasok ang amoy. Mapanghi at amoy basura. Sa tabi ay may mga nagiinom. Sa kabilang gilid ay may nagpapatayan. Sa kabila ay may nagmemake out session. May mga batang umiiyak dahil binubugbog ng mga magulang nila. Pero lahat sila ay tumigil ng makita nila ako.

Tumayo silang lahat at nagbow sa akin.

Ang buong squaters area na ito ay pag-aari ko. Lahat ng tao dito ay taga sunod ko.

Dahil ako, si Leighna Khaelle Rivera, ay isang lider ng mafia. Ako ang pumalit sa pwesto ng Lolo ko. Matinik yon sa patayan. Kinatatakutan ng lahat. Madaming connection, madaming galamay. Pero bago sya namatay ay ako ang iniluklok nya dahil sa aming lahat, ako ang pinakakakaiba.

Dahil hindi ako isang Rivera, pero tinanggap nila ako ng buo. Hindi nila ko itinuring na iba.

I came from a cursed family.

"Inay, saan po tayo pupunta?" tanong ko kay inay.

"Kailangan mong tumakas anak." sabi ni inay. Patuloy parin kaming tumatakbo sa gitna ng gubat. Limang taong gulang pa lamang ako ngunit andami ko ng naranasang masasamang bagay.

"Bakit ako lang inay? Paano si tatay at si Gabriel?" tanong ko pero hindi sumagot si nanay. Tumigil kami sa tapat ng isang malaki at lumang puno.

"Anak, ipangako mo sa akin na kahit anong mangyari hinding hindi mo gagamitin sa masasamang bagay ang mga kakayahan mo. Sa oras na may marinig kang malalakas na putok ng baril, huwag na huwag ka ng babalik at huwag na huwag ka ng lilingon ulit. Patuloy ka lang na tumakbo hanggang makarating ka sa kalsada at humingi ka ng tulong sa mga tao dun ha? Naiintindihan mo ba anak?" nakita kong tumulo ang mga luha sa mata ni inay. Pinunasan ko iyon ngunit naramdaman ko naman ang pagdaloy ng mga luha ko at ang pagkirot ng puso ko. Niyakap ako ni inay ng mahigpit. Alam kong sinusubukan lang nyang maging matapang pero alam kong nanghihina na siya.

"Inay..  Kaya naman nating lumaban eh.. Kaya naman nating ipagtanggol ng mga sarili natin." sabi ko habang humihikbi.

"Anak, hindi pede, nakalimutan mo na ba ang kapalit kapag lumaban tayo?"

"Inay, lumaban man tayo o hindi, mamamatay parin tayo!" sigaw ko kasabay ng malalakas na putok ng baril, sunod sunod na parang inuubos na ang mga bala nito sa kung ano mang pinapatamaan nya.

Madayang TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon