8PM
Alexon callingggggg...
"Hello luv, darating pa ba kayo? kanina pa kasi kami nag aantay dito sa bahay? may nangyari ba?" sunod sunod na tanong ni Alex.
"Papunta na kami luv, sabi kasi ni daddy alas otso kami pumunta d'yan. Pasensya na ah." nahihiyang sabi ng dalaga.
"Okay lang. Akala ko hindi na kayo pupunta, kinabahan ako ng sobra." mahinang tugon ng binata.
"Ibababa ko na luv malapit na rin naman kami."
"I love you" malambing na sabi nito.
"I love you too."
Kinakabahan ang dalaga habang nakatanaw sa labas ng bintana ng kotse. Dasal n'yang sana ay maging maayos ang pag kikita ng mga magulang nila.
"Sir, ito na po yung binigay nyong address" sabi ni Manong Bert.
Pagka baba nila'y natanaw nya si Alex sa gate kasama ang parents nito.
Sinalubong naman sila ng ngiti ng pamilya ni Alex at nakipag kilala sa parents ko.
"Natutuwa akong nakarating kayo" masayang sabi ng mommy ni Alex.
"Salamat sa pag imbita saamin" ngiti naman ng mommy ni Rew.
Nang makapasok sila'y sumalubong ang ayos na ayos na sala nila Alex.
Maganda ang pagkaka-ayos nito. Mahahalata mong pinaghandaan ito.
"Ma-upo kayo" sabi ng daddy ni Alex.
"Natutuwa akong makilala ang magulang ng nobyo ng anak ko" matigas na sabi ng daddy ni Rew.
"Actually si Rew palang ang babae na dinala dito ng anal namin, wag kayong mag alala kitang kita naman naming mahal na mahal ni Alex ang anak nyo" masayang tugon ni Ellyson.
"Ganon din naman ang anak namin."
"Sana'y andidito kayo nung nag propose si Alex kay Rew, halatang halata masaya talaga sila sa isa't isa." kinikilig na sabi ni Ellyson ang mommy ni Alex.
"Talaga? naging busy kasi kami ng mga nakaraang araw. Kaya nang sabihin saamin ng anak ko na may nobyo sya, gustong gusto namim itong makilala"
"Mr and Mrs. Abelarde, maaari ba naming hingin ang basbas inyong basbas sa relasyon ng mga anak natin?" tanong ng ama ni Alex.
Nakaramdam ng kaba si Alex. Paano kapag hindi sila pumayag?
"Makukuha mo Alex ang basbas ko, basta't wag na wag mong sasaktan ang bunso namin." makahuluhang sabi ni Mrs. Abelarde.
Napa-ngiti naman si Alex at ang magulang nito.
"Eh ikaw po Sir?" kabadong tanong ni Alex.
"Katulad sabi ng asawa ko." maikling tugon ng ama ni Rew.
"Alex. call me tita or mom nalang, pamilya ka narin saamin" ngiting tugon ni Mrs. Abelarde.
"Okay po Tita"
"Bakit mo nasabing mahal mo ang anak ko?" madiing tanong ni Mr. Abelarde
"To be honest, wala naman pong hindi magugustuhan kay Rew. May mga bagay na nararamdaman ko sakanya na hindi ko maramdaman sa iba." tugon ni Alex habang nakatingin lamang kay Rew.
Lihim na napangiti si Rew. Pilit na pinipigilan ang kilig.
Napatikhim na lamang ang ama ni Rew.
"Basta kapag sinaktan mo ang anak ko, hindi ako mag dadalawang isip na kunin sya sayo." banta ng ama ni Rew.
"Maaari pong pareho kaming mag kasakitan dahil parte po ng bawat relasyon ang masaktan, pero ipapangako ko pong aalagaan sya at hindi sasaktan sa paraang alam ko" seryosong sagot ni Alex.
Namangha naman si Rowel (Rew's father) sa narinig mula kay Alex. Ang batang ito ay napaka totoo.
Alexon's POV
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Tanging alam ko lamang ay kung gaano ko kamahal si Rew.
Totoo lahat ng sinabi ko sa Daddy ni Rew. Lahat ng nararamdaman ko ngayon ay kay Rew lamang ko nararamdaman.
First girlfriend ko si Rew. Sya lamang ang babaing mamahalin ko. Noon ay ayaw na ayaw kong ibibigay ang sarili ko sa isang babae, dahil natatakot akong baka sa dulo ay walang matira saakin.
Nang makilala ko si Rew sa coffee shop. Hindi ko naman sya ganon kagusto, pero habang tumatagal pa-iba ng pa-iba ang nararamdaman ko sa dalaga.
Ayaw ko mang aminin ngayon ay sigurado na akong naibigay ang buong puso ko kay Rew.
Ngayon ay nakuha na nya ang basbas ng mga magulang nito. I will do everything to keep her. She's mine.
Naalala ko ang sabi saakin noon ng kakambal kong si Alesson.
"Bro, dadating rin ang oras na may isang babae kang seseryosohin. Yung tipong ayaw mo syang pakawalan."
Napa ngiti na lamang ako. Siguro ito na nga 'yon. Finally ang isang Alexon Mercandez ay mag iisang babae sa buhay.
"Luv ayos ka lang ba?"
Narinig kong tanong ng babae na pinakamamahal ko."Oo naman" ngiting tugon ko.
"Masayang masaya lang ako na nagustohan ako ng parents mo" dadag ko pa.
Nginitian ako nito.
"Ganon din ako" tipid na sabi ng nobya ko.
Ilang minuto din kaming tahimik. Dinaramdam ko ang bawat sandali na malapit ako sakanya.
"Anak, mag paalam kana. Aalis na tayo" sabi ni Tita Flo. (Rew's mom.)
"Sige na luv. Susunduin nalang kita sa school mo tomorrow, I love you" tugon ko.
"I love you too. Una na kami."
Tumayo kaming pareho. Inihatid na namin sila Rew sa gate.
"Salamat ulit sainyo." sabi ng mommy ni Rew.
"Sainyo din."
"Tita tito, thank you po." sabi ni Rew.
Nginitian ako nito.
"Alis na kami" sabi naman ng daddy no Rew.
Hangga't makasakay sila ay naka'y Rew lamang ang mata ko. Nang makalayo ang sasakyan nila atsaka lamang kami pumasok.
"Anak alam mo ba na gustong gusto ko kayo para sa isa't isa" sabi ni papa.
"Mabait na bata si Rew anak, kaya wag mo syang sasaktan okay?" seryosong sambit ng mama nya.
Natawa ito, dahil pakiramdam nyang si Rew ang anak nila at hindi ako.
"Oh Alesson, bakit ngayon ka lang?" gulat na tanong ni mom.
"May ginawa lang po ako" ngiti namang sagot ni Kuya.
"Sinabi ko naman na darating ang pamilya nang nobya ng kapatid mo." matigas na tugon ni daddy.
"Sorry po. Naging busy lang po talaga." mahinang sambit nito.
"Kumain kana anak?" alalang tanong ni mommy.
"Opo."
Nang matapos ang usapan namin sa baba ay umakyat na ako sa kwarto.
Ano kayang ginagawa ni Rew ngayon?
"Bro" rinig kong tawag saakin
"Oh bro?"
"Natutuwa ako para sayo. Finally at nakahanap kana ng babaing mamahalin, wag mo ng pakawalan ah?" malokong sabi ng Kuya ko.
"Oo naman."
"Dumaan lang ako para sabihin yan sayo. Sige na."
Nang lumabas si Kuya sa kwarto ko ay
nahiga ako habang inaalala ang kung saan kami nag simula ni Rew.Flashback ang kalahati ng next chapter. hehehehe.
ANW. Identical twins sina Alexon at Alesson. nauna lang si Alesson, that's why.......
Enjoy reading..... Boringggg.

YOU ARE READING
Between (Editing)
RomanceMercandez Twins Series #1 Mapapatawad mo nga ba ang mahal mo, kahit sobra ang kasalanan nito saiyo? Magagawa mo nga bang kalimutan ang sakit para lang makasama sya? Tama nga bang rason ang salitang "Mahal kita" para manatili ka, sa likod ng mga ito...