Chap 12

19 5 1
                                    

Tatlong araw na ang nakakalipas simula ng maaksidente si Leighna at hanggang ngayon ay hindi parin sya gumigising.

Nasa school ako ngayon,  naglalakad papalabas, didiretso na ko kay Leighna, si Brix at Deanna, mamaya pa ang labas.

"Xhaun?" napatunghay ako ng marinig ko ang boses ng isang lalaki na tumawag sa akin.

"Tito? Bakit po kayo nandito?" nagtataka kong tanong.

"Ahh, kakausapin ko lang sana ang principal ng Keijan para ipaalam ang kalagayan ng anak ko" napatango tango na lamang ako sa kanya. "Samahan mo muna ako, at sabay nalang tayong pumunta sa ospital" dugtong pa nya kaya sumangayon nalang ako ulit. Hindi ko naman dala ang kotse ko kaya ayos lang. Bihira ko yun dalhin. Katulad ni Leigh, ayoko din ipaalam sa ibang tao kung gaano kame kayaman.

Para kaseng mahirap magtiwala sa isang tao na friendship lang talaga ang habol sayo kapag alam nilang sobrang yaman mo. You know that, gold digshits.

Tahimik lang kaming naglalakas ng Ama ni Leighna papuntang office pero sya na rin ang pumiling magbasag ng katahimikan.

"Salamat, Anak" napalingon naman ako sa kanya.

"Para saan po?" tanong ko na tila ba gulong gulo.

"Dahil binabantayan mo ang anak ko, kapag busy ako sa trabaho, kapag busy din si Axel Harvey sa trabaho nya,  kapag kailangan na magpahinga ng asawa ko. Salamat, hindi naman pedeng si Josh ang magbantay dahil napakabata pa nya" napatawa sya saglit.

"Wala po iyon, maliit na bagay lang po iyon" sa laki ng kasalanan ng kapatid ko sa anak nyo, maliit na bagay lang po itong ginagawa ko.

Nakarating na kame sa tapat ng office.

"Intayin mo nalang ako dito, hindi rin ako magtatagal sa loob dahil madami pa akong trabahong naiwan" sabi nya. Hindi na nya inintay ang sagot ko at pumasok na sa loob. Tumayo lang ako sa gilid ng pinto.

Hanga rin ako sa tatay ni Leighna na si Tito Marcio, kahit siksikan at punong puno ang schedule nya, he still provides time for his family. Hanga naman ako kay Tita Vhina, kase she chose to stay by Leighna's side kahit kailangan nya magpahinga dahil nabalda rin ang katawan nya sa nangyaring aksidente.

Si Axe naman, alam kong busy rin sya, pero kahit papaano ay dinadalaw naman nya ang kapatid nya. Si josh, yung bunso nilang kapatid, laging nasa tabi ni leighna. He barely speak. Sabi saken nina tito at tita, nagsasalita lang daw ito ng madami at madalas kapag si Leighna ang kausap. Akala pa nga daw nila ay pipi si Josh, pero nung si Leighna na ang kausap nito ay napakadaldal nito.

"Tara na Hijo." naputol ang aking pagiisip ng narinig kong magsalita si Tito. Tumango lang ako at ngumiti.

Tahimik lang kami ulit na naglakad hanggang makasakay na kame sa kotse.

"Tito kamusta pala yung driver na kasama nila Tita Vhina nung naaksidente sila?" tanong ko.

"Nasa mansyon sya ngayon, anak. Hindi muna namin sya pinagtatrabaho dahil baldado parin ang katawan nya. Pero kahit na ganon ay tuloy ang sweldo nya para may maipadala sya sa pamilya nya. Kami na nga rin ang sumagot sa pampagamot nito dahil kapag ikinaltas pa namin yon sa sweldo nya ay nakakaawa naman. Hindi naman maliit ang sweldo nya pero yung ikakaltas namin, kung sakaling magkakaltas nga kami, aba'y ilang araw na pambili na rin ng bigas at pang-ulam yon ng pamilya niya." pagkekwento nito.

"Nung una pa nga ay ayaw nyang pumayag dahil nakakahiya na daw sa dami ng naitulong ng pamilya namin sa pamilya nya. Dahil yung apat nyang anak ay ako ang nagpapaaral, gasino na yung perang gagastusin ko para duon. Ayos lang gumastos ng gumastos kung may sense naman ang gagastusan ko ng malaki eh. Kase yung pera, kikitain ko pa yon ulet, pero yung pagkakataon na makapagaral, bihira nalang yon." napangiti ako sa kwento nya. Talagang napakabait nila. Balita ko nagchacharity events din sila at ilang orphanage ang tinutulungan. Ilan din ang batang pinagaaral dahil ang lahat ng anak ng mga nagiging katulong nila ay sila ang nagpapaaral.

Madayang TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon