Chapter 16

14 2 0
                                    

Araw ng libing ngayon ni daddy pero hindi ako nagpakita sa pamilya ko.

Tiniis kong hindi mayakap si mommy habang umiiyak sya ng sobra.

Tiniis kong makitang umiiyk si Josh.

Tiniis kong makitang nanlulumo si Kuya.

Sa malayo ay nakatingin lang ko sa nagpipighati kong pamilya. Andaming nakipaglibing at nakikiramay dahil sa busilak na puso ni daddy. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit kilangan nya pang mamatay. Dapat yung masasamang tao ang namamatay hindi yung mga busilak ang puso.

I'm sorry daddy, hindi man lang kita nayakap bago ka nawala.

Kasalanan ni Stephanie tong lahat pati ni Akizha!

Bago pa ako mawala sa sarili ko ay tumalikod na ako at naglakad papalayo. Pero sa di kalayuan ay nakita ko sya.

Kumirot ang puso ko. Ilang taon na ang nakalilipas pero andito parin yung sakit. Napatitig ako sa kanya. Ang ganda na ng katawan nya, tumangkad din sya at pumuti. Medyo mas mahaba na ang buhok nya na ang ilang piraso ay nakatakip sa mga mata nya.

His expressive brown eyes. Ang mga kilay nyang tama lang ang kapal na bumagay sa mapupungay nyang mata. His pointed nose. His perfect shape thin lips. Yung matatambok nyang pisngi na palagi kong hinahaplos noon.

Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko. Walang tigil sa pag-agos. Ayaw magpaawat sa pagbugso.

Nagulat ako ng mapatingin sya sa gawi ko, halatang nagulat din sya. Ngumiti sya pero nawala yun nung hindi ako ngumiti pabalik. Hahakbang na sana sya palapit pero pero tumakbo na ako palayo. Muli akong nilongon sa kanya at nakatingin parin sya sa akin.

Nakita ko yung pain sa mata nya, nakita ko yung pagsisisi nya sa naging desisyon nya sa pagiwan sa akin noon.

Habang naglalakad ay napunta akong sa isang park. Umupo ako sa isang bench at tumingala sa langit.

Bakit ba kailangan pa nating maranasan ang mapaglarong tadhana?

Bakit kailangang paikot-ikutin tayo sa sarili niting palad.

Sa pagsimoy ng malakas na hangin ay napapikit ako dahil sa sobrang kalungkutan. Ang mga luha ko na animo'y nagkakarera dahil unaunahan sa pagbagsak. Ang bawat punas ko sa luha ko ay walang magawa dahil patuloy parin ang pag-agos.

Ako na isang tao na may dugo ng isang lobo ay pinagkaitan ng karapatang maging malaya. Hindi ko nga iyon ipinagkait sa iba eh pero bakit sa akin, ipinagkakait yon?

Kahit dugong lobo ako ay may dugo parin akong tulad sa tao. Kadugo ko si daddy, at si josh. Dahil di daddy ay ang tunay kong ama at si josh ay kapatid kong buo.

Hindi ako nagtatransform bilang isang lobo pero ang mga kakayahan ko ay parang lobo. Katulad ng pagtakbo, pagtalon, pakikipaglaban at pagiisip

.

Nasa kalagitnaan ako ng pagiisip ng magring ang phone ko. Nagdadalawang isip ako kung sasagutin ko ba pero nauwi parin ako sa pagsagot nito.

"Bakit hindi ka manlang lumapit sa amin?" wala bang hi hello muna.

"Para saan pa?" tanong ko. He kept silent for a moment.

"Para yakapin kami, you know you're the strongest sa ating lahat Leighna Khaelle" i didn't bother to answer him

"Nung nalaman mong magkakilala kami ni Xhaun, minsan ba napaisip ka dahil hindi kita naipakilala sa kanya kahit kilala nya si josh" hindi ako nakaimik. Natigilan ako ng maalala ko na yan dapat ang sasabihin sa akin ni mama bago kmi mabangga, oh I mean, bago kami banggain.

Madayang TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon