REW's POV
"Wala kang nasabing masama kagabi luv" sabi ko dito
"Sigurado kaba? kahit nagawang mali wala? pero bakit ka umiyak?" sunod-sunod na tanong ni Alex.
Hinahanap nito ang tingin ko. Nakaramdam ako ng matinding kaba, habang tumatagal ay nadadagdagan ko ang mga kasalan ko kay Alex.
"Wala talaga" ngiting sagot ko.
Ayokong masaktan ni Alex, ayoko ding biguin si Aless. Pero si Alex ang nobyo ko, pero parang pakiramdam ko ay mas gusto ko ang prisensya ni Aless?
"Rew, alam mong mahal na mahal kita diba?" makahulugang sabi nito.
"Ayoko nang meron kang itatago ka saakin. We both know na gagawin ko ang lahat para sayo" dagdag nito
Parang may kumurot sa puso ko sa mga sinasabi ni Alex.
"Gusto kitang pakasalan Rew, gusto kong makasama ka habang buhay. Alam kong hindi mo ko lolokohin, ikaw ang babaing handa kong mahalin hanggang sa dulo. Maaasahan ba kita?" seryosong sabi nito
Hindi ko alam ang isasagot ko. Dahil alam kong sobrang liit ng mundong ginagalawan naming tatlo, lalo na't magkapatid sila.
"Oo naman luv" sagot ko
"Sorry Alex, pareho ko kayong ayaw saktan" bulong ko sa isip ko
************************************
Joy's POV
Hindi ko maintindihan, bakit magkasama si Aless at Rew kagabi?
******FLASHBACK******************
"Sienna samahan mo na ako kina Rew."
"Gurl, alam mong andito sina tita ngayon." sagot nito
"Tsaka gurl, late na ah. Bukas na'yan" dagdag pa nito
"Ako nalang sige na gurl" sabi ko bago ibaba ang cp ko.
Habang nag mamaneho ako papunta kita Rew ay natanaw ko ang kotse ni Aless. Hindi ako pwedeng magkamali, dahil ito yung kotse na ginamit namin last time noong kasama ko si Kuya.
Mas lalo akong nagulat ng lumabas sa loob ng kotse na'yon si Aless.
"Anong ginagawa ni Aless dito?!" tanong ko sa sarili ko.
Hindi ko alam na close pala sila.
Maya-maya ay nakita kong patungo sila sa kotse ni Aless.
WAIT?!
Makalipas ang ilang minuto ay bumaba si Rew na parang nagmamadali.
The question is..... anong ginawa nila sa loob?
"WTH REW?! DON'T TELL ME.... SHIT" singhal ko sa sarili ko.
Ayokong mag isip ng kung ano-ano, mabait si Rew. Alam kong hindi nya sasaktan si Alex gamit pa ang kuya nito.
So I decided to call Aless.
RINGGGG RINGGGG RINGGGG
"Ang bilis mo naman ata akong ma-miss, baby" he said in a teasing voice
"BABY?!" singhal ko
"F*ck, JOY?!" gulat na tanong nito
"At sinong baby?"
"Nothing." sagot nito
"Nevermind. Nasan ka?" tanong ko.
"Bahay"

YOU ARE READING
Between (Editing)
RomanceMercandez Twins Series #1 Mapapatawad mo nga ba ang mahal mo, kahit sobra ang kasalanan nito saiyo? Magagawa mo nga bang kalimutan ang sakit para lang makasama sya? Tama nga bang rason ang salitang "Mahal kita" para manatili ka, sa likod ng mga ito...