CHAPTER 4

6 2 0
                                    

Rew's POV

"Okay" tipid na sagot ko.

Ano pang magagawa ko? Mommy na mismo ni Alex ang nagsabi, mabait sakin ang parents nya kaya nakakahiya tanggihan.

"Dadaan ka paba kila Sienna?" he ask.

"Hindi na. Let's go"

he nod. Tsaka pinaandar ang sasakyan.

"Tsaka nga pala Alex–"

"Call me Luv." he said.

Did he just pout? Kung halikan ko kaya to?

"Erase, erase!"

"Erase what?" takang tanong nito.

"W–wala"

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko, ganito ba ako kamanyak? Kalma Rew, kalma.

"Malapit na tayo." nakangiting sabi nito.

Tumingin ako kay Alex, gwapo naman sya malaki din ang katawa. May abs din siguro ito.

Bakit kapag kasama ko si Alex, ganito na ang nararamdaman ko? dati lang kapag dumidikit sya saakin uncomportable para saakin.

Hindi kaya nahuhulog na talaga ako dito?

"May problema ba Rew? Kanina pa kita tinatanong ah" basag nito sa iniisip ko.

"Ano?"

"Sabi ko sa tingin mo ba magugustuhan ako ng parents mo?" kinakabahang tanong nito

"H–hindi ko alam, iba kasi si Dad. I mean hindi madali makuha ang loob nya."

Totoo naman yung sinabi ko, naalala ko noon nung nanliligaw si Dave saakin. Ayaw pumayag ni Daddy kasi bata pa daw kami.

Kaya hindi ko dinadala si Alex samin kahit noong nanliligaw pa sya, ayaw kong magalit si Daddy saakin. Inaalala kasi ni Daddy na baka masaktan nanaman ako dahil sa ibang lalaki pero sa parehas na dahilan.

"Ganon ba? Kinabahan tuloy ako" biglang sabi nito.

Ano daw?

"Andito na tayo Rew. Kung tayo na kaya mag pa-alam sakanila?" suwestyon nito

"Hindi na Luv, ako nalang bahala."

"Are you sure? Okay then. Bago mag 7pm dumating na kayo okay?"

Tanging tango na lamang ang naisagot ko bago bumaba sa kotse.

"Bye"

Pagkapasok ko pa lamang ay nadatnan ko sila Mommy at Daddy sa kusina.

"Anak, upo ka!" masiglang sabi ni Daddy.

"Ahm, anong meron mom?"

"Wala naman, alam ko kasing miss mo na ang luto ko. Kaya ito pinagluto ko kayo" ngiting sabi ni Mommy

Nanalaki ang mata ko. Shit.
Naalala ko noong nakaraan ay pinag luto din kami ni Mommy, pakiramdam namin ni daddy ay magkakasakit kami sa bato. Sobrang alat ng inihain nya saamin.

Nahihiya naman kaming sabihin kay mommy at baka masaktan pa.

"T–talaga po? dapat po hindi na kayo nag abala." nag aalangang sabi ko.

"Kung inaalala mong hindi ito masarap ang ihahain ko, mali ka. Kaya nga nag patulong ako sa daddy mo eh." ngiting sabi ni Mommy

"Mom dad, a–ano po kasi g–gusto po kayo makilala ng parents ni Alex." kinakabahang sabi ko.

"Alex? sino namang Alex?"

"At bakit kami gusto makilala?"

Sunod sunod ang naging tanong nila.

"Wag po sana kayong magagalit. Boyfriend ko po si Alex."

"Ano?" kalmang tanong ni Dad.

Alam kong nag pipigil lamang ito ng galit. Saaming tatlong magkakapatid ayaw na ayaw nilang mayroong naglilihim.

"S–sorry po"

"Kailan pa?" kalma pading tanong ni daddy.

Lumapit naman si Mommy kay Daddy para haplosin ang braso.

"Anak bakit naman hindi mo sinasabi saamin?" mahinahong tanong ni mommy.

"Natatakot po kasi ako. Pinigilan ko naman po na ligawan nya ako pero patuloy padin po sya. Habang wala po kayo, sabi nya po gusto akong makilala ng parents nya. Pumayag po ako, t–tapos hindi ko naman po inaasahang muli nya akong tatanungin. Wala po akong nagawa kundi sumagot ng oo, nahihiya po ako sa parents nya kapag nag no ako" paliwanag ko.

"Ang pinapalabas mo ba'y napipilitan ka lang sa relasyon nyo?!" ngayon ay galit na tanong ni dad.

"Hindi po. Mahal ko din po si Alex, ayoko lang po na magalit kayo"

"Okay I understand. Ayan lang ang gusto kong marinig, pero anak ayaw na ayaw kong iiyak ka dahil sakanya." maka hulugang sabi ni dad.

"Pupunta kami mamaya ng Daddy mo sa sinasabi mo. Gusto naming makilala din ang magulang ni Alex." ngayo'y tonong galit si mommy.

"Kumain muna tayo."

"Anong oras?" tanong ni mommy.

"7PM po."

"Pupunta tayo ng 8PM" madiing sabi ni daddy.

"Pero dadd–"

"No! babae ka anak. Lalaki ang sakanila, dapat lang silang mag intay." muling sabi ni daddy.

"Hon, hindi ba kabastusan naman iyon?" mahinahong sabi ni mommy.

Hindj na sumagot si Daddy. Naging tahimik narin kami habang kumakain.

*************6:50PM*******************

Nandito pa din ako sa kwarto ko at namimili ng damit.

Pangalawang beses ko na makikita ang parents ni Alex pero pakiramdam ko ay kabado pa rin.

"Anak, gusto mo bang tulungan na kita?" tanong ni mommy.

Habang nakangiting lumapit saakin si Mommy.

"Anak. after three years sa wakas ay  may naging nobyo ka ulit. Natutuwa akong naka-move on kana talaga kay Dave."

"Sigurado akong mabait na bata si Alex, kaya nakuha nya ang loob mo" dadag pa ni mommy.

Tanging ngiti lang ang naisagot ko.

"Ang ganda ganda mo talaga" puri ni mommy.

"Syempre mom anak nyo ako eh."

"Hmm nambola pa ang bunso ko."

"Sige na anak, mamaya maya din ako narin ang mag aayos. Lalabas na ako."

Ngumiti ako habang nakatingin sa salamin. Mukha ang nahulog na ako kay Alex.

"Thank you Dave." nakangiting bulong ko sa sarili ko

Para saakin ang naging relasyon namin ni Dave ang nag turo sakanya ng maraming bagay. Kung hindi nya ako sinaktan ay hindi ako matututo.

Between (Editing)Where stories live. Discover now