Rew's POV
From: Aless
I miss your lips baby, Don't forget our date okay?Nangilid ang luha ko sa nabasa ko. Alam kong malaking pag kakamali na pumayag ako pero.......
*********Flashback*****************
Nang maihatid ako ni Alex sa bahay ay kinabahan ako, ewan ko pero bigla na lamang ako nakaramdam ng takot.
"Pumasok kana" ngiting sabi ni Alex.
"Hindi na, hindi ako papasok hangga't hindi ka umaalis"
"Sige na Rew, pumasok kana." pangungulit nito.
"No, hanggat hindi ka umaalis dito lang ako" seryosong sabi ko
"Fine! he said bago ilapat ang labi nito saakin.
Napangiti ako ng makita kong palayo na ang kotse ni Alex. Akmang papasok na ako ng biglang may humila saakin
"Baby" he whisper.
"Aless ano ba?!" saway ko dito.
"Rew please, iwan mo na ang kapatid ko. Ako nalang piliin mo please"
Nagulat ako sa sinabi nito.
"Sa kotse tayo mag usap." sabi nito at hinila ako papunta sa kotse nyang nakaparada hindi lalayuan sa bahay.
Inantay ko syang makapasok bago mag salita.
"Alam nating pareho na mali ang giagawa natin. Oo wala pa tayong ginagawa pero Aless kapag nakikita kitang hindi alam ni Alex pakiramdam ko nag c-cheat ako sakanya."
"Hindi pwede, I'm warning you Rew."
"Wag kang mag alala ako na ang mag sasabi kay Alex, para matapos na'to" sabi ko
Nagulat ako ng bigla akong hilahin ni Aless.
"Ano ba?!" saway ko dito
"Hindi mo ba ko narinig?! sabi ko sasabihin ko na kay Alex. Kaya wala ng dahilan para magkita pa tayo" sigaw ko
"SHUT UP! Sige sabihin mo! sisiguraduhin kong hinding hindi ka babalikan ni Alex kapag ginawa mo yan!" banta nito
"W–what d–do you mean?" takang tanong ko.
Ngumisi ito saakin at muli akong inilapit sakanya.
"Well, let's just say na. Kaya kitang sirain sa kapatid ko. Pwede ding dagdagan ko ang kwento? ano sa tingin mo"
"Nakakadiri ka Aless! sarili mong kapatid –"
"Sasabihin mo paba?" putol nito sakin.
"What about a se–"
"fine! hindi ko na sasabihin."
Ngumiti ito saakin at bigla akong hinila palapit lalo sakanya.
Nag lapat ang labi namin. Nag simula syang gumalaw. Bago ko pa man sya maitulak ay tumigil na ito sa ginagawa saakin.
"Kiss me back, baby" he whisper.
Nakatingin lang ako sa mga mata nito, t'wing nakikita ko ang mata ni Aless ay nakikita ko ang mata ni Alex.
Nawala ako sa tingin nya. Ang alam ko na lamang ay nagsimula akong tumugon sa mga halik nya.
At sa mga oras na iyon ay nakalimutan kong nobyo ko ang kapatid ng kahalikan ko ngayon.
************************************
ALEX' POV
From: Luv
Luv where are you? I miss youNapangiti ako sa nabasa ko. Alam kong hindi mag tatagal ay mamahalin narin ako ni Rew ng buo.
Nag tipa ako ng mensahe para dito. Hindi ko maiwasang mapangiti habang pinapaulit ulit basahin ang text nito saakin.
To: Luv
Gusto mo bang puntahan kita?From: Luv
Okay. Ingat Iloveyou.Napangiti ako sa sarili ko. Sobrang sarap sa pakiramdam ng inlove ka.
Nag bihis kaagad ako.
Pagkababa ko ay nakita ko si Kuya na nakaupo sa sala.
"Kuya!" masiglang bati ko dito.
Lumingin ito saakin tila parang nagulat.
"Oh, Alex. Ang aga mo ata aalis?" takang tanong nito pero nakangiti padin
"Nag text kasi si Rew, gusto ata akong makita." ngiti ko dito.
"Talaga?" tila nag iba ang boses ni Kuya ng marinig ang pangalan ni Rew.
Ayaw nya ba kay Rew?
"Sige na Kuya" sabi ko.
Hanggang sa pag d-drive ay nakangiti padin ako.
Tama si Gab, hindi magagawa saakin ni Rew na lokohin ako. Ang swerte ko kay Rew.
Nakarating ako sa bahay nila. Agad kong pinindot ang buton.
Pagkabukas nito ay tumambad saakin ang mommy ni Rew
"ALEX!" masiglang bati nito saakin
"Hello po tita, andyan po si Rew?" ngiting tanong ko.
"Oo nasa kwarto, pasok ka. Sana manlang sinabi mong darating ka para naman nakapag handa ako para sayo"
Ngumiti na lamang ako dito.
"Lola Remi, pwede mo bang tawagin ni Rew?" sabi ng mommy ni Rew
"Kumusta kana Alex?"
"Ayos naman po kayo po?" balik na tanong ko.
"Okay naman, matanong ko lang Alex. Nag away ba kayo ng anak ko kagabi? Umiiyak kasi ng pumasok kagabi dito."
"Po? hindi po kami nag away" sagot ko.
Naalala ko pa ng inihatid ko ito, nakangiti pa sakin si Rew non.
"ano kayang nangyayari sa anak k–"
Naputol ang sasabihin ni Tita ng biglang tawagin ito ni Rew.
"Alex!" masiglang bati ni Rew saakin
Sinalubong ko ito ng yakap.
"Sige iiwan ko na muna kayo" sabi ng mommy nito.
"Ayos ka lang ba Luv? sabi sakin ng mommy mo umiiyak ka daw kagabi? may nasabi ba akong hindi mo nagustuhan?" alalang tanong ko.
Nakita kong nanlaki ang mata ni Rew
SANDALE?!
haysssssss boringsssss.

YOU ARE READING
Between (Editing)
RomanceMercandez Twins Series #1 Mapapatawad mo nga ba ang mahal mo, kahit sobra ang kasalanan nito saiyo? Magagawa mo nga bang kalimutan ang sakit para lang makasama sya? Tama nga bang rason ang salitang "Mahal kita" para manatili ka, sa likod ng mga ito...