Chapter 18

12 2 0
                                    

Ang lahi namin sa side ni Inay ay isinumpa maging lobo, na kapag nakasakit o nakapatay ay mamatay rin pero sa dalawang magkaibang paraan.

At sa amin ni Brix makikita ang dalawang paraan ng parusang iyon.

Ang una ay ang katulad ng kaso ni brix. Nakapatay sya at namatay pagkatapos ng bente kwatro oras at hindi nakaramdam ng panghihina.

Ang pangalawa naman ay ang kaso ko. Pag nakapatay ako ay manghihina muna ako bago mamatay. Pahihirapan muna ang katawan ko. Siguro isang bwan na ang pinakamatagal pero pede na naming piliin ang petsa ng pagkamatay namin sa loob ng isang bwan na iyon. Ganon ang kaso ko dahil may dugo parin akong tao. Dahil si daddy ay isang tao. Ang ama naman ni Brix ay isinumpa din dahil kasal sila ni Inay.

Yan ang huling laman ng utak ko bago ako nakatulog kagabi kakaiyak. Dito ako natulog sa bahay ko.

Kumirot ang puso ko ng may alaalang pumasok sa isip ko.

"Dahil simula ngayon ako na ang magtatanggol sa iyo, hindi ako makapapayag na may makapanakit sayo"

Talaga ba Xhaun. Ilang beses na ba napako yang pangako mo ha? Dahil ba kapatid mo ang dahilan kung bakit ako nasasaktan kaya wala ka ng pakialam.

Ganun na ba kaunfair ang tadhana para gawin na kung sino yung nangakong poprotektahan ka, yun din naman ang mananakit sayo, like tangina lang.

Napuno nanaman ng galit ang puso ko.

Kasabay ng pagtulo ng mga luha ko ay ang pagtama ng malakas at malamig na hangin na nanggaling sa bukas na pinto ng balkonahe sa kwarto. Sumasayaw ang kurtina dahil sa saliw ng hangin. Tila ba sumasabay ang mga ito sa kalungkutang nararamdaman ko ngayon.

*Knock knock knock*

Napatingin ako sa pintun ng kwarto ko ng hindi pa rin bumabangon sa pagkakahiga.

"Khae? Si Dee to" sabi nya. Ay oo nga pala, dito ko muna sya pinauwi kagabi dahil gabing gabi na nung nakaalis kami sa park. Wala naman kameng pinagusapan eh. Nagduet lang kame sa pagiyak. Sabay kameng nagpighati sa pagkawala ni Brix kase alam kong mahal na mahal nya ang kapatid ko.

"Bukas yan" sagot ko. Tumulala ako sa kisame at naramdaman ko ang dahan dahang pagbukas at pagsara ng pintuan ng kwarto ko.

"Khae kumain ka na, nakahanda na ang breakfast sa baba" sabi nya habang dahan dahang umupo sa tabi ng kama ko. Namumugto at namumula din ang mata nito.

"Susunod ako." matipid kong sagot at pumikit. Naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko dahil naalala ko lahat, naalala ko nanaman lahat, yung unti unti pagkaubos ng pamilya ko.

Bakit ba ako pinaparusahan ng ganito? Ano bang ginawa kong masama? Bakit kailangang maranasan to ng pamilya ko?

Bakit ako pa?

Kung lahat ng malalapit saken ay mapapahamak, i better leave them all and be alone.

"Khae tara na, hindi matutuwa si Brix nyan kapag di ka kumain" pangungulit nya.

"Deanna susunod nga ako diba!" inis kong napatingin sa kanya. "Deanna pede bang iwan mo muna ako.." sabi ko. Tumango sya at nagtungo sa may pinto. Pero nagsalita sya bago lumabas.

"Khae? Andito lang ako palagi, alam ko ang tumatakbo sa isip mo, please. Kame nalang ang meron ka Khae." lalabas na sana sya pero nagsalita ako

"Kaya nga Dee eh, kayo nalang ang meron ko at hindi ko na kakayanin kung pati kayo ay mawawala pa" sagot, ngumiti lang sya at lumabas ng kwarto.

Nalalabi na ang oras ko. Kailangan mapatay ko na sila. Kung hindi, ako ang mamamatayan.

---

"Akizha Marquez, sya ang sunod nating target" sabi ko.

Madayang TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon